Chapter forty-two

10.3K 204 2
                                    


SERENA's POV

For the past two weeks ay naging mas malapit kami ni Renzo sa isa't-isa. Nakikita ko ang mga effort niya para mapasaya ako. Minsan nga gusto kong maglupasay sa sahig dahil sa sobrang kilig sa mga sinabi niya. Katulad na lang ng sinabi niya last week bago niya ako  pinababa para makapasok na sa trabaho.

"Wag mo na akong ihatid dito at nalalate ka lang sa meeting mo besides may kotse po ako." Turan ko, syempre gusto ko naman ang ginagawa niyang paghatid at sundo sa akin. Kailangan naman na dapat  na pa hard to get ako. 

Hindi ka pa easy to get sa lagay na ito Serena? Kastigo ko sa sarili pero di ko na pinansin ang naiisip.

"No, gusto kong nasisiguradong ligtas ka, ayokong may mangyari sayong masama dahil mag-isa ka lang." Seryosong-seryoso niyang saad habang ako ay napatulala lang. Sobrang vocal ni Renzo mula ng sinabi niyang mahal niya ako, hindi talaga ako masasanay na ganito siya.

"Kaya kong magdrive Renzo. Dati naman nagdridrive na ako ng kotse ko at maayos akong magdrive." Singhal ko kunwari kahit parang mangingisay na talaga ako sa kilig.

"This is not just about the car, Serena. Kung pumayag ka na lang about my suggestions edi sana hindi na tayo nag-uusap ng ganito." He sounded so defeated na parang siya pa ang talo sa aming dalawa.

"Suggestion? Iyon ba iyong ikukuha mo ako ng driver plus body guard na magbabantay sa akin all day sa trabaho." Nakacross arms kong sabi sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya kaya naman ay nagkatitigan kami.

"Yes and--"

"And your other suggestion na mag-oopisina ako sa opisina mo. What a very nice suggestion Mr. Devon Lorenzo Yan." Sinamaan ko na siya ng tingin ng  bigla siyang tumawa ng malakas.

"What? My suggestion is brilliant. Nakapagsave pa tayo dahil iisang office lang ang magagamit natin, hindi tayo nag-aaksaya ng kuryente kasi iisang aircon lang ang gagamitin natin, pati kuryente makakasave tayo." Biglang pinanlakihan ko siya ng mga mata habang siya naman ay tawa lang ng tawa. Urgh, dumudumi na talaga ang utak pag kasama ko ang lalaking ito. Kung ano-ano na lang ang pinapasok niya sa utak ko at nagustuhan ko naman. 

Hindot ka talaga, Serena. Kastigo ko sa sarili.

"Ay nakakahiya naman dyan sa masasave natin. Naku, tigil-tigilan mo ako Renzo sa mga ganyan mo. Malandi ka ha." Sabi ko naman na natatawa na rin, si Renzo ay nakabungisngis pa din. He looked hundred times hotter when he laugh like this.

"Ano bang iniisip mo sa suggestion ko, Mahal? Ikaw talaga pwede mo namang sabihin na gusto mo din." Napalunok ako dahil unti-unti na siyang lumapit sa kinakaupuan ko sa kotse niya. Nasa parking lot kami ngayon. Tinted naman ang kotse niya kaya di nakikita ang mga milagrong gagawin namin dito. 

Teka ano bang milagro ang gagawin namin? Wala naman. Kastigo ko uli sa sarili ngunit kahit anong pigil ko ay hindi ko maialis ang tingin kay Renzo. Tila isa itong magneto na hindi ko maialis ang tingin ko.

Parang gusto ko tuloy niyang kumanta ng 'you got me in chains, you got me in chains for your love..' Pakiramdam ko ay may nakasabit ng kadina sa leeg ko na nakakonekta kay Renzo dahil wala na talaga akong kawala sa kanya.

"A-ang kapal mo R-Renzo. Tsaka b-bumaba na nga tayo at baka malalate na ka na niyan.." Sunod-sunod ang lunok ko kasi sobrang lapit na niya sa aking mukha. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako ng malami. Bet na bet ko talaga ang ginagawa niya, urgh pareho kaming malandi kaya bagay na bagay kami.

"Why are you stuttering? I love you Mahal." Bigla akong napasinghap ng marinig ko ang sinabi niya.  Nagkatitigan kaming pareho, amoy na amoy ko ang mabango hininga niya dahil isang dangkal na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now