CHAPTER 35

141K 2.8K 192
                                    


"Her blood pressure went down, she need to give birth right now or else something worst will happen, and we don't want that." Pahayag ng doktor na kausap ni Eros.


"But our baby is only 8 months.." Nag-aalalang sabi ni Eros na kanina pa din hindi mapakali. Kulang pa sa buwan ang kanilang anak ni Sienna at baka magkaroon pa ito ng komplikasyon kung isisilang na ngayon.


"The baby will be premature Mr. Jacinto, your wife need to undergo on a cesarean section right now. Humihina na din maging ang heart beat ng pasyente. Kung hindi siya ooperahan maaaring dalawa silang malagay sa peligro."


"Then do your best doc, gusto ko parehong buhay ang mag-ina ko. Please gawin niyo ang lahat para maligtas silang dalawa." Mariing pakiusap ni Eros, kung papapiliin siya he will never choose between his wife and their baby. Hinding-hindi niya gagawin 'yon! He want both of them. Ang dami niyang pangarap para sa kanyang mag-ina.



"We will.. Nurse prepare the operating room." Tawag ng doktor sa nurse na naroon din sa silid. Nahahapong napasandal na lang si Eros sa malamig na pader na nasa kanyang likuran. He felt scared about his wife and their child life. Hindi niya talaga mapagtanto na darating siya sa puntong ganito.

"My daughter is a fighter, kaya niya 'yan Eros." Sabi ng ama ni Sienna, tila unti-unti ng nawala ang galit nito kay Eros at kanina pa pinapalakas ang loob niya. Tulad niya alam niyang nangangamba din ito tungkol sa kaligtasan ng anak nito.



    Two more hours passed wala pa din lumalabas na doctor o nurse mula sa operating room. Nag datingan na din ang mga kaibigan ni Eros dito sa ospital. Ni hindi niya magawang maupo sa labis na kaba na nararamdaman. Hindi niya alam kung matagumpay ba ang panganganak ng asawa, wala talaga siyang ka ideya-ideya. Kung bakit kase hindi siya pinayagang sumama sa loob ng doktor.



"Calm down pare, maupo ka nga muna, your wife will be okay. Mag relax ka nga." Saway ni June kay Eros.

"You can't blame me, what if.." Hindi matuloy ni Eros ang sasabihin. Paano kung hindi maging successful ang operasyon ng asawa niya? Paano kung tuluyan na itong hindi magising? Hinding-hindi niya talaga kakayanin. Habang buhay niya 'yon pagsisisihan pag nagkataon. At paano kapag ang baby lang nila ang maka-survive? Parang ngayon pa lang nakikita niya na susumbatan siya ng anak nila balang araw lalo na kung malalaman nito ang pinaggagawa niya kay Sienna.



"Doc." Magkasabay na tawag ni Eros at daddy ni Sienna ng lumabas ang babaeng doctor mula sa operating room. Kinakabahan silang dalawa na lumapit dito.

"The baby is healthy, pero kelangan pa syang dalhin sa NICU for observation and about the patient the operation on her heart was successful. Let us all pray na magising na ang pasyente."
Nakangiting sabi ng doktor.


Masayang balita para kay Eros ang narinig. Parang nabunutan siya ng tinik, he's excited to see their baby and same with his wife. Kanina nga kulang na lang lumuhod siya sa Chapel na nasa loob din ng ospital para dinggin ng panginoon ang dasal nya na makaligtas ang kanyang asawa sa operasyon. At totoo nga na mabisa ang dasal dahil heto nga ano mang oras magigising na daw ang asawa niya.

"Maraming maraming salamat doc." Nakangiting pasasalamat ni Eros sa doktor. Gano'n din ang ginawa ng daddy ni Sienna, nagpasalamat din ito sa doktor.

"Mamaya puwede mo ng makita ang mag-ina mo." Dagdag pa ng doctor bago ito tuluyang tumalikod sa kanila. Isang tapik naman sa likod ang naramdaman ni Eros, ang kanyang byenan.

"I'll give you last chance, alagaan mo ang asawa mo at ang anak niyo. Pinagkatiwala ko siya sa 'yo dahil alam kong matagal mo ng gusto ang anak ko. Don't make me regret this again iho. Your now a father and this will be a tough job for you aside for being a Governor. Sige na dalhin mo ako sa apo ko, I'm excited to see my grand daughter. And keep praying Eros, magigising din ang anak ko."


Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Eros at niyakap ang kanyang byenan. He really trust him about her daughter, nagkamali man sIya at may nagawang kasalanan pero heto at pinapatawad na sIya nito at hinding-hindi nIya sasayangin ang tsansang binigay nito sa kanya.

The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon