Five

51 3 6
                                    

Cliché, common, easily predicted.

Of course, Yoongi will take a revenge.

Babawi si Yoongi, at sisiguraduhin niyang mas masakit ang gagawin niya kay Jimin. Sisiguraduhin niyang hindi ito makakagraduate ng college at habang-buhay na maghihirap sa buhay.

"I bet you can't," sabi ni Hoseok nang sabihin sa kaniya ni Yoongi ang plano nitong pagbawi kay Jimin.

"I can," kampanteng sabi ni Yoongi.

"I can sense, clearly, that you still have feelings for that boy," napapairap na sabi ni Hoseok.

Sa tagal na nilang magkaibigan ay alam na ni Hoseok ang ibig sabihin ng pagkurap ni Yoongi. Ganoon sila kalapit sa isa't isa. Sigurado si Hoseok, na sa loob ng anim na taong lumipas, may feelings pa rin si Yoongi para kay Jimin. Hindi iyon nawala sa kabila ng lahat.

"Yuck! What makes you think I have feelings to a person like him?" Tila nandidiring sabi ni Yoongi.

"Because he's cute, Yoongs. And I think he's changed, he's a good person now." Kalmadong sabi ni Hoseok.

"He's not." Pagpupumilit ni Yoongi.

"Yoon---"

"Shut up! My plan is made and I'm going to accomplish it!" Pinal na sabi ni Yoongi at tumayo sa kinauupuan niya.

Naiwan si Hoseok habang naiiling. Kahit kailan talaga ay walang makapipigil sa gusto ni Yoongi. Sana lamang, hindi ito magsisi sa huli.

Because Hoseok knows. Hoseok predictions are always right.

Cliché, common, easily predicted.

Karaniwan sa mga kwento, ang taong nasaktan ay bumabawi.

"I'll make him fall inlove with me, and I'll break his heart before the finals. Let's see what happens," nakangiting sabi ni Yoongi.

"Yeah, sure. Do whatever you like, just know your limits." Paalala ni Hoseok bago lumabas sa kotse nilang dalawa.

Si Hoseok ang kinakabahan para kay Yoongi. Sigurado siya sa pakiramdam niyang mayroon pa ring feelings si Yoongi para kay Jimin. At hindi niya alam kung saan hahantong ang planong sinasabi ni Yoongi.

Paano kung sa huli ay parehas lamang silang masaktan?

Pero alam rin ni Hoseok na hinding hindi niya mapipigilan si Yoongi sa gusto nitong gawin. Maghihintay na lamang siguro si Hoseok nang pagkakataon upang makialam sa sitwasyon.

"Park Jimin!"

Nakangiting nilingon ni Jimin ang tumawag sa kaniyang pangalan, kinawayan niya ito at patakbo namang lumapit ang lalaki sa table na kaniyang kinauupuan.

"Hey," nakangiting bati ni Yoongi sa kaniya at sa lalaking kasama niya.

"Oh, I assumed you're the Min Yoongi that my bestfriend always talked about?" Excited na sabi ng lalaking matangkad, ngunit iba ito sa lalaking kasama ni Jimin noong unang araw.

"Taehyung! Stop embarassing me!" Madiing sabi ni Jimin habang tinitignan nang masama ang kaibigan.

Natawa na lamang si Yoongi dahil sa ka-cute-an nito.

"So, you tell stories about me?" Nang-iinis na tanong ni Yoongi, "What are you telling him?" Dagdag pa nito. Mayroong pagkasarkastiko ang tanong niyang iyon na hindi naman napansin ng dalawang kaharap.

"That you're a good looking, friendly and a sweet person!" Pagbubuking ni Taehyung muli.

Tila napintahan ng pulang kulay ang mga pisngi ni Jimin dahil sa sinabing iyon ni Taehyung. Napatakip na lamang siya nang kaniyang mukha at hindi na nagsalita.

Hindi mapigilan ni Yoongi ang mapangiti sa narinig at nakikitang reaksiyon ni Jimin. Somehow, he felt like being soft. Pero may plano siyang dapat tapusin.

Isinasantabi ni Yoongi ang kakaibang pakiramdam niya sa tuwing magkasama sila ni Jimin. Nais niyang maging perpekto ang plano, nais niyang makaganti.

Hindi siya papayag na magpapadala siya sa damdaming pinipilit niyang wala kahit na alam niyang mayroon.

He cares for Jimin, pero kailangan niyang balewalain iyon para sa plano.

"What the--- hyung!" Reklamo ni Jimin nang isara ni Yoongi ang hawak niyang libro. Kasalukuyan siyang nagrereview para sa quiz, habang pinagmamasdan siya ni Yoongi.

Sa kabila nang kagustuhan ni Jimin na makipagtitigan kay Yoongi, mas kailangan niyang mag-aral nang mabuti upang makapag-tapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.

"You seems really tired. You yawns here and there and there are blacks under your eyes. Do you still sleep, Jiminie?" Malambing ang tonong iyon ni Yoongi. Sa totoo lang ay naaawa siya kay Jimin, kulang na lamang ay patayin nito ang sarili para mapanatili lamang ang kaniyang scholarship.

Ganoon ba talaga kahalaga kay Jimin ang makapag-tapos ng pag-aaral?

"But Hyung, I have a test in about an hour! I haven't reviewed everything yet." Reklamong muli ni Jimin habang pilit na kinukuha kay Yoongi ang kaniyang libro.

Mahigpit ang hawak doon ni Yoongi.

"You need rest! Why not sleep for a minute and I'll wake you up later before your exam?" Sabi ni Yoongi.

Nagtitigan ang dalawa, at alam ni Jimin na hindi siya mananalo kay Yoongi.

"Fine! Be sure to wake me up so I can still have time to review." Sabi ni Jimin bago dumukdok sa lamesa.

Ngunit lumipat sa kaniyang tabi si Yoongi at inilipat nito sa sariling balikat ang ulo ni Jimin. Nag-angat ng tingin si Jimin at nagtama ang paningin nilang dalawa.

"You sleep here, not there." Mahinang bulong ni Yoongi, ang kaniyang mainit na hininga ay tumatama sa mukha ni Jimin.

Ngumiti lamang si Jimin bago ginawang komportable ang sarili sa balikat ni Yoongi. Ipinikit niya ang mga mata at ilang saglit lamang ay nakatulog na siya.

Ni hindi naramdaman ni Jimin ang pagbabago nang kanilang posisyon. Iniayos siya ni Yoongi sa pagkakahiga sa bench, pagkatapos ay iniunan ang kaniyang ulo sa mga hita nito.

Habang nahihimbing sa pagtulog si Jimin, nanatiling nakatitig si Yoongi sa mukha nito. Mula sa mata, sa ilong at sa labi nito. Ang mga pisngi ni Jimin na kay sarap panggigilan, ang buhok nitong tumatabing sa noo nito, at ang buong pagkatao ni Jimin.

Ang lahat nang iyon ay maingat na iniuukit ni Yoongi sa kaniyang isipan.

"I'm sorry," bulong ni Yoongi.

Balak sanang magmulat ng mga mata ni Jimin upang itanong kung para saan ang pagso-sorry na iyon ni Yoongi. Iyon nga lang ay naramdaman niya ang dahan-dahang pagyuko ng binata.

At ang paglapat ng mga labi nito sa kaniyang labi.

Napahinto si Hoseok sa paglalakad at matamang pinagmasdan ang nasa kaniyang harapan.

Sabi na nga ba. Mahal pa ni Yoongi si Jimin.

Idine-deny lamang ni Yoongi sa sarili niya iyon dahil sa nangyari sa nakaraan. Hinahayaan niyang lamunin siya ng galit at sama nang loob, at hindi malabong sayangin niya ang ikalawang pagkakataong ibinigay para sa kanila ni Jimin.

Cliché, common, easily predicted.

Iyon na nga ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng tadhana. Ayon nga sa kasabihan, "kung kayo talaga ang para sa isa't isa, gagawa at gagawa ang Diyos nang paraan para kayo ang magkatuluyan". Gaano man itanggi ni Yoongi ang kaniyang nararamdaman, hindi niya kayang talunin ang mapaglarong tadhana.

Napaka-karaniwan sa mga kwento ang ganito, magre-revenge ang bidang lalaki ngunit sa huli ay mai-inlove siya sa babae. Ang katanungan na lamang ngayon, ano ang mas pipiliin ni Yoongi? Ang pagmamahal o ang paghihiganti?

ItsKimMiAh

CLICHÉ •yoonmin•Where stories live. Discover now