Chapter 9

139 12 1
                                    

"Kamusta si Wilson?" tanong sa 'kin ni Chad.

Andito kaming dalawa ngayon sa supermarket para bumili ng prutas na dadalhin namin kay Sonson mamaya. Saglit akong natigilan nang magtanong siya.

It had been two weeks since Sonson's condition became worse. Nagpakalbo na rin siya dahil patuloy sa paglagas ang buhok niya. Tuwing nakikita ko si Sonson, wala akong nararamdaman kundi awa.

"Hindi ko alam kung may salitang okay pa sa ngayon, babe," tugon ko at ngumiti ng maliit.

Napangiti naman siya saglit dahil alam kong kinikilig siya kapag tinatawag ko siya ng ganoon. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak papuntang counter para bayaran ang binili naming prutas.

"Anong balak mo sa birthday mo?" biglang tanong niya habang naglalakad kami palabas ng supermarket. "Nabanggit mo sa 'kin yung gusto mo sa debut mo last week..."

"Saka na lang," mahinang sabi ko. "Pa-planuhin ko na lang 'yon pag maayos na si Sonson. Hindi ko kayang mag-celebrate nang hindi siya okay."

"Paano 'pag... 'di siya naging okay bago ka mag-birthday? Leyzan, hindi sa-"

"Pwede ba, Chad, tigilan mo nga 'yang sinasabi mo!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Magiging okay siya, naiintindihan mo ba?! Tara na nga!"

Mabigat ang loob kong pumasok sa sasakyan namin. Nakakatampong marinig kay Chad 'yon. Hindi ko siya kinibo buong byahe. It took thirty minutes before we arrived at the hospital. Nasa private room na si Sonson para matutukan nang maayos ang kaniyang kondisyon. I heard na magpapa-chemotherapy na siya.

We were about to enter Sonson's room when I heard Tita Winslet and Doc. Espinosa talking. They were serious and Tita's eyes were teary-eyed. Hindi ko maiwasang tumigil at makinig sa pinag-uusapan nila.

"I'm sorry, Winslet, but you need to ready yourselves."

Nagpanting ang tenga ko at dali-daling lumapit papunta sa pwesto nila. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Doc. Espinosa. Halos manginig ang kamay ko habang dinuduro siya.

"What the fuck are you thinking to tell us that we need to ready ourselves, ha?!" nag-uumapaw sa galit na tanong ko.

Rinig ko ang pagpigil sa akin ni Chad at ni Tita, pero di ko mapigilan ang sarili ko. How dare he!

"Tangina, doktor ka ba talaga? Did you just say that we need to ready ourselves?! Tangina talaga!" Lalong lumala ang galit sa puso ko. Kanina si Chad, ngayon si Doc. naman. "Pwes, ihanda mo na rin ang gamit mo dahil bukas na bukas ay wala ka ng trabaho sa hospital na 'to!" I shouted with so much anger.

Hinawakan ni Chad ang kamay ko at hinatak paalis doon. Pinainom niya ako ng tubig at pilit na ikinakalma, pero di ko yata kayang kumalma.

Paano nila nasasabing mawawala na si Sonson? Paano nila nakakayanang sabihin yon? 'Di ba nila naiisip kung paano na si Sonson? Paano na lang siya... Paano na lang ang pangarap niya.

Those words coming from them was like a knife stabbing on my chest. Masakit sa akin… at alam kong mas masakit 'yon para kay Sonson. He looks so weak. The old Sonson was gone. Ibang-iba na siya ngayon.

Kaya sa bawat araw na lumilipas ay di ko nakakalimutang dumalaw sa hospital. Palagi kong tinatapos kaagad ang mga activities ko para mapuntahan ko si Sonson... para kahit papaano ay makwentuhan ko siya sa mga pinag-aaralan namin.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now