Chapter 8-Christmas Gift

11.2K 241 8
                                    

HINDI maalis ang ngiti ni Ethan sa labi dahil sa nangyari sa kanila kaninang madaling araw ni Kaye.

Tanghali na ng magising siya madali siyang naligo at nagasikaso nang balikan niya si Kaye sa kuwarto nito ay mahimbing pa rin ang tulog nito.

Nahagip pa ng paningin niya ang bote ng Jack Daniels na nasa bed side table nito kanina. Wala iyong laman hindi niya napansin pa iyon kaninang madaling araw dahil mas natuon ang atensyon niya sa dalaga at sa ginagawa nito sa pagkababae nito.

Hindi na niya kailangan pang magtaka kung bakit naabutan niya ito sa ginagawa nito sa sarili. She's drunk again last night and she could no longer handle her body heat.

"Good morning... Merry Christmas," nakangiting bati niya kay Kaye. Nang magising ito ay agad itong nagiwas ng tingin sa kanya at marahan na bumangon.

Napansin pa niya ang bahagyang panginginig nito. She's a bit sore, he knew that. They made love three times.

"I have something for you," muling bawi niya sa katahimikan. Iniharap niya dito ang kumpol ng rosas na dapat ay kagabi niya pa naibigay at ang strawberries na paborito ng dalaga.

Kaye cleared her throath. Kipkip nito sa dibdib ang kumot para takpan ang kahubdan, kinuha ang bulaklak sa kanya at ang strawberries.

"Sa-salamat." Narinig niyang mahinang anito.

Hindi ito makatingin sa mga mata niya. Nakatuon lamang ang mga mata nito sa bulaklak na hawak na nito.

Nagkaroon siya ng ilang minuto para mapagmasdan si Kaye. She's quiet alluring and lovable.

Matagal na niyang pansin iyon sa dalaga pero ipinag-sawalang bahala niya dahil palaging tumatatak sa isipan niya ang sinabi ng tatay nito. Her father wants him to protect Kaye to those guys who have no intention to keep her.

Kaya kahit sa sarili niya ay pinrotektahan niya ang dalaga. Ilang beses na pagpipigil na nga ba ang ginawa niya wag lang mahawakan si Kaye ng higit pa? Maraming beses na.

Wala naman siyang balak na ibilang si Kaye sa mga babaeng naikama na niya. Ang pagka-attracted niya sa dalaga ay inilayo niya sa isipan at sistema niya.

Itinuon ang atensyon sa iba't-ibang babae na dinadala niya sa condo niya. May ilang beses pang iniisip niyang si Kaye ang katalik niya at hindi iyon maganda.

Akala niya noon ay boring ang buhay ni Kaye. That he would feel guilty if he do a single touch to her because she's a conservative woman. Na kung may boyfriend man ang dalaga ay hindi aabot na magpapahawak ito ng lalagpas sa halik at haplos. And right now seeing her face turning into red makes him more wants to ravish her with hugs and kisses and be with her not just for christmas but for his life.

She's shy because of what happened. Halata sa ikinikilos nito. Kaya dapat nilang pagusapang dalawa ang nangyari sa kanila. Hindi niya gusto na isipin ni Kaye na hindi niya ito pananagutan sa ginawa nila.

"Kaye..."

"Hmm?" Her sweet response. Nakayuko ang ulo nito. Binubuksan ang maliit na lalagyan ng strawberries.

"Be my girlfriend. Gusto kong ikaw ang maging regalo ko ngayong pasko."

Doon umangat ang paningin nito sa kanya dahil sa narinig. Ngumiti siya rito at mas lumapit.

Hinalikan niya ito sa noo. "Sa bagong taon sasama ka sakin sa Nueva Ecija. Sa pamilya ko. Sasabihin nating magpapakasal na tayo."

BUMAHA ang gulat sa mukha ni Kaye dahil sa sinabi ni Ethan. Nang magising siyang mukha nito ang bumungad sa pagmulat niya ng mga mata ay nasisigurado niyang hindi lang talaga isang panaginip ang nangyaring pagniniig nila nito.

✔The Christmas ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon