Chapter 7

149 13 2
                                    

"Kayo na?!" gulat na gulat na tanong ni Erich Lyn.

Magkahawak ang kamay namin ni Chad nang nagtungo kami sa gymnasium. After our talk, we are finally okay. We are officially in a relationship. Halos lahat siguro nang nakakita sa amin ay pinagtitinginan kami.

I don't really care of what other might say, pero 'pag si Chad ang pinag-uusapan, nag-iiba lahat ng 'yon. Totoong masakit makitang may kasama siya, pero mas masakit para sa akin na hindi ko man lang subukan.

Sabi nga nila, if we never try, how will we know…

Itinaas ni Chad ang aming kamay, at nagmamalaking ngumiti. Itinago ko naman ang aking mukha sa likod niya upang 'di makita nina Emcy ang pamumula ng pisngi ko.

"Bwiset naman, oh! Kayo na ba talaga?" muling tanong ni Erich Lyn, ngayon ay inis na.

"Parang bobo ka naman, Erichbong, nagtatanong ka ng obvious," sambit naman ni Chad.

Kaagad naman siyang binatukan ni Erich Lyn at pinaghiwalay pa ang kamay namin at sinabing 'wag daw akong lalapit sa lalaking 'yon.

"Ha! Kung hindi naman dahil sa 'kin, di naman kayo magkaka-ayos!" parinig niya kay Chad. "Thank you, ha?"

Ngumuso naman si Chad at nag-peace sign pa para utuin si Erich Lyn. Napailing na lang ako at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sonson. Napansin kong nasa malayo ang tingin niya, mukhang malalim ang iniisip.

"Are you okay?" mahinang tanong ko.

Napabalikwas kaagad si Sonson at saglit napaawang ang labi, pero ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Inirapan ko siya kaya natawa ito.

"I'm fine," sagot niya at tumingin sa kung saan. Narinig ko ang malakas niyang buntong-hinga bago muling tumingin sa akin. "You and Richard are together?" tanong niya at muling nag-iwas ng tingin.

"Yes, Sonson," mahinang sambit ko, medyo nahihiyang sabihin.

"Are you happy?" he asked in a low voice, it was almost a whisper.

I smiled. "I'm happy, Sonson."

He smiled and slightly patted my head. "I'm happy because you're happy. Masaya ako para sa 'yo."

Ngumiti ako sa kaniya bago tumayo dahil tinawag ako ni Chad. Samahan ko raw muna siya sa TVL building dahil pinapatawag lahat ng officers. Gusto niya raw akong kasama. Kaya ito kami ngayon, tinatahak ang daan patungo doon.

"Gago! Holding hands?! Tangina! Pucha! Totoo ba 'to?!"

Hindi ko alam kung ilang mura ang sinambit ni Kyle nang makita kaming magkasama ni Chad. Hindi ko alam kung bakit siya nandito, e hindi naman siya officer.

"Oo, pre. Kaya wag kang mainggit, nakakamatay 'yon," mapang-asar na sagot ni Chad.

Mapaglarong sinapak ni Lucas si Chad at muling nagmura. Sinabi rin niyang bakit ko sinagot si Chad, baka raw magsisi ako sa huli. Samantalang sinabihan lang ako ni Lucas ng 'congrats.'

"Dali, tikman niyo 'to..." Hinatak kami nang nagpakilalang Renz sa hilera ng pagkain.

Kinuha ko naman ang inabot niyang platito na may lamang dessert. Nagkatinginan pa kami ni Chad at saglit natawa bago isinubo 'yon. Nangunot ang noo ko dahil sumama ang mukha niya pagkatapos niyang tikman 'yon. Hindi ko alam kung bakit, pero masarap naman. Baka magkaiba lang talaga kami ng panlasa.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora