100

27 7 0
                                    

No one's POV:

Mabilis lumipas ang mga araw, and finally. The word is out.

'TBEnt Announces their newest girl and boy group debut.'

Nang maipost ang article na ito sa internet, agad na sumabog ang bawat notifs nila. From Twitter, IG at kahit sa YouTube din.

Umani sila ng libo libong atensyon and they are all happy and thankful about it.

Mas lalo din umingay sa internet ang pangalan nang dalawang grupo when they announced having their first debut concert sa philippines.

"Congrats guys!!" masayang bati sa kanila nang choreographer nila once they entered their dressing room, kakatapos lang nang debut stage nila sa isang show at as expected, marami ang sumuporta neto.

Nagkaroon pa ng picture taking, konting chikahan at daldalan and after an hour nag iimpake na sila para makabalik sa dorm para magpahinga.

Nakangiti na nagbabasa nang mga reactions sa twitter si Althea. Sobra siyang natutuwa sa mga sumusuporta sa kanila, al though nandyan din yung hate comments, di na niya muna pinansin yon.

Tahimik lang siyang nagso-scroll when her phone rang.

Unknown number ito, sasagutin na nya sana when she remembered na kasali din sa mga napag-usapan nila na iiwasan ang pagsagot ng mga unknown numbers dahil hindi nasisigurado kung safe ba itong sagutin. Mahirap na.

She was about to press decline when the phone stopped ringing by itself. Maya maya pa ay nakatanggap siya nang text.

[Unknown Number;
- Hey! Congrats sa debut niyo! You did well, I hope you're doing fine :) ]

Napataas ang kilay neto, sino naman kaya ito?

[Unknown Number;
- ah, balita ko di na kayo nage-entertain nang unknown numbers, btw, it's Jaden. Gusto ko lang mag congratulate.]

Despite sa gulat na naramdaman niya, natuwa nalang din siya. She hastily replied a short, ' Thank you. Goodluck din sainyo! '.

"Huy? Tapos kana mag pack up nang things mo?" Nagulat siya ulit sa boses kaya ay agad niyang ibinulsa ang phone niya bago humarap.

"U-uh.. Oo, tapos na." She smiled.

"Bat parang nakakita ka nang multo? What were you reading ba?" Nakakunot ang kilay ni Princess habang tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ni Thea.

"Ah, mga appreciation posts lang tungkol sa group natin.. I just found it overwhelming." Tahimik netong sagot. Palusot.

Hindi naman sa affected siya ng biglang nagparamdam si Jaden. She's over that event. Ayaw niya lang na Iba ang isipin ni Princess, lalo na ngayong masaya at maayos na sila.

Princess misunderstanding them is the last thing she wants.

"Ah ganun ba? Ako din eh. Pero ayokong masyadong matuwa baka di na ako makatulog." She laughed na siya namang ikinatuwa din ni Thea.

"Guys! Ano ba daw gusto niyong kainin mamaya for dinner, libre daw tayo ni PD dahil successful ang debut stage natin!" Masayang anunsyo ni Nicole na siyang nagpaliwanag pa nang buong kwarto nila.

"Chicken!!"

"Dibs na sa lumpia!"

"Beke nemen pizza!"

"Pa-samgyup nalang si PD!"

Samu't saring mga sigawan ang naririnig sa buong silid, nagkaroon pa nga nang konting bangayan kung bakit mas dapat bilhin yung Chicken kesa sa Pizza, at bakit mas masarap yung Pizza sa Chicken, pero at the end, PD gave them both.

THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon