chapter 12: island

1 1 0
                                    




(Krixhien's POV)

"Yeah." I answer to him.

"Wala pa nga tayong ginagawa eh pagod kana?"

"Whatever! Psh!" Singhal ko sa kanya.

"Whoooaahh chillax. Wala naman akong ginagawa pero tinatarayan mo na agad ako." Nakapout niyang sabi.

"Stop pouting. Ang panget mo!" Ako at nag make face.

Haha!

"Ehem."

Pag tingin namin dun sa nag fake cough si Dylan pala. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Ano na naman kayang kelangan neto?

"What?" Painosente niyang sabi. "The prof already said that ALWAYS STAY BESIDE your partner." Pinagdiinan niya pa yung always stay beside. Problema neto? Tapos habang sinasabi niya pa yun nakatingin siya kay Carl.

"Oh dude! Sige, punta nako sa partner ko. Hehe." Nagpaalam na siya at bago yun hinalikan niya muna ako sa pisnge.

Napangiti naman ako. Sweet talaga ng pinsan ko.

Natigil yung pagngiti ko ng makitang madilim ang aura ni Dylan.

Umupo siya sa tabi ko at hindi ako pinansin.

Suss kala niya naman kawalan siya!

Maya maya lang umandar na yung yate.

Habang nakaupo diko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa ingay.

"Itago mo na nga yan! Pag tayo nahuli."

"Ihhhh! Hintay lang Adrienne."

"Bilisan mo na."

"Wag ka ngang maingay dyan! Ang ingay mo eh! Magigising yan sa kaingayan niyo eh."

"Oo na. Oo na. Pshh!"


Mayamaya lang may narinig akong *click* sound.

"Ayyy ang bobo ba't may tunog?"

Unti-unti ko ng minulat ang mata ko. Nakita kong may hawak na camera si Reigan at Carl.

"Ba't ang ingay niyo!?" Tanong ko habang kinukusot ko ang aking precious eyes. Hehehe!

"A-ahmm a-ahh ano,. Ahmm nagpipicture, tama!! Nagpipicture picture kasi kami ng barkada eh." Paliwanag ni Reigan.

Naramdaman ko namang may mabigat sa balikat ko. At may humihilik ng  mahina sa tabi ko.

Tinignan ko at....

Si Dylan nakaakbay sakin habang tulog.


Pero hinayaan ko na lang kasi kokomprontahin ko pa yung nang istorbo sa tulog ko.

"Eh ba't ang iingay niyo kung kumukuha lang kayo ng picture!?"

"Ehh kasi..ahmm..ano.. Nag aagawan kasi kami kung sino yung kukuha, halos lahat gusto kaya ayun nag agawan kami. Hehehe."

"Oo nga!!" Sang-ayon ng lahat sa kanya.


Suss! Ako pa niloko niyo? Pero hayaan na lang. Alam ko naman na kami ni Dylan ang kinuhanan nito ng litrato. Alam mo na, di ako bobo.. Genius ata to.


"Umalis na kayo dito!" Sigaw ko sa kanila.


At ayun, dali-dali naman silang umalis.



The Real PRINCESSWhere stories live. Discover now