Chapter 8

129 12 0
                                    

"Chad, si Sonson, 'di pa rin gumigising... Bakit ganito?"

Yakap-yakap ako ni Chad habang nasa loob kami ng hospital room ni Sonson. Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak sa balikat niya. Kasama rin namin si Emcy at si Erich Lyn. Ramdam ko ang titig nila sa akin, pero 'di nila binalak magsalita.

"Shush... love." Hinaplos ni Chad ang likod ko, pero 'di ko pa rin magawang kumalma. Hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman noong nawalan ng malay si Sonson. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. "Sabi ng doctor ay ayos na naman siya, 'di ba? Tahan na."

Tumango ako sa gitna nang pag-iyak ko. Unti-unting kinukumbinsi ang sarili. Tama si Chad. Magiging okay din naman si Sonson. Sinabi na rin naman ng doctor na ayos siya.

Ngunit hindi ko alam kung bakit ang bigat pa rin ng dibdib ko.

While waiting for Sonson to wake up, Tita Winslet suddenly arrived. Lumayo kaagad ako kay Chad para di niya kami makita at para 'di na rin siya magtanong. At nang makalapit na siya sa kaniyang anak ay lumapit na siya sa akin.

"What happened to my son?" she asked.

I shook my head. "I don't know Tita, we were just watching a movie then he lost his consciousness."

"Watching? Why the hell did all of you watch in the middle of the night? Bakit niyo hinayaang mapuyat ang anak-" Tita Winslet stopped. "Uh, never mind. Where is his doctor anyway?" she asked.

"I'm not sure, Tita, baka nasa labas lang," I answered, not minding what she had first said. It was weird. Why would she be even mad for staying late? I shook my head once more.

Nang sasapit na ang umaga ay umuwi na kami, hindi pa rin kasi gumigising si Sonson. Tita Winslet also said that we need to change clothes first, nakapang-bahay pa rin kasi kami. Pumayag naman kami sa kaniya at sinabing babalik na lang kami mamaya.

Hinatid ako ni Chad pero hanggang sa labas ng subdivision lang. Pagkarating ay dumiretso ako sa aming bahay. Pumunta kaagad ako sa aking kwarto at nagtungo sa comfort room upang maligo.

It took almost an hour after I finished fixing myself. I was drying my hair when my phone vibrated. I got it and saw Tita Winslet's message.

From: Tita Winslet

My son is finally awake. Wag na kayong pumunta dito, uuwi na rin naman kami mamaya. Thank you, Ley.

I smiled upon reading her message. Sinabi ko na lang kay Tita na ikamusta niya ako kay Sonson. I lay down on my bed and sleep after that.

Our one week break went so fast. During that time, I busied myself in reviewing. I have nothing to do rin naman. Kausap ko rin si Chad those times. Tinulungan niya rin akong mag-review sa GenMath since magaling siya sa roon.

"Nag-review ka?" tanong ko kay Justin.

I eyed him while he was busy playing Mobile Legends at his phone. Narinig kong may sinasabi pa siyang rank daw 'yon. Kinulbit ko ulit siya nang marinig kong tumunog ng defeat ang phone niya.

"Huh?" tanong niya.

I rolled my eyes. "Nag-review ka?"

Umiling siya. "Wala, dasal-dasal lang."

Sakto naman ang pagdating ni Patrick, kaya binatukan niya ito. "Dadaanin sa dasal, ampucha. Tapos mamaya'y perfect. Ulol!" Pat raised his middle finger.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα