CHAPTER 67

930 85 54
                                    

Light Pov

Alam mo yung pakiramdam na gusto mong magwala?

Eh yung asar na asar na halos gusto mo nang balatan yung kaharap mo?

Ito yung nararamdaman ko ngayon!

Itong nasa harap ko?!

NAPAKAKULIT!

Para siyang aso na kahit anong taboy mo---Ayaw umalis!

At parang aasarin ka pa niya na wala kang magawa!

Nilakasan ko ang buntong hininga ko nang makarating kami sa loob ng aking kuwarto upang iparating sa kanya na hindi siya dapat pumasok dito ngunit parang walang epekto ito sa timawa at dire diretsong pumasok na kung akala mo ay siya ang may ari ng lupa na pinagtatayuan ng dorm namin

Pagkatapos ng banat niya kanina ay hindi ko na ito pinansin pa at tumahimik nalang dahil wala naman akong maisasagot na matino sa kanya

Humarap si Rollen kila Blink at malalim na mga mata ko rin silang tinapunan ng tingin na para bang pinaparating na tulungan nila akong paalisin si Rollen ngunit ngumiti lang ito sa akin na parang nagpaparating na'gulo niyo yan ati,alis na kami'

"Ayan diyan nga kuwarto niya!"abot tengang ngiti at sobrang saya na sambit ni Blink at napaamang ako!
"Ang galing galing mo naman Daddy--ay este Comrade! Nahulaan mo agad ang kuwarto niya yieeee-----uhmmm hmmp!"biglang tinakpan ni Pecho ang bunganga ni Blink at ngumiti din sa amin

"Sige sige na aalis na kami,mag enjoy kayo diyan,basta mamayang alas dos Dark ah hehe Bye!"

"BOOOOOOOOM!"

Malakas nilang sinara ang pinto!

At naiwan kaming tahimik ni Rollen na nakatingin lang doon

-,-

Seryoso ba to?

Unti unting nandilim ang paningin ko at kumunot ang aking noo bago tapunan si Rollen nang tingin at nang tignan ko siya ay mas lalo pang lumalim ang pagkakunot ng noo ko nang makita na nakangisi ito at itinuro pa ang kama gamit ang labi niyang nakanguso!

"Ibaba mo ko!"di ko na mapigilang sigaw ko sa kanya at napatawa ito ng malakas"ibaba mo ko kung hindi gagamitan kita ng Kin Geri technique!(Groin Kick)"pananakot ko sa kaniya ngunit tumawa lang ito!

"HAHAHHAHAHA bakit mo naman gagawin----ARAY!!!!"malakas na sigaw nito ng bigla kong itaas ang kamay at

MALAKAS NA PININGOT ANG TENGA NIYA!

"Aray! Aray Aray---masakit Light! Masakit Light!"

"Ibaba mo muna ako! Hindi ko bibitiwan sinasabi ko sayo! Tatanggalin ko tong tenga mo!"malakas na singhal ko dito at kitang kita ko kung papaano mamula ng sobra ang tenga niya

"Aray masakit Light promise---"

"Ibaba mo ako---Isa----------Aray!"malakas na sigaw ko nang bigla niya nalang ako hinagis sa kama!

Dahil sa ginawa niyang iyon ay tumama ang sugatang kong braso sa malambot na kutson ngunit dahil sa pwersa ay nasaktan pa rin ang sugat ko

Dahil sa sigaw ko ay parang nagising ito at namumulang tenga na lumapit
"S-Saan ang masakit? S-Sorry ikaw kasi---"

"Kasalanan ko pa!?"inis kong singhal sa kanya at parang tuta naman itong napatahimik"bakit nung kanina hindi ko naman sinabi na buhatin mo ako ah?!"

"Hindi mo din naman sinabi na wag kitang buhatin---"

"Bwiset ka!"inis na singhal ko sa kanya
"Ilang beses ko sinabi na wag mo kong buhatin---"

"Hindi mo naman yun sinabi bago kita buhatin kaya walang epekto yun"

SHHH,IM HIS TWIN SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon