Chapter 2

2.7K 25 2
                                    

Matagal na nakatingin lang si Joline sa screen ng kanyang laptop. Maya maya ay napapabuntong hininga at napapatingin sa wall clock sa loob ng kanyang opisina. Alas kuwatro na at isang oras na lang bago mag uwian. 

Sa huli napilitan din siyang pagbigyan si Tessa sa pangungulit nito na sumama sa dinner na inihanda ng kaibigan nilang si Mitch para sa get together nilang magkakaibigan na gaganapin narin sa bahay ng huli.

Tumunog and kanyang cellphone dahilan para maputol ang kanyang pag iisip. Tiningnan at binasa and mensaheng galing kay Tessa. 

"Pack up early para makapag ayos tayo bago pumunta kina Mitch" the text said.

Napasandal sa kanyang swivel chair at napapikit na lamang siya. Pinipilit kalmahin at paliwanagan ang sarili na walang masama kung makita niyang muli si Nathan kahit sa huling sandali nito bilang binata at ipinapangako sa sarili na kakalimutan na ang anumang nararamdaman para dito. Nang sa ganon hindi na paulit ulit na nasasaktan and kanyang puso.

Sumapit ang alas singko. Nakatayo si Tessa sa pinto ng kanyang opisina halatang sinusundo na siya.

"Dumaan muna tayo sa apartment mo to freshen up. Malayo ang bahay ko and mas malapit ka kina Mitch." sabi nito.

She just rolled her eyes at her friend.

"Bakit ba masyado kang excited. It's just dinner. Hindi naman party ang pupuntahan natin." walang ganang sagot niya.

"Kahit na, ayaw kong magmukhang stress pag humarap sa kanila. Look at you mukhang pagod na pagod ka. Loosen up ok?" napapalatak na sabi nito.

Hindi niya lang masabi sa kaibigan na ang dinner na iyon ang dahilan kung bakit mukhang siyang nahahapo.

Twenty minutes drive mula sa opisina hanggang sa apartment niya. Naligo, nagbihis at nag-ayos sila ni Tessa bago pumunta sa bahay nina Mitch. She wore a purple lace dress na above the knee ang cut at tinernuhan ng strappy sandals and put a light make up and lip gloss. 

Tama si Tessa hindi kailangang magmukhang haggard siya. As she promise to her self na kakalimutan na ang nararamdaman kay Nathan. She needs to move on and thinking about it looking great and confident sa harap ng lalaking gustong kalimutan is a good start.

Eksaktong alas sieste ay nasa bahay na sila ni Mitch. Masayang sinalubong at bineso sila ng kaibigan. Michelle or Mitch sa kanilang magkakaibigan looks beautifully radiant and blooming. When was the last time she saw her? Eight months ago on her wedding day. Ikinisal ang kaibigan nilang ito noong nakaraang taong at larawan ito ngayon ng isang masayang asawa.

"Come inside, nasa dinning na sila." masayang yaya ni Mitch.

Umabrisiete ito sa kanya at kinumusta siya habang nalalakad papunta sa dinning room.

"Jo kamusta kana? Ang tangal nating hindi nagkita namiss kita". sabi nito.

"Busy lang lately." simpleng tugon niya.

"Magready ka sis siguradong bubuskahin ka ng barkada dahil sa dami nang namiss mong gimmick at happenings." pangaasar ni Tessa.

Natawa na lang silang pareho ni Mitch sa tinuran nito.

Pagdating sa dinning room ay nakapwesto na sa mga upuan ang kanyang mga kaibigan at masayang nagkukwentuhan. It's a simple dinner pero marami at masarap ang pagkain nakahanda. And she just realized how she miss her friends and their occasional gatherings just like this.

Katulad ni Mitch masayang sinalubong at kinamusta din siya ng ibang mga kaibigan. At katulad nang inaasahan hindi matapos tapos na pang aasar kung bakit tila missing in action siya lately sa mga galaan ng barkada.

Habang masayang nagkakamustahan at nagkukwetuhan gumagala ang kanyang mga mata na tila may hinahanap. And then she saw him. Nakasandal sa railings ng dining veranda. May hawak na baso na may lamang alak. Alak? Hindi pa nagsisimula ang dinner umiinom na? Mukhang wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid nakatingin sa malayo at hindi pansin ang kasiyahang nagaganap. 

May isa pang tao na hinanap nang kanyang mga mata pero mukhang wala ito dito ngayon. Dahil kung nandito man ito tiyak na hindi nag-iisa na tila nagmumukmok si Nathan ngayon sa madilim na bahagi ng veranda. Kaya ba ito tila nagmumukmok dahil wala si Hanna. Ang fiancee nito.

Continue.....

If you enjoyed reading this story please comment, vote and follow.
Thank you!🤗



Waiting For LoveWhere stories live. Discover now