CHAPTER 45

169K 2.9K 174
                                    

Bago mag basa pa subscribe muna sa YouTube channel ko😅🤪🙏🙏 pa vote and follow na lang din sa mga new reader. Tenkieee❤❤

 Tenkieee❤❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Good morning po maam!"
The security guard on the entrance on the Capitol greeted me nicely. Nginitian ko ito habang kasunod ang dalawang bodyguard ko. We just went on the Hospital for the monthly check up of my baby Miracle.

Kay bilis talaga ng panahon our baby now is already six months old. Laking pasalamat ko na malusog ang anak namin ni Eros kahit pa hindi ko ito pinapa breastfeed. Naaalala ko pa ng pinasuri naming mag asawa ang aming anak sa Maynila, grabe ang kaba ko noon. Gusto kong maka sigurado na hindi nito namana ang sakit ko sa puso. At mukha ngang diniling ang panalangin ko ng diyos ang sabi kase ng tumingin ditong espesyaslista ay wala itong anumang nakitang problema sa anak namin.


Our baby is also eating now solid food, lagi ko nga itong pinag hahanda ng mga nilagang kamote, patatas, kalabasa at iba pang gulay na binibigay sa amin ng ilang mag sasaka malapit sa mansyon. Hindi pa din ang mga ito nakakalimot sa mga naitulong ni Eros sa kanila.





Halos lahat ng nadaanan kong empleyado papunta sa opisina ng aking asawa ay binabati ako. Maski ang anak namin na si Miracle na nasa loob ng tulak tulak kong stroller ay hindi naka ligtas sa mga papuri ng mga ito. Hindi lang ata lima ang nagsabing kamukha ng aming anak ang Gobernador. Miracle is really Eros woman version.



"Ohhh my gawdddd M-maam Sienna?? Hala!! Kayo nga!!!"

Napangiti ako sa reaksyon ni Luisa ang sekretarya ng aking asawa. Ito kase ang unang beses na pumunta ako ulit sa Kapitolyo pagka panganak ko.
"Ako nga, amusta ka na?" Bati ko dito, natutuwa din ako na makita ito ulit.



"Naku maam ayos lang po, namiss ko kayo! Nabalitaan ko po ang nangyari sa inyo kinuwento po kase akin iyon ni Gov. Noong maospital ka po."

"Ganon ba? Kalimutan na natin yun ang importante naka survive ako at eto nga kasama ko ngayon ang baby namin ni Eros.."




Nilapitan naman ni Luisa ang aming anak na gising na gising pa din hanggang ngayon sa stroller. Inaabot ng mga kamay nito ang mga laruang naka bitin doon.

"Ang ganda ganda ho ng anak nyo kamukhang kamukha ni Gov parang bersyon nya ito na babae.."

Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi nito, talaga bang wala man lang nakuha sa akincang anak namin? Wala bang magkaka maling mag sabi na ako ang kamukha? Kung meron man ay baka ilibre ko talaga. Aba ako ang nag buntis dito at nagsilang pero hindi naman ako ang kamukha.

"May picture ho sa office ni Gov ng baby nyo pati kayo. Ako pa nga ho ang pinag hanap ng picture frame ni Gov para sa mga litrato. Syempre maam ang binili ko ay yung medyo malaki."

The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon