Chapter 15

378 15 0
                                    

Chapter 15: Summer


New year came and we went again to the beach para salubungin ang bagong taon doon. Matapos noon ay parang naging mabilis nang lumipas ang mga araw kaya kailangan ko na ulit bumalik sa Manila dahil malapit na ang resume ng klase.

"Sa summer ah? Hintayin kita..." pahabol ni Eli. Iyon lang pala ang sasabihin niya't kailangan niya pang umakyat at tumulong sa pagbaba ng mga luggage ko.

"Of course. Makakaasa ka..." ngiti ko.

"Na-accept mo na naman ako sa facebook, di'ba? Chat nalang kita kapag nandoon na kami sa Manila," aniya na tinanguan ko.

"I'll try to see you there..."

He nodded and we both smiled to each other then he waved before he shut the door of the car. Kita ko pa rin siya sa bintana, kumakaway at ngumingiti.


(3 months later...)

"Last day na natin ngayon. Tomorrow is the recognition day. Kayong dalawa lang ni Harvey ang may honor. Daya!" Gabriel ranted as we walked in the corridor after class.

"Bakit hindi mo kasi ginalingan? Don't tell me that we didn't helped you? When we did!" giit ko sabay gulo sa buhok niya.

"Tss. Hindi ko talaga kayang sabayan kayo pero sa grade ten promise gagalingan ko para tatlo tayong magmomoving up na may award!" he said energetically.

"Make it happen. By the way, where's Harvey?" I asked then I looked around the campus but he's nowhere.

"Hinatid lang yung mga outputs sa faculty? Tara puntahan natin!" sagot ni Gab kaya lumiko kami sa may faculty building pero wala na roon si Harvey!

"Nasaan yon?" sabay pa naming tanong.

"Ryu! Gabriel!" pareho kaming napalingon sa isa naming kaklase na nagmamadaling tumakbo palapit sa amin.

Nagtaas ako ng kilay. "Bakit?"

"Si Harvey! Nasa likod ng school, binubugbog nila Gio!" he divulged that's why we immediately run.

Lumabas kami ng school at nagpunta sa likod nito kung saan may bakanteng lote at naabutan namin doon ang grupo ni Gio at si Harvey na nakahiga na sa sahig!

Susugod na sana si Gabriel pero hinawakan ko ang wrist niya. Kunot noo niya akong nilingon na parang naiirita kung bakit ko siya pinigilan.

"Ano? Don't tell me hindi natin tutulungan si Harvey?!" untag niya pero mabilis ko nang binuksan ang bag niya.

"Huy! Ano bang ginagawa mo, Ryu?" ani nito na iniiwas pa ang bag niya pero nakuha ko na ang whistle.

His eyes widened when he realized my plan then I immediately blow the whistle. Kaya natigil ang grupo nila Gio at nataranta.

"Tara na! Iwanan niyo na yan diyan!" taranta sila at mabilis na pinulot ang mga bag bago tumakbo papalayo.

Nang mawala na sila ay siyaka palang namin dinaluhan si Harvey na maraming galos sa mukha. Tinayo namin siya at pinaupo, putok pa ang labi niya.

"Ang pangako nila titigil na sila di'ba? Kundi, patatalsikin sila sa school pero hindi pa rin pala nagbabago. I'll report this..." I fumed. Inayos ko na ang mga gamit ni Harvey at tinulungan namin siyang tumayo.

"Dapat kasi sinugod na natin sila, Ryu eh!" si Gab.

"H-Hindi niyo kakayanin, marami sila ngayon!" sambit ni Harvey.

Naglakad na kami pabalik sa loob ng school para ireport ang nangyari pero napahinto kami nang makita ang grupo nila Gio sa harap ng school. Nakita nila kami kaya nanlaki ang mga mata nila.

Memories in the Roads (Street Series #3) Where stories live. Discover now