Eight

46 3 0
                                    

"You fucked up big time Yoongs! Guess what you've done!" Frustrated na sigaw ni Hoseok sa nakatulalang pinsan.

Isang linggo na itong nakakulong sa kwarto nito at halos hindi na lumabas.

"I don't know," cold na sabi ni Yoongi, "Just, please, leave me alone." Dagdag pa niya bago tignan ang pinsan.

Ngunit hindi umalis si Hoseok doon, masama ang pagkakatingin nito kay Yoongi.

"Jimin failed the exam! He's not going to graduate!" Muling sigaw ni Hoseok.

Nag-iwas nang tingin si Yoongi, "Great, that's what I've plan." Sabi niya.

Ngunit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay gusto niyang puntahan si Jimin sa mga oras na ito, gusto niyang mag-sorry dito. Alam niyang kasalanan niya lahat at hindi siya natutuwa doon. Nasasaktan siya dahil sinaktan niya ang taong mahal niya.

"You don't have any idea, don't you? Jimin's Dad is in hospital for almost a year already! Jimin's living with only himself, he's studying hard to get a proper job and enough money to get his Dad an operation and you've ruined everything! Because of what you've done, Jimin might be a beggar after a year or so!" Muling sigaw ni Hoseok.

Nanlalaki ang mga matang nag-angat ng tingin si Yoongi sa kaniya. Hindi niya alam kung imbento lamang ba ni Hoseok ang mga sinabi niyang iyon, pero wala siyang pakialam.

"I-I need to see Jimin!" Bulalas ni Yoongi at nagmamadaling tumayo sa kaniyang kama.

"No! Fuck!" Sigaw ni Hoseok na siyang nagpatigil sa pinsan sa akmang paglabas nito nang pintuan. "Do you think Jimin wants to see you by this time? You cause this, whatever is happening to him! If you go to him, you'll just going to make everything worst! YOU'VE HURT HIM MORE THAN ENOUGH ALREADY!"

"R-right.... w-what should I-I do?" Inosenteng tanong ni Yoongi.

Pero ang pagkainosente nang boses na iyon ay nagtatago nang hindi masukat kung gaano kasakit na nararamdaman ni Yoongi.

Napabuntong-hininga si Hoseok bago tumingin kay Yoongi, "Just give him the money he needs for the operation, secretly." Sabi nito.

Money.

All Jimin needs are money. Yoongi can give him money, but Jimin never asked. Nor he said something about his hospitalized father.

Natatandaan pa ni Hoseok ang mga sinabi niya kay Jimin noong gabing iyon, 'I pray no one will be there to help you too when you're dying', pero hindi siya ganung kasama.

Hindi siya nagpabulag sa galit at nakita niya kung gaano kalaki ang pinagkaiba nang Jimin sa nakaraan, sa Jimin na sinaktan ni Yoongi. Hindi niya gustong manakit nang mga taong naghahangad lamang nang totoong pagpapatawad.

Sana, noong una pa lamang ay nalaman na ni Hoseok ang tungkol sa Daddy ni Jimin, baka sakaling napigilan niya pa si Yoongi sa plano nito. Baka, sana, hindi ganito ang kinalabasan nang lahat.

Baka, masaya ngayon si Yoongi kasama si Jimin.

"S-sorry Da-dad..." iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ni Jimin, kasabay nang mga luhang ilang araw na ring walang tigil sa pagpatak.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay, hinawakan niya ang kamay nang kaniyang amang tila patay na nakahiga sa kama nang hospital.

Walong buwan  na ito doon. Umaasa si Jimin na ga-graduate siya ngayong taon at makahahanap na rin nang trabaho, pagkatapos ay maari na niyang paoperahan ang kaniyang Daddy. Dahil may trabaho na siya, mayroon na siyang perang ipambubuhay para sa pang-araw araw nilang dalawa.

Pero lahat nang iyon ay pangarap na lang. Dahil mas pinili ni Jimin ang magpadala sa sakit na nararamdaman, dahil hindi niya pinagtuunan nang pansin ang pag-aaral.

Ang pinaghirapan niya nang apat na taon ay naglahong parang bula.

Pero wala siyang masisi kundi ang sarili. Kasalanan naman talaga niya iyon, hindi ba? Dapat ay hindi niya hinayaan na maging malapit kay Yoongi.

"Is there a problem, Mr. Park?" Tanong nang bagong doctor na naka-assign sa kaniyang Daddy.

Mabilis na nagpunas ng luha si Jimin bago umiling sa Doctor.

"I see you miss your Dad. Do you mind if I help you a little?" Tanong muli nang Doctor.

Pagkalito ang rumehistro sa mukha ni Jimin.

"I mean, I can help operate your Dad and pay for the bills. In one condition," paglilinaw nang Doctor sa kaniyang sasabihin.

Nanatiling tahimik si Jimin, hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Matagal na niyang gustong paoperahan ang kaniyang daddy, ngunit hindi niya kakayaning tumanggap nang ganoon kalaking tulong mula sa estranghero.

"You graduated or not, my hospital can accept you to be one of our nurses. Don't worry about your everything, it's in me." Pagtutuloy ng Doctor.

"Y-you own this hospital?" Di makapaniwalang tanong ni Jimin.

Ngumiti lamang ang Doctor bago tumango kay Jimin.

"So... when do you want the operation to be done?" Tanong nang Doctor.

Muling bumalik ang mga luha sa kaniyang mga mata.

After all,

Jimin deserved anyone. Nagkamali si Hoseok sa sinabi niya noon.

Sapat na ang paghihiganti ni Yoongi upang maging patas ang lahat. Pareho nilang nasaktan ang isa't isa. Pareho silang nagsisisi, ngunit may pagkakataon pa ba para maiayos ang lahat?

"I did as you told me, son. I told my friend that owns the hospital to accept that boy as nurse and to tell him that my friend will pay for the bill. It caused me millions, if I may remind you. Now, do the deal and study our business." Mariing sabi nang Daddy ni Yoongi.

Tumango lamang si Yoongi.

Kung mayroon pa man silang huling pagkakataon, sana...

Sana mapatawad pa nila ang isa't isa.

ItsKimMiAh

CLICHÉ •yoonmin•Where stories live. Discover now