CHAPTER 71

1.4K 97 190
                                    

Napalunok si Light at napatanga kay David bago napatanong sa sarili
'Gusto niya kong makasama?....bakit naman?'

'Ang akala ko ba ay nag-usap usap na kami?'

Napatingin siya sa lalaki at napansin niya ang pagkibot ng labi nito nang mapansin din nito ang tingin niya ay bigla itong umiwas ng tingin na para bang may iniiwasan na hindi mapaliwang na sakit o kung ano

"G-Gusto mo kong makasama?"pag aalangan na tanong ni Light at nang mapansin niya ang sarili na nauutal ay agad siyang umubo upang pagtakpan iyon,tumayo ng diretso at inalis ang emosyon sa kanyang mukha na para bang walang kahit anong bumabagabag sa kanya"Bakit naman?"

"Gusto ka niya"diretsong sabi ni Blink at kasing bilis ng langaw na lumingon ang tatlo niyang kasama at tumingin sa mukha niya na para bang nakakita ng agila na may tatlong tuka,kaya naman mabilis din niyang binago ang kanyang sinabi"gusto ka niyang kasama ganern ehem--ganun--aray maniko ka nanaman Pecho!"singhal nito kay Pecho na naniko nang isa pa ulit,sumilip sila sa dalawang tao sa kanilang harapan at nang mapansin nila na nagtitigan uli ang dalawang bading---este dalawang lalaki ay lumapit at bumulong si Pecho sa kanya

"Tumahimik ka kasi!"kita mo na ngang awkward yung dalawa eh!"wag kana makisali sa usapan--bayaan mo sila"

"Ayaw mo yun?"taas kilay na tanong ni Blink"pinagtatagpo ko na sila para malaman nila agad yung feelings nila sa isat isa!"singhal na bulong niya at napaikot ang mata ni Pech

"Umayos ka nga--hindi porket bading ka eh bading na rin yung mga nasa paligid mo----"

"SHHHHHH!"(An:im his twin--charot!)
"Naamoy mo yun?"biglang tanong ni Blink at napakunot naman ang nuo ni Pech bago umiling

"Hindi---ano ba yun?"

"May naamoy akong nagsasalitang bading---medyo katabi ko lang--Aray! Namumuro kana ah isa pa!"

"SHHHHHH!"

"I'm his twin nga ang kulet!"

"Tumahimik kana!"

Napalunok si David at hindi pinansin ang dalawang bubuyog na malapit lang sa kanila,kumurap siya ng mabilis at sinubukang tignan ang mata ni Dark

Bumalik sa ala ala niya ang ginawang pagligtas ni Dark nang mapunta sila sa isla,kung tutuusin ay hindi naman siya talaga nailigtas nito dahil nakaligtas na siya gamit ang tulong ni Kai,napakatalino nang batang iyon sa napakamurang edad....sayang lang

Muntik pang bumuntong mapabuntong hininga si David nang maalala ang bata siyaka niya itinuon ang atensyon sa harapan kung nasaan si Dark

Simula nuong mga nangyari sa kanila sa isla ay wala pa siyang pormal na pasasalamat na sinabi rito dahil sa dami nang nangyari ay hindi niya man lang nakausap ang dating kaibigan,tuwing gabi ay malinaw pa rin sa isip niya ang mga pinagsamahan nila ni Dark at bawat gabi ay hindi niya malimutan ang natatakot na mukha nito sa isla nang malaman na posible siyang mamatay sa pagkalunod sa talon

Ang mga pangyayaring iyon ang nagpatibay ng desisyon ni David na patawarin si Dark,kahit na walang sinasabi ang lalaki sa kanila ay ipinapakita nito sa kilos niya na hindi na niya ulit sila iiwan sa oras ng kagipitan kagaya ng ginawa niyang pag iwan sa kanila dati

Sa tuwing naalala niya ang mga nangyayari ay parang may mainit na pakiramdam ang laging kumakalat sa dibdib niya,bukod kay Dark ay wala pang nakakagawa ng ginawa nitong katapangan para lang iligtas ang isang kaibigan,napakasarap isipin na bumalik uli si Dark na lagi nilang karamay sa lahat ng mga problema,yung hindi sila iiwan at maasahan sa lahat

Napakunot si David nang bumalik sa ala ala niya ang pagkakita sa takot ni Dark sa tubig siyaka siya napaisip,matagal na siyang magtataka kung bakit ganun nalang ang takot ni Dark sa katubigan,nanginginig at makikita ang ibang emosyon na itinatago niya lagi na hindi niya ipinapakita kapag kaharap ang iba
Napaisip siya kung bakit at parang may nagsasabi sa kanya na ang kahinaan na iyon na bigla nalang umusbong kay Dark ay may kinalaman sa saglit niyang pagkawala nuon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHHH,IM HIS TWIN SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon