Chapter 10

117 12 1
                                    

"Wala na ang kaibigan natin. Wala na si Sonson…"

I covered my face as I cried. Rinig ko ang mga iyak nina Emcy. Hanggang ngayon, 'di pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko pa rin matanggap… Hindi pa rin ako naniniwalang wala na ang kaibigan ko.

Wala na si Sonson.

Si Sonson na kasama ko sa lahat.

It was so hard for me to accept that he's gone. Tuwing naaalala ko ang sulat niya para sa akin, sobra akong nasasaktan. He loves me… at ramdam ko 'yon. Hanggang sa huli ay ako pa rin ang inaalala niya. Gusto niyang maging masaya ako.

It was Sonson who was messaging me when I was in grade ten. I can still recall those messages containing his endearments for me. Those "my valedictorian" and "my love". Siya pala 'yon. It was him because he put those endearments on his letter for me.

All he wanted is for me to be happy. Pero paano ako magiging masaya kung wala siya? Paano ako sasaya kung sa tuwing magdidiwang ako ng kaarawan ko ay siya ring kamatayan niya? How could he say that he wants me to be happy when he is hurting… Ang sakit-sakit.

"Ang daya mo naman, Sonson. Bakit mo ako iniwan..." reklamo ko habang tuluyang umagos ang luha ko.

Pagod na ang mata ko kakaiyak. Pagod na pagod na ako. Pwede bang mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko? Kahit isang araw lang… Isang araw na walang sakit. Isang araw na masaya. Isang araw... kahit isang araw lang... dahil hindi ko na talaga kaya.

"Shush... love..." Mula sa gilid ko ay hinaplos ni Chad ang likod ko. "Hindi ka pa natutulog, magpahinga ka muna."

"Ayoko, Chad. Ayoko," umiiling-iling na sambit ko. "Baka magtampo si Sonson sa akin pag hindi ko siya binantayan," parang batang sambit ko.

"Lahat tayo ay nawalan, babe. Kailangan mo ring magpahinga," Chad said.

"Leyzan, magpahinga ka muna," lumuluhang sambit ni Erich Lyn. Nag-iwas siya ng tingin at pinunasan ang mga luha niya.

Gusto kong sisihin ang lahat. Gusto kong ibuntong sa lahat ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong magsisigaw hanggang sa gumaan ang dibdib ko. Pero wala. All I have to do is to accept it even though it hurts.

Tuluyang lumapit sa akin sina Erich Lyn at Emcy. Ngumiti sila sa akin kahit ang mga luha nila ay pumapatak. Mula nang dumating sila dito ay umiiyak sila.

"Tutulungan lang namin sina Tita Winslet na magbigay ng pagkain sa mga bisita, magpahinga ka muna, ha..." Erich Lyn said.

I nodded at her as the tears fell down from my eyes.

Nang makaalis sila sa tabi ko ay tumayo na ako at nagtungo sa kwarto ni Sonson. I lay down on his bed as I hugged his pilow. My chest was hurting so bad. Kung pwede lang talagang mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Sabi mo... 'di mo 'ko iiwan. Pinaniwala mo lang ako."

Sonson was always there for me. He was with me throughout the years. He knows me better than I know myself. He cheered me up when I was having a bad time. He was the only one who could calm me down when no one else could.

Kasama ko siya sa lahat. Mula bata pa lang kami, kasama ko na siya. Paano ko tatanggapin na wala na siya kung sa bawat gagawin ko ay maaalala ko siya?

I bit my lower lip to stop myself from crying but it doesn't stop. As I hugged his pillow, I could smell his perfume. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay naging triple na.

As I felt my eyes become tired, I fell asleep. And I woke up with a discomfort feeling. It was just thirty minutes since I had slept. Tumayo ako at hinanap sina Chad.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now