One

71 4 1
                                    

"Foul!" Sigaw ni Hoseok matapos maagaw ni Yoongi sa kaniya ang bola.

Uwian ng hapon nang mga oras na iyon at napagkasunduan nilang maglaro ng basketball sandali bago umuwi, kasama ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan.

Napahinto sa pagtakbo si Yoongi at nilingon ang tila maiiyak nang kaibigan. Sobrang close man nila sa isa't isa, madalas pa rin silang magkapikunan.

"What? I didn't even touched your uniform!" Pabalik na sigaw ni Yoongi. Masama ang tingin niya sa kaibigan at alam nang lahat na ang kasunod noon ay puro sigawan at murahan ng dalawa. Mabilis na pumagitna ang ilan sa mga kalaro nila.

"Stupid! Stop playing basketball when you don't know how to play fair! It's clearly a foul!"

"It's not! I play fair, you're just acting, stupid dumbass!"

Hindi nagpaawat ang dalawa at pilit na naglalapit kahit na napakaraming estudyante na ang pumipigil sa kanila.

Ibinato ni Yoongi ang hawak na bola sa kung saan, tila walang pakialam kung sino man ang tamaan noon.

"Come here coward! Fight me!" Matapang na hamon ni Yoongi.

"No, you are the coward! You, lier!" Naiiyak na sigaw ni Hoseok habang pilit na kumakawala sa mga estudyanteng nakahawak sa kaniya.

Sa kanilang dalawa, mas madaling mainis si Yoongi. Wala itong pakialam kahit na sino pa ang makaka-away niya. Samantalang si Hoseok naman ay iyakin. Kaya nitong makipag-away kahit na kanino maliban sa mga nakatatanda sa kaniya, kapag ganoong alam niyang wala siyang kalaban-laban ay idinadaan niya ito sa iyak.

"Loser! Weak! Come on! I'll kick you in the face, crying baby!" Lalo pang sabi ni Yoongi.

Ngunit ang kaguluhang iyon ay mabilis na nahinto, bago pa man makita ng mga guro, dahil sa isang malakas na pag-sigaw.

"AH! IT HURTS!"

Tila huminto ang oras at lahat ng estudyante sa school gym at napako sa kanilang kinatatayuan.

Mabilis na pinunasan ni Hoseok ang ilang luhang kumawala sa kaniyang mga mata, bago iginala ang paningin sa buong paligid upang hanapin kung sino ang may-ari ng boses ng sumigaw na iyon.

Sa di kalayuan, mayroong isang lalaking naka-uniform ang naka-upo sa sahig. Hawak nito ang ulo at halatang umiiyak, habang sa tabi nito ay ang bolang kanina lamang ay pinaglalaruan nila.

"Ow shit,"

Mabilis na tumakbo si Hoseok palapit sa lalaking iyon, lumuhod siya sa harapan nito at nakita ang dugong patuloy sa pagtulo mula sa noo nito.

"Oh my fucking fate! Did I do that to you?" Nag-aalalang tanong ni Yoongi, ngunit mabilis na umiling ang lalaki.

"Shit, get up! We'll take you to the clinic!" Sabi naman ni Hoseok at inalalayan ang lalaki sa pagtayo.

Doon nila napagtanto na ang lalaking iyon pala ay ang transferee.

"Don't worry, Yoongi. Balls can't make a wound like this," paliwanag nang school nurse habang ginagamot ang sugat sa gitna nang malaking bukol ng transferee sa noo nito. Kitang-kita kasi ng nurse ang pag-aalala sa mukha ni Yoongi, kung siya ba ang may kasalanan ng bukol at sugat.

"S-someone threw a stone at me," mahinang bulong ng transferee.

"I'll find that bastard and we'll throw the ball at him ten times more! On his head!" Sabi ni Hoseok habang matamang pinanonood ang ginagawa nang nurse.

Saglit na tumawa ang nurse dahil sa sinabi ni Hoseok, "Hoseok, your language," pagbabanta nito sa binata. Mabilis naman na nagsorry si Hoseok.

Pagkatapos lagyan ng bandage ay sabay-sabay na naglakad ang tatlo palabas ng school.

Tahimik lamang ang tatlo, kapwa nagpapakiramdaman. Nagbibigayan ng tingin ang dalawang magkaibigan, tila nag-aaway kung sino ang unang magsasalita at kakausap sa transferee.

"Uhm.." nahihiyang putol ng transferee sa katahimikan. Ang paghinto nito sa paglalakad ay ang nagpahinto rin sa dalawa.

"Your house is in that way?" Curious na tanong ni Hoseok habang sinisilip pa ang maliit na eskinita. Tumango naman ang lalaki.

"P-park Jimin.." mahinang sabi nito bago mabilis na tumakbo papasok sa nasabing eskinita.

Sabay na napangiti ang magkaibigan.

"Nice to meet you, Park Jimin!" Sigaw nila at kumaway pa sa direksiyon ng lalaki, kahit hindi naman sila nito nilingong muli.

Iyon ang unang pagkakataong ibinigay sa kanila ng tadhana. Grade 12 student noon si Yoongi at Hoseok, habang grade 10 naman si Jimin.

Nais lamang makipag-kaibigan ni Hoseok at Yoongi, upang patunayan na hindi lahat ng mahihirap ay walang kinabukasan at mababaho. Ngunit kaya nga ba silang tanggapin at ituring bilang isang kaibigan ni Jimin?

ItsKimMiAh

CLICHÉ •yoonmin•Where stories live. Discover now