Kabanata 17

378 23 1
                                    

17






----

Umuwi akong sobrang gulo ng isip. Hindi mawala sa utak ko ang litrato ni Chrispher at ni Berenice. Ang mga litrato nilang isa sa iimbestigahan ko.

Ang plano kong kausapin si Lupin ay hindi ko na nagawa pa. Basta na lamang kasi akong umalis doon dala-dala ang folder na ibinigay ni Chief Manulo. Nagdalawang isip man ako para sa misyong ito pero alam kong wala akong magagawa doon. He trusted me for this job and I can't reject it.

Paano nangyari 'to? Is this coincidence? Hayy, siguro isa lang sila sa maaaring maglead sa akin sa mga totoong may kasalanan. They're not part of this thing. That's why I need to investigate. Now I'm being unprofessional, damn!

Siguro ay sobrang nagulat lang ako kaya maraming pumapasok sa utak ko. I am just overreacting. I just need to find some clues and I need to look forward on that without telling them my reason. Sa ngayon ay akin muna ang problemang ito at walang sino man ang makakaalam. Just me and Chief Manulo.

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin ang kapatid kong seryoso ang ekspresyong nakayuko malapit sa hamba ng hagdanan. Kuyom ang kamao nito at nakatiim bagang.

"Oh? Preston, ang aga mong nakauwi?" Tanong ko at nilagpasan siya para makapasok ng kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso mula sa pitchel at agad iyong ininom.

Hanggang sa maibaba ko ang baso ay nanatili siyang nakayuko malapit sa hagdanan at parang malalim ang iniisip. Napakurap ako at lumapit sa kaniya. Nang masulyapan ko ang kamay niya ay napatigil ako sa paglalakad. Tila napigtas ang hininga ko ng makita ko sa kamay niya ang kulay puti kong long sleeve na punong puno ng dugo.

"P-preston-"

"Sa'yo ba 'to, Ate?" Aniya at inangat ang kamay at tinitigan ng tudo ang mantsa ng dugo. Agad na nanlamig ang sikmura ko dahil sa nakita.

Nakalagay lang 'yan sa C.R ko! Plano ko na iyang itapon e! Paano niya nakuha?! Pumasok siya sa kwarto ko?!

"Preston, ba't ka pumasok sa kwarto ko-"

"Sa'yo ba 'to?!" Pagpuputol niya sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang dilim at galit sa mga mata niya. Namumula ito at halata ang pagpipigil.

Bumuka ang bibig ko pero walang maski isang salita ang lumabas. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay at pamamawis nito. My heart is beating so fast inside my chest, too.

"P-preston..." I cracked.

"Ipakita mo sa akin!" Napasinghap ako ng marahas ang mga lakad siyang lumapit sa akin. Nang akmang hahawakan niya ang kaliwang braso ko ay agad ko itong pinalo paalis. I don't want him to see it!

"Preston!" Umatras ako gamit ang gulat na ekspresyon. Pero alam kong bakas sa itsura ko ang takot at pag-aalala. Bumibigat na rin ang hininga ko dahil sa kaba.

Napatiim bagang siya at aroganteng huminga ng malalim. Dismayado niyang iniling ang ulo habang tumatawa ng pahapyaw.

Ito ang ayaw ko na mangyari e. Ito ang kinatatakutan kong mangyari kapag nalaman nila ang nangyari sa akin. It's my second time seeing my younger brother this angry before over me. Ang una ay dahil nadaplisan ako ng bala sa hita. At ang isa ay ito... mas malala pa nga nong una.

Minsan ay kung umasta siya ay parang mas nakakatanda pa sa akin kaya mas pinanatili ko ang pagtatago nito kesa sa malaman niya. I know they're just concern and worried at hindi ko sila masisisi. May hangganan ang lahat. Alam kong malalaman at malalaman pa rin nila. Ang kinatatakutan ko lang ay baka... matanggal ako sa trabaho kung sakaling malaman 'to nina Papa at Mama. I can't lose my job. I can't.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now