XV

3.7K 74 8
                                    

"Hay naku Kimmy, she had me at HELLO..."


---

"Hanep sa mga banat idol ah! Iba ka talaga! Papaturo ako sa iyo minsan ha!" biro sa akin ni Kim.

"Oy totoo yun ha! Pwera stir!" I then looked at Mika. Tinitignan ko kung ano ang reaksyon niya. I sure hope she gets my message. 

"Kayong dalawa talaga! Puro kayo kalokohan." Pero pinatong ni Mika ang kamay niya sa binti ko kaya pinatong ko na din ang braso ko sa likod ng upuan niya. Subtle way of telling people that we have something. Me and Mika share something special. Sana makuha ng mga lalaking nakapaligid what I was trying to imply. 

I am not the jealous kind of boyfriend. Sa past relationships ko, never ako nagselos. Naiinis ako sa ibang lalaki na halatang nagpapacute sa mga mga girlfriends ko before, but not to the point na bakuran ko sila. Usually nga tinatawanan ko pa ang mga lalaki na nagpapapansin, but this time, this is different. 

I whispered to Mika "Miks, hindi pa ba tayo uuwi? Late na oh. Saka wala naman na ginagawa. Sumasayaw na lang sila at umiinom."

"Saglit na lang Kief. Nag eenjoy pa ako na panoorin sila e. Relax babe. Let's just enjoy the night."

Since andito naman na kami at mukha ngang natutuwa si Mika sa mga nakikita niya, I decided I might as well enjoy with her. 

"Sige ganito, why don't we get one drink, tapos uwi na tayo." Mika told me

"Ok sige. Kuha lang ako. What do you want?"

"Mojito na lang please. Para hindi masyado matapang."

"I knew you'll say mojito. Favorite drink mo yata yun e."

"Well yeah. Mag mojito ka na lang din Kief ha. 'Wag na matapang kasi magdadrive ka pa."

I stood up and went to the mobile bar. Andun pa ang ibang teammates niya at nakababad. I went back to our table as soon as I got the drink from the bartender. 

Inabot ko ang mojito kay Mika and told her we better finish our dinks agad para makauwi ng maaga.

"Bakit ba nagmamadali ka umuwi Kief?"

"E kasi baka hindi ka payagan ni tita bukas kapag hindi kita naiuwi ng maaga ngayon e."

"Ano ka ba. naipagpaalam na nga natin yun kay mama di ba. Papayag yun. Ang lakas mo kaya dun."

"Talaga? Sure yan ha. Sigurado na papayagan ka bukas ha?"

"Oo nga! and besides, kahit hindi ako payagan, pwede naman mag over the bakod para matigil ka lang."

"Ay wag naman ganun. Kung hindi ka papayagan, set na lang natin sa ibang araw."

"Kief, kalma, pinayagan na nga tayo diba. Masyado ka nagwoworry e. Chill lang."

She gestured for me to move my chair closer to hers and I did. Hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko. 

"Don't be a worrier Kief. Everything will fall into place. Let's just enjoy this moment. Let's just enjoy being together."

---

Mga 30 minutes yata namin inubos ang inumin namin parehas. She then told me na pwede na daw kami umuwi. Pinuntahan namin ang teammates niya at si Dawn para magpaalam. Dumaan na din muna kami sa parents ni Dawn para sabihin na mauuna na kami pauwi dahil may maaga pa kaming lakad bukas.

Stay With MeWhere stories live. Discover now