chapter 2: first encounter

3 1 0
                                    

(krixhien POV)

Welcome Philippines.

Yeah sa Pilipinas lang naman ako Pumunta. Kabababa ko lang ng eroplano. We live here before. Pero nagmigrate na kami sa states.

We have a mansion here but I'm not going to stay there. For now, I don't want to have connection with them. And ayoko ring malaman nilang nandito ako sa Pilipinas.

Maybe someday I'll tell them but not now. Kailangan ko pang patunayan ang sarili ko.

Na someday sasabihin Kong

"eto oh, eto na yung walang kwenta niyong anak. Na kahit walang kwenta ako, may Narating padin ng walang tulong niyo"

Someday sasabihin ko rin yan.

Pumara nako ng taxi. Maghahanap pa kasi ako ng matutuluyan. May ipon pa naman ako na pwede Kong gamitin. Maybe I'll just rent a simple apartment. Yung mura lang. Pagkababa ko ng taxi nagtanong tanong ako kung saan may pwedeng pagrentahan ng murang apartment dito.

"Doon ija. Teka lang at samahan na kita at mukhang bago ka lang dito. Mamaya maligaw kapa." Sabi nung napagtanungan Kong ale. Natawa naman ako ng konte.

"Haha sige po. Maraming salamat."

"Oh siya tara na." Sabi niya pa Kaya naman lumakad na kami papaunta sa tinutukoy niya. Tumigil kami sa isang maliit na bahay. May katabi din itong maliliit na bahay. Well marami sila. Pinapaupahan rin siguro.

"Dito na yun ija. Kumatok kana lang jan at ako'y uuna na. Marami pakong gagawin." Sabi nung ale.

"Sige po. Maraming salamat po aleng??" Tanong ko sa pangalan niya.

"Shona ija. Shona ang pangalan ko." Sabi ni aling shona.

"Sige po. Maraming salamat po ulit. Mag iingat po kayo aling shona." Sabi ko.

"Wala yun ija. Pag may kailangan ka, pumunta kalang dun sa may maliit na karenderya na nadaanan natin at dun ako nakatira. Sige at mauuna nako." Aling shona

"Sige po."

Pagkaalis ni aling shona tinignan ko ulit yung bahay at kumatok doon.

*tok tok tok*

"Tao po??"

"Anong kailangan mo ija?" Tanong ng isang may kaedadan ng babae

"Ahm gusto ko lang po magrent ng maliit lang na apartment. Yung mura lang po. Kailangan ko lang pong may matuluyan." Magalang kong tanong.

"Sige ija. Pasok ka." Pumasok naman ako at napakasimple lang nung bahay. "Ito na lang ang natitira. Yung mga katabi kasi nitong bahay nato may mga nakatira na. Mura lang naman dito. 750 every month. Libreng tubig at kuryente. Ano kukunin moba ija??" Tanong niya sakin. Malinis naman tong bahay at mukhang safe Kaya..

"Sige po kukunin kona."

"Oh siya sige. Ikaw na lang ang maglibot nitong bahay at aalis nako."

Nilibot ko naman yung bahay. Pagkabukas palang ng pinto bubungad  na sayo ang sala. Isang pahabang sofa at isang maliit na mesa na may flower vase sa gitna.

Pumunta naman ako sa kusina at wala  pang masyadong gamit pero malinis naman.

Pumunta akong taas. May hagdan kasi akong nakita. Bumungad naman sakin ang isang maliit na kwarto pagka akyat ko. Pagkapasok ko isang maliit na kama na I think pang isahan lang. May isa ring maliit na side table sa gilid. Sa gilid naman ng kwarto may isa pang maliit na pintuan at pagkapasok ko CR lang pala. May shower at may mga sabon at shampoo na din.

The Real PRINCESSWhere stories live. Discover now