My Sophomore Series... (Chapter 14, Caught in the Act)

1.6K 89 29
                                    


Simula nang nangyari sa amin ni Jan yun naging mas malambing siya. Di ko alam kung may ilalambing pa si Jan kesa sa sobrang paglalambing niya pero pansin ko mas lumambing siya. Mas madalas din, siguro mga twice a week na may breakfast in bed ako. Wag bastos ang isip, totoong pagkain, at hindi si Jan ang kinakain ko. Pero oo, sa mga araw na walang breakfast in bed, siya muna kinakain ko.

Wala na akong contact kina James at Rod, o kina Kuya Paolo dahil nung umalis ako, pinadala ko kay Kuya Bon ang phone na regalo ni Mama Fary. Nakakahiya naman kung lumayas na ako e dala-dala ko pa rin ang mga bagay na binigay nila sa akin. Naisip ko na napakasalbahe ko at iniwan ko sila tapos nagdala pa ako ng gamit na binigay nila.

Medyo naiisip ko rin sila. Paminsan-minsan, ang pagiging mabait at maaalalahanin ni Mama Fary, ang pagiging maasikaso at sweet ni Kuya Gilbert, ang sarap kausap at kasex nina Feljan at Rey, at siyempre ang aking masarap na ex na si Kuya Paolo. Paminsan-minsan ay napapanaginipan ko siya pero lahat ng panaginip ko sa kanya ay masama ang gising ko. Ilan lang ang naaalala ko pero mas madalas sa panaginip ko ay sinisigawan ako nito, pinapagalitan, hinahabol at niyayakap.

Naisip ko minsan, mahal nga talaga ako ni Kuya Paolo... pero kahit anong gawin ko, si Jan pa rin ang tinitibok ng puso ko. Di ko alam kung darating man ang araw na di ko na siya mamahalin dahil sa pagkakaalam ko, buong-buo ang buhay ko pag kasama siya.

Pero andami kong namimiss na mga tao. Naisip ko, siguro nag-aalala na sina James at Rod kung ano nang kalagayan ko. Nagsimula na ang klase at siguro andun na sina Feljan at Rey na nag-aaral. Siguro, tinatanong na ako nina James at Rod kina Feljan at Rey at kay Kuya Bon.

Napapangiti ako na nalulungkot kapag naaalala ko ang kakulitan ng dalawang iyon. Si Rachel na malambing, siguro nag-aalala na rin yun.

Napansin din ni Jan iyon dahil minsan nabablanko ako, kahit na nasa harap namin si Teacher Noly. Yan tuloy napagsasabihan din ako ng tutor namin na di daw ako nagko-concentrate.

"Angelo, nasa malayo na naman ang iniisip mo. Nasa kingdoms lang tayo." tinutukoy nito ang kingdoms of living things.

"Sorry po Maam." hiyang-hiya kong ibinalik ang mga mata ko sa libro.

Ramdam ko na nakatitig si Jan sa akin nang sandali bago bumalik ang mata sa libro.

Nang wala na si Teacher Noly ay kinausap ako nito.

"Gel, may problema ka ba?" tanong nito.

"Huh? Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi lately parang nasa malayo ang tingin mo e. Palagi kang nabablanko. Inaalala mo ba si Kuya Paolo?" nagseselos ang boses nito.

"Oo naman. Pero di lang siya, pati sina Mama Fary at mga kaklase ko." sabi ko.

"Gusto mo ba silang bisitahin?" tanong nito.

"Naku wag na. Dito na lang tayo."

"Di ka ba nasasakal na palagi ka na lang dito at lumalabas lang tayo kapag Sabado o Linggo lang."

"Okay lang ako. Kasama kita e. Wala nang mas importante sa akin." sabi ko dito saka hawak sa mukha niya.

Ngumiti lang siya at yumakap sa akin.

"Gel... thank you ha? Di ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka dito."

"Jan naman... gusto mo na ba akong mawala?"

"Gago ako kung gugustuhin ko yun."

"Bakit ba kasi ganyan ang mga salita mo?"

"Wala... basta." sabay bawi nito.

My Elementary Series - Volume 2Where stories live. Discover now