CHAPTER 64

1.1K 90 46
                                    

Mataas na ang sikat ng araw ng magising ang grupo ni Blink,agad itong nag inat inat at tumingin sa bell na nakakunekta sa kanilang kuwarto na kasalukuyang tumutunog na nagpapahintulot na kailangan na nilang bumangon

Agad na tumayo ang lalaki--este bakla at pumunta sa banyo para ipagpatuloy ang kanyang unfinish business nang muli ay tumunog ang Bell na nagbigay sa kanila nang warning upang agad na gumising

Napakunot ang nuo ni Blink at napairap'kalerks naman itong Bell,kitang jumejebs pa'

Nang matapos ay agad itong lumabas nang kuwarto at muling nag inat,agad na umabot sa pang amoy niya ang lutuin na niluluto ni Pech at agad siyang napangiti,mas lalo pa siyang napangiti nang umabot ang tingin niya sa pintuan ng bagong Room mate

Agad na pumunta si Blink sa tapat ng pintuan ni Dark at kumatok doon
"Fafa Daks?"buong lakas na loob na tawag niya at napangisi"Fafa daks kainin mo ako---este kakain na"halos mapatawa pa siya ngunit agad din napasimangot nang walang sumagot,lakas loob niya iyong binuksan"fafa daks kakain na----ngii waley ditey?"gulat na tanong ni Blink sa sarili nang makita ang blankong kuwarto ni Dark,agad na napatingin si Blink sa kama at napatango nang makita ang sobrang ayos na pagkakatupi ng kumot at higaan nito
'Grabe si Kuya Dark ah,akala ko spoiled brat pero yung tupi ng kumot pang hotel,pirness'

Muli pa siyang napatango nang makita ang napakalinis na kuwarto nang bagong kasama dahil nga silang dalawa lang ni Pecho ang nandito ay hindi na nila binigyang pansin pa ang pangatlong kuwarto,napabilib ito

Napabuntong hininga si Blink nang matapos ang pagtingin tingin niya at lumabas na nang kuwarto at bumaba sa nasabing hagdaan

Their apartment is a 2 storey building,it consist of 3 bedrooms and a fancy spiral stairs,maganda rin ang flourishing at nakatiles ang sahig,napakalinis ng kusina na G shape ang design na nagpadagdag ng ganda nito,may malalaki rin na florescent Light sa bawat sulok ng bahay,sa second floor ay may salamin na bintana ito ay one way mirror at pagdating sa pintuan nila ay isang blackwooden door lang ito

Hindi alam ni Blink kung kasing ganda ba o mas maganda pa ang room nang ibang tao sa kanila,wala rin naman siyang paki elam dahil kuntento na siya at hindi niya rin naman malalaman pa dahil hindi sila pwedeng pumunta sa ibang dorm maliban nalang kung papahintulutan sila,pagbaba ni Blink ay agad niyang napansin si Pecho na nakaapron ng kulay pink at may hawak na sandok,meron na ring lutong pagkain sa lamesa at nakauniform na rin ito,napakunot ang nuo ni Blink at tumingin sa paligid

"Teh good morning"dahan dahan na bati niya ngunit dahil sa kagigising lang nito ay mababang boses ang lumabas sa kanyang bibig,kung wala lang siyang sinabi na 'Teh' ay pagkakamalan sana siya ni Pecho na isang lalaki,tinapunan siya ng tingin ni Pecho at kinuhanan ito ng tubig agad namang umupo si Blink sa lamesa at kinusot ang mata niya upang magising bago tumingin sa paligid
"Pecho nasaan si Fafa Dark?"kunot noong tanong niya at kumunot ang nuo ni Pech

"Wala sa taas?"takang tanong nito

"Hahanapin ko ba dito kung nandon?"ngiwing sabi ni Blink at agad nang ininom ang kanyang tubig

Napaisip si Pecho
"Akala ko nasa itaas pa siya,kala ko tulog kaya nga nagluto nalang ako tapos tatawagin ko nalang sana"nag-iisip na sabi ni Pech at napailing si Blink nang humagod sa lalamunan niya ang malamig na tubig

"Galaer si Kuya ha"ngiwing sabi ni Blink"Feeling Dora siya sa umaga"makulit na boses na sabi nito at napailing lang si Pecho at binalik ang atensyon sa pagluluto

"Tabihan ko nalang siya ng ulam,baka babalik na rin yun"sabi ni Pech at napatingin naman si Blink sa kanilang bintana sa itaas"mukhang hindi rin kumain kagabi yun hindi ba?"tanong ni Pecho sa kanya at napanguso si Blink

SHHH,IM HIS TWIN SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon