PROLOGUE

46K 493 11
                                    


These contain explicit scenes and foul words not suitable for young audiences. This story is for open minded persons only. Read on your own consent.

Book 1 - Wild beat

Book 2 - His wild chase

Read Book 1 first.


________________

There is no such thing as happy ever after in reality. This just exist in fairytales.

- Serena Xhen

New day, new life. Each passing day ay nagugustuhan ko ang bagong paligid ko. Iyong walang taong nakakakilala sayo, walang taong gagambala sa mga gagawin mo, ang sarap pala sa pakiramdam ang maging malaya. Ngayon kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko ng walang nakabantay sa akin.

This new life will truly lead me to happiness. Now, I'm like a free bird that can soar into the sky.

Naalala ko tuloy ang pag-alis ko sa Pilipinas, it was after graduation day na sinakto ko ang pag-alis ko. Hindi ako nagpaalam kahit kanino man, kahit kina mama at papa hindi ko nasabi sa kanila ang gagawin ko.

I made up my mind na huwag sasabihin sa kanila dahil pipigilan lang nila ako. After all I can do the things that I want now that I've graduated at nasa tamang edad na din naman ako para makapag-isip kung ano ang tama at mali. Guilty nga din ako kay Rezzy dahil hindi ko masasagot ang mga tawag niya ng araw na iyon. Ang ginawa ko lang ay tinawagan siya at nagpaalam lang ako sa kanya.

I saved her number in my new phone at sinira ko ang dati kong phone kasama ang sim para walang maka-track sa akin. I know I did wrong for not telling her my new contact number pero nag-aalala kasi ako na baka kay Rezzy lumapit sila Mama at Papa. I don't want them to find me that easily.

Gusto kong mahanap ang sarili ko. Nang araw na natanggap ko ang annulment papers naitanong ko sa sarili ko kung ano ba ang gusto ko sa buhay and then instantly, all I ever wanted was to be the wife of a Devon Lorenzo Yan. And that time sinasabi ko sa sarili ngayon paano na ako ng wala siya sa buhay ko? No other plans for myself?!

Yes, buong buhay ko hindi ko naisip kung ano ba ang gusto kong maging, lahat ng plano ko ay nakaakibat si Renzo. Wala man lang akong naisip para sa sarili ko and I realize now that I have to give love and importance to myself first before others.

And now I know that this new identity of mine can help me find "me".

Napatigil ako sa paglalakad ng mahulog ang dalawang apples na kabibili ko lang sa isang maliit na grocery store. Ilang kanto din ang layo sa maliit na apartment na nirentahan ko gamit ang perang naipon ko sa allowance na tinatabi ko at hindi ko ginagamit. Ngayon ang perang ito ang naging isang malaking tulong para sa akin.

Nakaluhod ako ngayon ng marinig ko ang papalapit na mga yapag papunta sa akin. Napatayo ako ng mabilis at napansing iba ang titig sa akin ng mga taong ito. Bigla akong kinabahan at napatingin sa paligid, walang ibang tao kundi ako at ang mga taong ito na nasa harapan ko ngayon.

May kagabihan na kasi kaya ganito na ngayon, bumibilis ang tibok ng puso ng maisip kong baka may masamang mangyari sa akin. May mga dala pa naman akong mga pagkain ngayon sa kamay kaya hindi ako makatakbo ng mabilis neto.

Napatingin ako sa mga mukha ng tatlong lalaking nasa harapan ko, mga malesyosong tingin ang binibigay nilang tingin sa akin pababa sa katawan ko. Unti-unting humahakbang ako paatras at nananalangin na sana walang mangyaring masama sa akin ngayon. Nararamdaman ko ang pagnginginig ng katawan ko ng nagsingitian sa akin ang mga lalaking ito at nilalapitan ako lalo.

"What are you doing?! Don't touch me." Tumawa lang ang lalaking hinahawakan ang braso ko. Pilit kong binabalikwas ang paghahawak nila sa akin but then masyado silang malalaki kumapara sa height ko at kapayatan ko. Alam kong hindi ko ito kaya kailangan kong makaisip ng paraan.

"Don't fight us with your little body. Nothing bad will happen to you as long as you obey us. We will even give you pleasure, right guys?" Sabi ng isang hinahawakan na ang pisngi ko habang nagsitawanan ang dalawang lalaki. Mararape pa ata ako dito.

Mabilis kong inapakan ang mga paa nila at pinagsisipa ang gitna nila where it hurts the most at kumaripas ako ng takbo. Tumakbo ako ng tumakbo at lumilingon sa likuran ko. Hindi pa din ako ngging swerte dahil hinabol pa din nila ako. Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo hanggang sa napatigil ako at huminga dahil nawawalan na ako ng hangin sa pagtakbo.

Napatitig ako sa maliwanag na ilaw, inaaninag ko kung ano iyon at huli na ng pumasok sa utak ko kung ano ang kinakatayuan ko ngayon. Isang malakas na kalabog sa ulo ko ang narinig ko. Sakit ang unang rumehistro sa utak ko habang nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid. Isang malabong mukha ng lalaki ang naaaninag ko sa harapan ng mukha ko. Hindi ko rin marinig ng maayos ang sinasabi niya pero alam kong malalim ang boses niya.

"Hang on Miss, don't close your eyes."

Unti-unti kong nararamdaman ang bigat ng mata ko. Sakit, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Siguro kung isasara ko ang mga mata ko mawawala ang lahat ng sakit. At biglang naging itim ang lahat.

"Renzo"

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now