CHAPTER 08

172K 4.4K 452
                                    

Isang linggo, isang linggo na simula ng maging malamig ang pakikitungo sa akin ni Eros magbuhat ng makabalik kami mula sa Cebu. Ilang beses ko na din siyang  tinangkang kausapin pero lagi niya ako iniiwasan. Ang pinag-tataka ko lang bakit parang sa akin pa ito galit, samantalang wala naman akong kasalanan. I'm still working on the law firm, akala ko nga sasabihin ni Eros na mag-resign ako matapos ang nangyari. Ilang araw ko na ding napapansin na iniiwasan ako ng mga ka trabaho ko buti na lang na andyan si Sheryl na nakakasama ko man lang kahit sa oras ng pagkain.

And about Attorney David bigla itong nag resign sa Law Firm, hindi ko alam kung ang dahilan ba ay ang nangyari sa Cebu. At nagulat pa nga ako  na ang mismong may ari ng pinapasukan kong Law firm na isa ding abogado ay personal na humingi ng paumanhin sa akin at kay Eros. Hinabol pa nga kami  nito bago makasakay ng chopper pauwi ng Burgos. Katakot takot na paumanhin ang ginawa nito lalo na sa aking asawa. Pero isa lang ang sinabi ni Eros, kakasuhan nya ang kung sino mang nag video o mag upload ng nangyari ng gabing yun sa Cebu. At ganon nga ang nangyari, walang napabalita sa mga nangyari ng gabing yun.

"Magandang umaga po Nanay Imelda." magalang na bati ko, araw ngayon ng sabado at wala akong pasok sa opisina.

"Halika na at mag almusal ka na,teka nga matanong ko nga Sienna. Kayo ba mag asawa ay may hindi pagkaka unawaan? Bakit hindi kayo nag-papansinan na dalawa?"

Napahinto ako sa pag higop ng mainit na tsokolate sa tanong ng matanda. Maging ito pala ay napapansin yun.

"May konting tampuhan lang po, tsaka sya naman ang hindi ho namamansin." Yun naman kase talaga ang totoo.

"Naku, lambingin mo ang asawa mo, naikwento nya sa akin ang nangyari sa Cebu. Tingin ko ay nagselos yang batang yan."

Nag selos? "Wala naman po siyang dapat ipagselos."

"Pero ganoon ang tingin ko, pag nagka-tampuhan kayo o di kaya may hindi pagkaka intindihan ayusin niyo agad at wag niyo ng patagalin. Hala sige, dalhan mo kaya ng tanghalian ang asawa mo sa Kapitolyo."

Tama nga si Nanay Imelda, dapat naming ayusin ang tampuhan naming mag asawa. Ilang buwan pa nga lang kaming kasal pero ganito na agad. Tama! Lulutuan ko ito ng tanghalian.

"Sige po Nanay Imelda mag luluto ako ng ulam at dadalhin ko sa Kapitolyo."

"Oh siya sige, madami namang stock diyan sa ref, kung gusto mo tulungan kita mag handa."

"Wag na po, ako na po ang bahala." Matapos kong mag agahan nag handa na ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko. Magluluto ako ng kaldereta, agad kong pinakuluan ang karne ng baka. Isa sa napansin ko ay pareho kami ni Eros na hindi mahilig kumain ng karneng baboy. Mas masustansya kase na di hamak ang baka kumpara sa karneng baboy.


Pasado alas dyis-imedya na ng umaga natapos ako sa pag luluto. Agad akong naligo at nagbihis para magpahatid kay Mang Ricky sa kapitolyo. Sana magkausap na kami ni  Eros. Ganon naman talaga ata may isang dapat magbababa ng pride hindi kami pwedeng mag-pataasan ng ere.

"Maam S-Sienna?" Bati sa akin ng isang babae na sumalubong sa labas ng opisina ni Eros, andito na ako ngayon sa Kapitolyo sa opisina ng aking asawa. Mukhang kilala ako nitong babae ah.

"Hi! Andyan ba si Eros? Dinalhan ko kase siya ng tanghalian."

"Andyan po Maam, pero mainit po ang ulo ni boss. Kayo po pala ang asawa ni Gov, magandang araw ho. Pero ayaw po magpapasok sa loob ng asawa nyo eh." Sabi naman nito sa akin.

"Ganon ba? Pag pasensyahan mo na lang siya. Pwede bang samahan mo ako sa kanya?"

"Sige po maam walang pong problema."

Sinundan ko lang ito sa paglalakad. Luisa pala ang pangalan nito at ito pala ang sekretarya ni Eros. Ito ang unang beses na naka punta alo sa Kapitolyo mula ng magka-kilala kami at makasal. Pero hindi ko tuloy maiwasang kabahan ngayon.
What if Eros will get mad at me?

Kumatok muna si Luisa sa isang pintuan, nasa pinaka dulo pala ng isang pasilyo ang opisina ni Eros.

"Gov nandito po pala si -------"


"Diba sinabihan na kita kanina Luisa na ayaw ko ng istorbo? Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?"

"Pero kase Gov..." Hinila ko na lang ang kamay ni Luisa at sinenyasan ito na hayaan na lang. Bad mood nga ang asawa ko, base sa boses nito. Baka si Luisa pa ang mapag buntungan kapag nagpilit pa kami.

"Sige po Gov, pasensya na po."
Maingat na sinara ni Luisa ang pintuang gawa sa narra.

"Naku Maam sorry po talaga, narinig nyo naman po ang sinabi ni Gov ayaw po talaga pa istorbo."

"Oo narinig ko nga, ako na ang humihingi ng pasensya sa nangyari. Kakausapin ko na lang siya mamaya pagdating sa bahay."

"Sorry po talaga Maam, pero sayang naman po ang niluto niyo. Tanghalian po ba yan ni Gov? kung gusto niyo po ako na lang ang magbibigay niyan mamaya sa kanya pag lumabas siya."

"Wag na. Ikaw na lang ang kumain nito, may pera naman yang pangbili si Eros ng pagkain niya." Nag dadalawang isip pa si Luisa kung tanggapin ang inaabot kong pagkain. Pero bandang huli napilit din ko din ito.

"Sige po Maam Sienna maraming salamat po. Nice meeting you din po pala maam!" Sabi pa ni Luisa sa akin.


Masama ang loob ko na umuwi ng mansyon, tinanong pa ako ni Nanay Imelda kung nagustuhan ba ni Eros ang luto ko pero binigyan ko lang ang matanda ng isang pilit na ngiti. Wala na din akong ganang kumain kahit pa nagugutom na ako kanina.  Dumiretso na lang ako sa kuwarto para matulog. Hindi ako natutuwa sa  nararamdaman ko ngayon. Ako ang babae pero bakit ako pa yata ang manunuyo?


Eros feel hungry, hindi nga pala siya kanina nag-almusal sa mansyon. It's almost twelve thirty in the afternoon. Siguradong nag-tatanghalian na ang ibang empleyado niya, lunch break mula alas dose ng tanghali hanggang ala-una ng hapon. Pumasok pa din siya kahit araw ng sabado dahil may tinatapos siyang ilang file na kakailanganin ngayong katapusan ng buwan. Kung tutuusin dapat nasa bahay lang talaga siya ngayon.


He been acting like this for few days, iritable siya,  because of what happened in Cebu. Alam niyang mali na hindi niya pansinin ang asawa dahil kung tutuusin wala naman talaga itong kasalanan. But jealousy eat him, hindi niya maiwasang maisip na baka iwan siya ni Sienna at ipagpalit siya sa iba. His wife is young, innocent, sweet, and beautiful inside and out kaya tanga na lang ang hindi magkaka-gusto dito.
O advance lang talaga siya mag isip? He shouldn't treated her like that.

He went outside of his office, kakain na lang muna siya sa restaurant sa harap ng kapitolyo. He's craving for some chicken inasal.

"G-Gov, kaen po." It's Luisa, his secretary, yumuko pa ito matapos siyang ayain kumain. He felt pity to her, ilang beses niya ng nabulyawan ito mula kanina, hindi pa kasama ang mga nakaraang araw.

"What's that?" Ngayon niya lang ata ito nakitang nag baon, lagi kase itong kumakain sa canteen sa loob ng Kapitolyo.


"Kaldereta po Gov, dala po ito ng asawa niyo kanina."

Asawa? Did Sienna went here? Galing dito ang asawa ko?"


"Yes Gov, diba po pumunta ako kanina sa office niyo? Kasama ko po si Maam Sienna kanina, narinig niya po ang sinabi niyo."

Damn, he's doom now!

"Mabait po pala si Maam Sienna, maganda na masarap pa magluto." Dumako tuloy ang tingin niya sa kinakain nito. So Sienna prepared lunch for him? Shit! At hindi niya man lang alam na pumunta pala ito dito.
















The Governor (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon