My Sophomore Series... (Chapter 18, Reunited 2)

1.5K 98 12
                                    


Pagdating ng dalawang kaibigan ko sa hotel ay animo umingay ang buhay ko. Walang katapusang tawanan, kulitan, kainan, kantahan, langoy sa pool, kain ulit... at ang paminsan-minsang pagpapalipad-hangin ni Rod.

"So kelan ka na ulit babalik?" tanong ni James habang kumakain kami.

"Baka next week pa. Need ko kasi ng parent's consent e." sabi ko.

"So, pupuntahan mo sina Tita this weekend?" si James pa rin.

"Oo, kailangan e."

"Tsk... paano kapag nalaman nila na wala ka na kina Mama Fary." si Rod.

"Alam ko alam na nila yun. Iyon pa?" si James.

Napangiti ako.

Alam na alam na talaga nila ang ugali nina Mama at Papa.

"Pero alam ba nila na Kuya mo ang tumutulong sa'yo ngayon?" si James.

"Ewan ko. Sana wag. Magugulo sila kapag nalaman nila yun."

"Sana nga. So hanggang kelan ka dito titigil?" si Rod.

"Bakit? Gusto mo bang sa inyo muna si Angelo?" tukso ni James kay Rod sabay akbay dito.

Hinampas ni Rod ng unan si James.

"Ulol, siyempre oo." sabay tawa pa at kindat sa akin.

"Ayoko no. Baka magahasa mo pa ako palagi dun." biro ko dito.

"Gahasa pala ha." sabay akbay nito sa akin at akmang hahalikan ako.

May tumamang unan sa ulo namin.

"Pakiusap lang, may ibang tao dito. Mamaya niyo na gawin yan kapag tulog na ako. Marami kayong time para maglampungan." seryosong sita nito.

Hinampas ko rin siya ng unan.

"Lampungan ka diyan." sabi ko.

HInampas ko rin si Rod.

"Ito kasi ang kulit eh. Akala mo pusang di maihi e. Ano? Horny ka na naman?" biro ko lang kay Rod.

Napangisi ito.

"Wag ka nang sumagot." sabay sabi ko dito.

"Pero pwera biro saan ka na titira nito?" si James.

"Naghahanap na nga si Kuya ng lugar para sa akin e kaso di na siya macontact e. Nag-aalala na tuloy ako dun." nalungkot ako nang maalala ko si Kuya Jay.

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Babalikan ka rin nun." si Rod.

"Oo nga, don't worry, habang wala siya, kami muna kuya mo." si James naman.

"Ako pwedeng bana (Hiligaynon ng asawang lalaki)." sabad ni Rod.

Hinampas ko ulit ito ng unan.

"Sabing wag maharot e." sita ko dito.

Tawanan lang kami.

Mga bandang alas-tres na dinalaw ng antok ang dalawa. Pero ako di makatulog. Umupo ako sa veranda ng room ko na nakaharap sa swimming pool. Doon ako humilig ng konti.

Iniisip ko na napakaraming nangyari sa akin sa loob lamang ng mahigit tatlong taon. Marami namang mga tao sigurong naging magulo ang buhay pero di naging kasing-gulo ng sa akin.

Andaming swerte at malas na nangyari sa akin. Ang masaklap doon ay masyadong swerte at malas ang nangyayari. Kaya mas grabe ang epekto sa akin nito. Iniisip ko sa loob ng tatlong taon simula nung may mangyari sa amin ni Rexie ay sunod-sunod na ang mga pangyayari sa buhay ko. Di ko na halos mabilang lahat ng taong nakasalamuha ko, nakilala, nakarelasyon, nakasex, nakaaway, nakaibigan.

My Elementary Series - Volume 2Where stories live. Discover now