Chapter 8

2.7K 82 16
                                    

Chapter 8: What are they doing here?

Lina Alexandria Reign PoV~

"May boyfriend kana ba Reign?" Tanong sa akin ni Sister Mary

"Boyfriend agad, hindi pweding, manliligaw muna" Sabi naman ni Sister Rhea kay Sister Mary

"Hindi natin alam na baka may kasintahan na si Reign" Pagdedepensa naman ni Sister Mary sa sarili

"Wala pa po akong kasintahan mga Sister" Sagot ko sa kanila

Napatingin naman sila sa akin na parang hindi makapaniwala? O parang hindi naniniwala?

"Wala pa po yan sa isip ko. At isa pa po, bata pa ako" Dagdag ko pa ng hindi sila nagsalita

"Mabuti naman Reign. Tama ka, bata ka pa. Wag ka muna pumasok sa isang relasyon agad-agad" Nakangiting sabi sa akin ni Sister Pearl

"Gawin mo muna ang mga gusto mo sa buhay bago ka pumasok sa isang relasyon" Sabi naman sa akin ni Sister Rubilyn

"Mga Sister, may nakarelasyon na ba kayo bago kayo pumasok bilang pagma-madre?" Tanong ko sa kanila

"Oo naman" Sabay na sagot nila sa akin

"Kaya Reign, wag ka muna pumasok sa ganyan. Kung hindi ka handa masaktan. Baka matulad ka ng iba, hindi kinaya ang sakit, na naging resulta sa pagpapakamatay" Sabi sa akin ni Sister Pearl

Tumango naman ako

"Kapag pumasok ka sa isang relasyon, wag mong ibigay ang lahat-lahat sayo. Magtira ka para sa sarili mo. Wag kang magmahal ng sobra-sobra" Sabi naman sa akin ni Sister Mary

"Itatatak ko po yan sa isip ko mga Sister" Nakangiti kung sabi sa kanila

Nakangiti naman silang tumango

"Excuse me. Ma'am Reign, nandito na po ang delivery truck" Napalingon naman kami sa gawi ng pintuan. At nakita namin ang isang guard

Binaling ko naman ang tingin ko nila Sisters

"Lalabas muna ako mga Sister" Sabi ko sa kanila

"Sige" Sabay na sagot nila sa akin

Naglakad na nga kami ni manong guard papalabas ng kusina. Ng nasa labas na kami ay nakita ko na nga ang isang delivery truck. Ng makalapit na ako sa kanila ay binati naman nila ako. Binati ko rin sila pabalik

"Sige ipasok niyo na yan sa kusina. Si manong na ang magtuturo sa daan" Nakangiti kung sabi sa kanila

"Sige po Ma'am" Sabay na sabi nila sa akin

And with that ay sinimulan na nila ipasok ang mga pinamili ko. Napatingin naman ako sa gawi ng gate ng dahan-dahan itong bumukas. Hanggang sa may limang sports car ang pumasok dito sa loob. Kaya napakunot noo naman ako. They park their car beside my car. Dahil sa gawi na yon ay hindi talaga maiinitan ang sasakyan mo dahil sa naglalakihang puno

Pero mas lalong napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang mga sakay sa mga sports car

'What are they doing here?' Tanong ko sa isipan ko

Naglakad sila papalapit sa akin. Ang nangunguna sa kanila ay si Alessandro Von Knight. Ng makalapit na sila sa akin, especially him, ay napasinghap na lang ako ng bigla niyang niyapos ang bewang ko at hinapit palapit sa kanya. On instinct, nailagay ko ang dalawa kung palad sa dibdib niya

"What are you doing Mr. Alessandro?" Tanong ko sa kanya

"Just call me Alessandro, baby" Seryoso niyang sabi sa akin

The Mafia Boss PossessionWhere stories live. Discover now