Chapter 1-Self Touch

15K 345 22
                                    

"FUCK!" she heard Ethan's voice grumble with some girl as he hit his climax. Her eyes rolled in discomfort, and suddenly she sat on a white sofa in the living room.

"I want more!"

She rolled her eyes for the second time when she heard the woman in his room moaned.

Sarap na sarap ang gaga! Nakabusangot siyang bumuntong-hinga.

Hindi kalayuan ang pinto ng kuwarto ng binata mula sa sala kaya dinig na dinig niya.

Wala talagang pakielam si Ethan kung marinig man niya o hindi ang ginagawa nitong kalokohan. Naiinis ang kalooban niya dahil doon. Muli siyang napabuga ng hangin at nailing.

Kahit na abala siya sa panonood ng movie kanina pa sa sala ay hindi naman siya makapag-concentrate mas nakikisama ang tainga niya na marinig ang ingay na nagmumula sa kuwarto ng best friend niya kaysa sa pinapanood.

Gusto niyang katukin ang mga ito at sabihin na sa motel na lamang gawin ang makamundong seremonyas dahil hindi na talaga niya kayang pakinggan ang palitan ng ungol ng dalawa. Kung papasok naman siya sa guest room kung saan doon ang kuwarto niya ay mas maririnig lamang niya dahil katabi iyon ng kuwarto ng binata.

Daig pa niya ang nanonood ng porn videos sa naririning na ungol. Hindi siya sigurado kung may hiya pa ba si Ethan sa kanya o talagang sinasadya nito na marinig niya ang pakikipag seremonyas nito sa babae nito para lang inggitin siya.

Pag ako nagkaboyfriend! Bugnot na aniya sa sarili. Bakit pa ba niya naiisip na magkaka-boyfriend siya?

Matutuyot na lang ata talaga ako.

Nailing siya. Nevermind, being single is fun.

"Oh, Ethan! Please, Baby!"

Napasapo siya sa noo ng muling marinig ang boses ng kaniig ni Ethan. Hihimatayin nalang yata talaga siya sa dalawa. Ibang babae ang kasama nito ngayon sa kuwarto nito at sigurado siyang ibang babae nanaman ulit sa susunod na araw at sa susunod pa.

Babaero. Ang babaero ni Ethan. Hindi na siya nagugulat sa pagiging babaero nito. Sanay na siya at para sa mga kabaro niya na hindi sineseryoso ng kaibigan niya ay sa isip nalang siya humihingi ng tawad.

She and Ethan are best of friends. Simula pa lamang elementary ay magkakilala na sila sa parehas na ekwelahang pinasukan. Grade 6 student noon ang binata, samantalang siya ay nasa Grade 2 noon. Malayo ang agwat ng edad nila, anim na taon.

Ethan was 32 years old and she's 29 years old now. Magkakilala ang mga magulang nila noon pa dahil sa parehas na aktibo ang mga ito sa iisang barangay na kinabibilangan sa iisang lugar sa isang subdivision noon na tinitirhan. Kaya naman madali rin nilang nakagaanan ng loob ang isa't-isa.

Nasubaybayan nila ang pagbabago ng isa't-isa. Sa paglipas ng panahon ay parang kulang ang araw niya kapag hindi nakakausap o nasusulyapan man lang si Ethan. Siya ang palaging kumukulit dito at ang binata naman ay nasanay nalang sa pagiging makulit niya. Aminado naman siya sa sariling nararamdaman na hindi na lamang bilang isang kaibigan ang turing niya para kay Ethan.

Noong magkolehiyo sila nito ay doon niya naramdaman ang kakaibang pagusbong ng damdamin niya para sa binata. His simple gesture, laugh. Everything about Ethan is magical for her. Pero nananatili pa rin siyang tahimik para sa nararamdaman dahil si Ethan, hindi man lang siya mapansin-pansin bilang isang babae na pwedeng magustuhan kundi bilang isang babaeng kaibigan lang ang turing sa kanya.

Tatlong taon pa lamang silang nagkakasama sa condo ng binata. Sa pagiging makapal ang mukha ay doon siya naaayon. Kinumbinsi niya ang mga magulang at si Ethan na sa condo muna siya nito titira.

✔The Christmas ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon