Chapter 12

411 21 4
                                    

Chapter 12: Bestfriends

I thought he would say something related to our arguments last summer but he just asked if Teodus is awake. Or maybe, he already forgot it because he didn't want to step on his own pride and he don't have plan to put bruises on his ego.

Dahil, tama ang sinabi ko noon. Joanna's cheating on him but he refused to believe it because love made him blind and mindless. Or is it love? We're all young to call it love but let's just call it attraction with commitment.

Maayos naman ang suit ko at sakto lang sa akin. Pinapanood ko nalang ang mga pinsan ko ngayon na sinusukat ang kani kanilang suit na susuotin mamaya para sa birthday ng nag iisang walang katumbas, Segismundo Venturero.

Everyone knows my Lolo because he's a warm hearted person and always generous and open to people. Every resident in Casa Poblacion have a high respect and love for him that's why they're always invited to his birthday coz it's Lolo's wanted. He's treating everyone as a family because he said that we're all supposed to be a family but differences and sins made a barricades to one another.

"Ang guguwapo ng mga batang ito! Puwede ng maging model at sure akong marami pa ang tatangkilik sa designs ko!" the gay designer said.

Kanina pa siya tuwang tuwa sa amin at maya't maya ang mga papuri niya. He's Tito Gary's friend and ever since, he's our family designer when there's occasion like this.

"Siyempre, Venturero! Walang papahuli sa amin pagdating sa ganda ng mukha!" bragged Tito Gary.

"Yes! And you know who's the most handsome, Tito Gary!" ang pilyong si Froilan na kanina pa tingin nang tingin sa salamin dahil sobrang nagustuhan ang suit at guwapong guwapo sa sarili.

"Hay nako. Guwapo nga pero pinapabayaan naman ang pag aaral! Ba't hindi niyo gayahin itong si Thoryusop, boys? And for me, he's the most handsome among my nephews because he's not just a pretty face, he's smart and industrious pa!" ani Tito Gary kaya malaki ang ngisi ko sa mga pinsan ko, nang iinis at proud.

"Gara naman! Ngayon lang masipag yan si Ryu dahil hindi mahilig sa love. Tignan lang natin sa college kapag nainlove yan ng sobra, Tito!" si Froilan na agad kong binato ng tissue.

"Huwag mo akong itulad sayo you piece of jerk! Why don't you take love as an inspiration? Not a destruction!" anas ko.

"Well, who knows, right?" Tito Gary shrugged.

"You believe him, Tito? Really? Hindi ako basta basta magpapakatanga pagdating sa pagibig na yan. I will fall in love, yes. But love can't break me..." I stated.

"Oo na, Ryu. Dami mong alam..." sapaw ni Dion kaya siya naman ang binato ko ng papel.

"Alam mo, Ryu, hindi natin alam ang mangyayari kapag na-inlove tayo at baka lunukin mo ang lahat ng sinabi mo?" si Teodus.

"Of course not! May paninindigan ako!" giit ko.

Payak na tumawa si Tito Gary at kung tignan niya ako ay para siyang may inaalala.

"Well, let's say na magiging successful ka like me or like your parents, Ryu. But believe me, once you fall in love, you will forget your words, promises and standpoint..." Tito Gary said with so much belief.

Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil parang sigurado na siya sa mangyayari sa akin kapag na-inlove.

"Why? Based on experience ba?" taas kilay ko.

Nagkatingan si Tito Gary at ang kaibigan niyang designer sabay parehas silang natawa dahil sa sinabi ko. Naguluhan naman ako.

"Hay nako, hijo. Ayaw ko nalang magsalita pero kapag dumating ka na sa bagay na yan, just talk to me and I'll give you my advice and the things that I did when I was in your age..." saad niya.

Memories in the Roads (Street Series #3) Where stories live. Discover now