Chapter thirty-three

9.5K 196 2
                                    



SERENA's POV

Nag-ayos na ako ng sarili at nag apply ng kaunting make up sa mukha. Napatingin ako sa reflection ko at nakontento na sa sarili kaya kinuha ko na ang pouch ko.

Bumaba na ako ng hagdanan at napansin ko siyang prenteng nakaupo sa sala habang nanood ng telebisyon. Napalingon siya sa akin ngunit naka lampas na ako sa kanya at dumiretso sa dining room. Narinig ko pang sabi niya.

"Mag breakfast ka muna. Nakahanda na," napalingon ako sa table na kung saan nakahanda ang sinabi nitong breakfast ko daw.

"At career na carreer mong ipagluto ako," sambit ko habang umiiinom ng tubig.

"Kumain ka muna." Nabigla ako dahil hindi ko napansin na nasa likuran na pala siya. Mataman siyang nakatingin sa akin.

"May lakad ako," napatingin ako sa relo ko at ngumiti sayo habang wala ng reaksyon na nakikita sa mukha mo. "At malalate na ako, importante pa naman ang taong kikitain ko." I emphasized the word 'importante'.

Nababasa ko sa mukha niya ang pagkacurious kung sino ang kikitain ko ngunit sandali lang iyon dahil bumalik uli sa pagiging poker face ang mukha niya.

"Sino ang kasama mo?" Deretsang tanong niya sa akin kaya naman ay napangiti ako ng pagkatamis tamis habang nakatingin sa kanya.

"Hmm. That's a secret." Kumindat pa ako sa kanya para lalo siyang maasar sa akin. Lalong naging seryoso ang mukha niya. "I should get going, bye." Ngunit agad niya akong pinigilan gamit ang kana nitong kamay.

"Eat before you leave. Walang laman iyang tiyan mo." Humarap siya sa akin ngunit hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya bilang ganti pero sa kaloob looban ko ay nabwibwisit na ako. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa inaakto niya ngayon sa akin at noong nakaraang mga araw.

Mahal niya ako? Aba matindi.

Ang tindi rin ng trip, bakit dahil sa sinabi niyang mahal niya ako ay babalik ako sa kanya? Aba matindi naman talaga, kapal ng apog niyang magsabi ng ganyan. Anong akala niya na sobrang easy to get na ako na isang salita niya lang ng ganyan ay makukuha na niya ako. 

Mahal niya ako pero nakikipaglandian sa ibang babae? Anong klaseng pagmamahal kaya iyong sinasabi niya? 

"Hmm. Let me think," binuksan ko ang food cover at tinignan ang luto nito. Siguro kung dati pa ginagawa ni Renzo sa akin ay hinimatay na ako sa kilig pero ngayon wala, wala iyong kilig. Pakiramdam ko isang kalokohan na naman ito kaya mahirap na, wag tanga.

Kinuha ko ang isang pink rose na katabi ng mga niluto nito at binalik ang food cover sa pagkakaposisyon nito kanina. Tumingin ako kay Renzo at ngumiti ng matamis.

"Gutom ako kanina pero nawalan na akong gana." Inamoy ko ang rose at binitawan iyon. Sumunod ang tingin niya sa nahulog na rose sa lapag. Ngayon ay nakatingin na lang ako diretso sa kanya at pinilit na wag maglabas ng konting emosyon dahil nakikita ko sa mata niyang nasaktan siya sa ginawa ko. Mabilis akong tumalikod bago pa magbago ang isip ko at yakapin siya.

Kinuha ko ang phone na kanina pa pala nagriring sa pouch ko. Tumigil ako sa paglalakad at sinagot ang tawag, hindi ko na tinignan kung sino dahil alam ko na naman.

"Asan ka na?" Sabi ng kabilang linya.

"I'm on my way.." Napangiti ako ng marinig kong napa-tss ang kausap ko sa kabilang linya. Ramdam na ramdam ko ang titig ni Renzo sa likuran ko at alam kong nakikinig siya sa akin ngayon.

"Ikaw na bata ka, akala mo ba madali makapasok sa tight schedule ko." Natawa na rin si Dad, ah I miss the old man.

"Yeah we are having our date on our own at last. I miss you too." Mabilisan kong sagot kay Dad, narinig kong tumawa siya. Sinugurado kong hindi dagdagan ng Dad ang mga salita ko. Ilang sandali lang ay binaba ko na ang phone at nagsimulang maglakad uli palabas ng bahay.

"Sino iyon?" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa direksyon ni Renzo. Sabi na nga ba, hindi talaga siya nawawalan ng reaksyon sa bawat galaw ko. Just as I thought.

"Sino ang alin? Ahhh iyong kausap ko. That's a secret." Ngumiti uli ako at kumindat. Agad akong naglakad palayo at lumabas ng bahay ng hindi na ito nililingon. Nagdrive ng kotse at pinaharorot iyon palabas ng village.

"Nagiging sadista na ako," sabay ngiti ng malapad.

I will make you feel the same pain I've gone through Renzo. You love me and you want my love back? Now its payback time. This time babaliktarin ko ang sitwasyon nating dalawa. Hindi naman pwedeng ako na lang parati ang nasasaktan at parating umiiyak. But I doubt if he even thinks about me.

ILANG ORAS na din kaming nag-uusap ni Daddy, kinulit ko kasi siyang mag date kami ng kami lang hindi kasama ang Mommy. Naintindihan naman agad ng Mommy at tinulak pa si Daddy na pumayag, sobrang tight kasi ng schedule ni Dad pero buti na lang ay pumayag siya.

"I really miss you Dad." Sabay yakap ko sa kanya.

"I miss my girl too." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Namimiss ko tuloy iyong bata pa ako at napakagaan lang ng buhay, iyong easy lang ang lahat.

"Dad wag mo na munang sabihin kahit kanino ang plano kong magtrabaho sa kompanya," sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Kahit sa asawa mo?" Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

"Yes Dad. I want to specially surprise him." Sabay ngiti ng sobrang tamis sa kanya.

"Fine." Bumuntong hininga siya. Ah, things are getting interesting.

Umiling lang sa akin si Dad na parang nababasa kung anong nasa utak ko ngayon. Lalo akong napangiti sa naiisip ko ngayon.

Marami kaming napag-usapan ni Dad tungkol sa aki at tungkol sa mga trip ni Mom. Sinabi sa akin ni Dad na dahil maayos naman na ang merging ng korporasyon ay naiisipan na daw niya ang mag-resign sa posisyon, ganoon din daw ang Papa ni Renzo. They are planning to resign and give the sole responsiblity to Renzo.

Iniisip ko kung kaya ni Renzo ipatakbo ang sobrang laking korporasyon lalo na at hindi lang naman Pilipinas ang sakop kundi pati sa ibang bansa.

"He can do it because you're with him." Bigla akong napatingin kay Dad ng sinabi niya iyon sa akin.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now