Chapter 5

174 14 0
                                    

"May acquaintance sa Monday, alam mo na ba 'yon?" tanong sa 'kin ni Chad.

Katatapos ko lang gumawa ng assignment ko, kaya andito ako ngayon sa coffee shop nina Sonson, kasama si Chad. He messaged me last night that he wanted us to date. Hindi ko alam kung date ba ang tawag dito, bahala na.

"Hmm... May theme na?" I asked.

He shrugged and closed his notebook. "Ewan ko, hindi ko pa alam. Kakasabi lang ng president namin kanina, eh. Wala pang official na meeting."

I nodded as I also closed my notebook. Study date siguro ang ginagawa namin. I really don't know the thought of being on a date. It was my first time in my whole life. Ewan ko ba.

"Tapos na ang ginagawa niyo ni Patrick?" he asked in the most bitter tone. 'Yung poster namin ang tinutukoy niya.

Palihim akong natawa sa tono niya. "Yeah, we already passed it."

Dumating na ang order naming iced coffee at red velvet cake. Naghati kami sa bill, gusto kasi ni Chad na siya lang ang magbayad, hindi naman ako makakapayag sa ganoong setup. Parehas kaming kakain, kaya parehas din dapat kaming magbabayad.

"Fifty-fifty," I told him. "That's my stand. Tandaan mo."

"Copy, Ma'am." Sumaludo pa siya sa 'kin.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan sa kung ano-anong bagay. More on school stuffs ang pinag-usapan namin. We were eating nang lumapit sa akin si Chad at pinunasan ang gilid ng labi ko. Napamaang ako nang tikman niya ang daliring ipinahid niya sa labi ko.

Huh?!

"May gagawin ka tomorrow?" bigla niyang tanong na parang walang nangyari kanina! Hindi pa nga ako maka-get over sa ganiwa niya, eh!

I just shook my head. "Actually, wala. Balak ko nga sanang magyaya ng gala kasama kayo nina Sonson."

Umirap siya. "Sonson ampucha."

"Huh?"

"Wala, kumain ka na," he said softly as he sipped on his iced coffee.

After that, hinatid na ako ni Chad sa bahay namin. Pinapasok ko siya, pero agad siyang tumanggi. I said my goodbye as I enter our house. Tumigil muna ako sa pintuan hanggang makasiguradong nakaalis na siya.

Time passed by and it's already five o'clock. And it had been fifteen minutes since Chad left. Hindi ako mapakali dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Is he already at home?

I sat on my bed and typed a message.

To: Chad 🤍

are you already at home?

I rolled my eyes while waiting for his message. Nilagyan ko na nga ng heart ang pangalan niya sa contacts ko, pero ang bagal niya pa ring magreply! Nakakainis! Nilibang ko na lang ang aking sarili sa paggagawa ng reviewer habang inaantay ang reply niya.

I'm almost done with my reviewer, but Chad didn't reply for the whole time. Nag-aalala na ako. I felt bad too. Sana 'di ko na lang siya pinayagang ihatid ako.

Nang magdinner ay bumaba na ako. Magana akong kumakain dahil kasabay ko sina Mom at Dad. Ngayon ko na lang kasi sila nakasabay kumain. Madalas si Manang ang kasabay ko, madalas ding wala.

"Kamusta ang pag-aaral, anak?"

I smiled at my Dad. "Ayos naman po, magkakaroon kami ng acquaintance party sa Monday... kaya pwede po bang magamit ang card ko?"

Natawa naman si Mom sa akin. "Of course, kung gusto mo ay i-message ko si Lineth para magpagawa ng-"

I immediately cut her off. "No need po," I replied.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now