Chapter 9

2.6K 72 15
                                    

Chapter 9: Surprise Gift

Lina Alexandria Reign PoV~

Ng makarating na ako sa kusina ay nandoon na nga silang lahat. Malaki kasi ang kusina. Pinasadya ko talaga dahil alam kung dadami pa ang mga bata na mapupunta dito

"Ate Reign" Sabay na tawag nila sa pangalan ko

Napangiti naman ako dahil ang bibibo nila

"Hello everyone" Nakangiti kung bati sa kanila

Tumakbo naman papalapit sa akin si Mike at niyakap niya ang bewang ko

"Tabi tayo sa upuan Ate Reign" Sabi ni Mike sa akin

Ginulo ko naman ang buhok niya habang nakangiti

"Oo ba" Nakangiti kung sagot kay Mike

Ang cute-cute talaga ni Mike

And with that ay umupo na nga kami ni Mike. Nasa harapan naman namin ang nakahandang pagkain

"Salamat sa mga groceries na binili mo Reign para sa amin" Nakangiting pasasalamat sa akin ni Sister Mary

"Wala pong anuman Sister Mary. Para po talaga sa inyo yan. Gusto ko naman na makakain ng masasarap ang mga bata dito" Nakangiti kung sagot sa kanya

"Pagpalain ka ng Diyos, Reign, dahil sa sobrang kabaitan mo" Nakangiti ring sabi ni Sister Pearl

"Gusto ko lang po i-share yung blessings na natatanggap ko" Nakangiti kung sabi sa kanila

"Naku, ang suwerte ng lalaking iibigin mo Reign" Sabi sa akin ni Sister Rhea

Napangiti na lang ako

"Tara, kain na tayo. Pero bago yan. Magpe-pray muna tayo. Reign, ikaw na ang magle-lead" Sabi ni Sister Rubilyn

Tumango naman ako. Nagsa-sign of the cross muna kami at pumikit

"Dear Jesus, thank you for your blessings that you gave us everyday. Please guide everyone of us and keep us away from danger. Give us an healthy body so we can work hard to strive ourself to survive in this cruelty world. Sa ngalan sa amahan, sa anak, sa diyos at espirito santo. Amen"

Ng matapos na. Ay naghain na kami ng pagkain at nagsimula ng kumain

"How about Mother Superior Divina?" Tanong ko sa mga Sister

"Sa office na siya kakain. Dadalhin ko lang siya ng pagkain, pagkatapos kung kumain" Sagot naman ni Sister Mary

Tumango naman ako

"Nga pala. May surprise gift si Ate sa inyo. Pagkatapos nating kumain ay sasabihin ko ang surprise gift ko" Nakangiti kung sabi sa mga bata

Naging excited naman sila ng marinig ang sinabi ko. Kaya mas lalo lang akong napangiti. Ng matapos na kaming kumain ay dumeritso kami sa playground. Magvo-volunteer na sana ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin pero hindi ako hinayaan nila Sisters. Sila na daw, dahil kaya naman nila. Pumunta na lang daw kami sa playground para sabihin ko ang surprise gift ko. At sabi nila na susunod sila pagkatapos nila maglinis ng pinagkainan namin

"Maglaro muna kayo. Hihintayin muna natin sila Sisters para sa surprise gift ko" Nakangiti kung sabi sa mga bata

Kaya ayon naglalaro na sila. Habang si Mike naman ay naka-upo sa tabi ko habang niyayakap ang bewang ko

"Hindi ka ba maglalaro Mike?" Tanong ko sa kanya

"Hindi muna sa ngayon Ate Reign. Nandito ka kasi. At gusto ko na nasa tabi kita" Nakangiti nitong sagot sa akin

The Mafia Boss PossessionWhere stories live. Discover now