Chapter 19

2.3K 60 7
                                    

Chapter 19: Alessandro's Rampant

Lina Alexandria Reign PoV~

One month. It's been a month since I was released from the Hospital. At ngayon ay nandito ako sa condo ko. Gabi na, pero hindi pa rin ako makatulog

Nag-stay pa ako sa Hospital ng dalawang linggo bago ako nakalabas. Si Alessandro ang nagbabantay sa akin tuwing gabi. Pagkagaling niya sa office ay di-diretso agad siya sa Hospital. Doon na nga rin siya naliligo tuwing umaga. He really proves to me, that his worth a second chance. Walang araw na hindi niya ako pinapakilig. He even started giving me a white rose flower and also chocolates

At sa totoo lang, nahuhulog na ako sa kanya. Pero hindi ko muna sasabihin sa kanya. Nahihiya pa kasi ako. At isa pa, kailangan ko ng lakas at tatag ng sarili para masabi ko sa kanya ang naramdaman ko

Pumunta na nga ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Kailangan ko ng matulog dahil may trabaho pa ako bukas. Pagkatapos ko magtimpla ng gatas at uminom ay hinugasan ko na yung baso at nilagay ko na ito sa lalagyan

Naglakad na nga ako papunta sa kwarto ko. Ng makarating ay humiga kaagad ako sa kama at natulog na

Stephen Hernandez PoV~

Nandito kami ngayon sa Meeting Room ng Black Organization Headquarter. Seryoso ang pinag-uusapan namin habang may isang di kalakihan na kahon na kulay itim na nasa mesa

Nakakatakot ang presensya ni Von. Anytime ay sasabog na ito sa galit

"Who the fúck send this again?!!" Galit na galit na tanong ni Von

Pero walang sumagot. Paano naman kami sasagot kung hindi rin namin alam kung sino ang nagpapadala nito

Napaigtad naman kami sa gulat dahil sa isang malakas na hampas mula sa lamesa

"It's been one fúcking month, hindi niyo pa rin alam kung sino ang nagpapadala nito?!!" Galit na tanong sa amin ni Von

"Hindi sila basta-basta Von, kaya hanggang ngayon hindi pa natin alam kung sino sila" Kalmadong sabi ni Luke

Iba din itong si Luke. Kami nga nangangatog na sa takot pero siya--? Ayon kalmado lang na nakaupo habang nagtitipa sa laptop niya. Napatingin naman ako sa mga tauhan na nagbabantay kay Reign. Kulang na lang maihi na sila sa takot kay Von

He didn't called a beast/monster/devil for nothing. Iba magalit ang isang Alessandro Von Knight. Pero sa nakikita ko ngayon ay parang lumala ata. Siguro dahil tungkol na ito kay Reign. Sa loob ng isang buwan ay araw-araw nakakatanggap ng death threats si Reign. Pero hindi nito alam. Dahil nakuha na agad ito ng mga tauhan na nagbabantay sa kanya at pinapaalam kaagad ito kay Von

"Bull'shit!!" Galit na sigaw ni Von

Napapikit naman si Von habang mahigpit na nakakuyom ang dalawa nitong kamay

"Never stop searching for that asshole who send death threats to my baby, Smith" Galit na sabi ni Von kay Luke

"I won't" Seryosong sagot ni Luke

"Hernandez, Ford, come with me" Malamig pa sa yelong sabi sa amin ni Von

Tumayo naman kami ni Ethan

"Fujiwara, don't forget the shipment of our ammos" Malamig na sabi ni Von kay Daniel

"Yes Boss" Sagot naman ni Daniel

And with that ay lumabas na nga si Von kaya sumunod naman kami ni Ethan sa kanya. Napalunok na lang ako ng malaman kung saan kami pupunta

Ng makarating na kami sa underground prison kung saan dito namin kinukulong ang mga traydor o yung mga nahuhuli naming kalaban. Nandito din ang Torture Room. At doon nga ang punta namin

The Mafia Boss PossessionWhere stories live. Discover now