Chapter 4-Awkward

11.7K 319 21
                                    

"ANSWER me who's your first?" mariin ang pagkakatanong na iyon sa kanya ni Ethan. Nahihilo na siya at hindi makagalaw sa pagkakasandal sa kotse nito. "Hindi ko man lang alam na may boyfriend ka na, Kaye. Samantalang ako lahat ng babaeng madala ko sa condo nakikita mo."

Wala siyang panahon makipagtalo o makipag-away sa binata. She's drunk and she can't even think straight. Nagiinit rin ang pakiramdam niya, nanlalagkit na siya.

Kita niya sa mukha ni Ethan ang inis dahil sa sinabi niya kanina. She's telling the truth. Hindi naman na talaga siya birhen.

Noong tumuntong siya sa bente anyos ay nagkaroon siya ng boyfriend na hindi alam ng mga magulang niya at kahit mismo ni Ethan. At ang akala niyang pagmamahal na magtatagal noon sa piling ng nobyo ay isang pagkakamali dahil nagpauto siya sa sinabi noon nito na pakakasalan siya at siya lang ang gustong makasama.

Naniwala siya sa isang cheater. Kaya nang maghiwalay sila ng lalaking una niyang kasintahan ay hindi na siya nag-boyfriend pa.

"Sagutin mo ang tinatanong ko, Kaye," maawtoridad na wika ni Ethan sa kanya. May inis sa tinig nito, binitawan na nito ang mga braso niya, namaywang. "Paano kung mabuntis ka? Saan kayo gumagawa ng-Sa susunod nga Kaye, magpapasundo ka sakin."

She laughed. Dahil kita niya sa mukha ni Ethan ang pagiging over acting nito. Niyuko niya ang ulo dahil sa labis na hilo. "Ma-matagal na 'yon..."

Nang tumira siya sa condo ng binata ay natatandaan niyang nagusap ito at ang Papa niya. He need to take care of her, lalo na't nasa poder siya ni Ethan. Kaya naiintindihan niya kung bakit ganito na lamang ang reaksyon nito.

"Twenty ako noon. Ma-matagal na... Twenty nine na ako ngayon, Ethan. Magti-trenta na nga kaya wag kang mag-alala. Wa-wala akong boyfriend ngayon," nagbubuhol-buhol na ang mga salitang isinagot niya kay Ethan.

Hindi ito nagsalita. Huminga lamang ito ng malalim na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Best friend is a best friend, masama ang loob nito dahil naglihim siya. Noong kabataan naman kasi nila ni Ethan ay sagad ang pagiging sumbungero nito kaya kahit ang pagkakaroon niya ng nobyo noon ay nilihim niya dito.

"Uwi na ta-tayo, nahihilo na ako..." wika niya kasabay non ay ang pagpitik ng sakit sa kanyang sentido. Sumakit bigla ang ulo niya gusto na niyang matulog at magpahinga.

Hindi na niya kayang maidilat ang mga mata ng maayos. Nalasing siya sa ininom niyang alak sa pagkakatanda niya ay isa iyong tequila.

Nahawi ng paningin niya ang muling paghinga ng malalim ni Ethan. Alam niyang naiinis ito dahil sa tagal nilang magkaibigan ay hindi man lang nito nalaman na nagkaroon siya ng boyfriend. Kahit matagal na iyon ay nagi-guilty pa rin siya.

"I'm sorry... Alam mo naman na mahigpit sila Mama noon lalo na si Papa sa'kin. Kailangan kong itago na may boyfriend ako para makatapos ako ng pagaaral at kung sinabi ko sayo noon baka sinumbong mo lang ako," napalabi siya matapos sabihin iyon. Wala sa loob na niyakap niya ang mga braso sa baywang ni Ethan. "Ayaw mo kasi ako pansinin noon. Lagi mong sinasabi magbestfriend lang tayo. Hindi ka ba nagagandahan sa'kin?"

Ethan cleared his throath. Nawala ang inis sa mukha nito ng balingan siya.

Tiningala niya ang binata. "Huy..." aniya. "Hindi ka ba nagagandahan sa'kin?" Pag-ulit niya.

Ethan form a smile on his lips. "Nagagandahan."

NAGISING si Kaye sa liwanag na bumungad sa kanya. Nang mapagtantong bukas ang kurtina sa kuwarto niya ay mabilis niya muling ipinikit ang mga mata.

Naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang ulo. Hang-over. Hindi naman niya akalain na mapapadami ang inom niya. Natuwa siya masyado kagabi sa pakiki-pagusap sa katrabaho ni Ethan na si Michael na sa gabi naman daw ay Michaela na hindi pa magawang magladlad dahil walang lakas ng loob.

✔The Christmas ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon