XII

4.4K 98 22
                                    

"Coming here brought great memories back and right this moment I am actually happy that I get to make new memories with you..." 

~MIKA

Hindi ko talaga ma explain ang pakiramdam. Kanina natatakot ako at kinakabahan na pumasok ulit dito, pinilit ko na lang ang sarili ko dahil ayaaw ko na wala naman mangyari sa effort ni Ravena, but I admit na pagpasok ko pa lang sa pintuan, masasayang memories lang ang naalala ko. 

I was really impressed. Hindi ko naman naisip na bibigyan pala niya ng pansin ang mga detalye tungkol sa akin. Hindi ko alam na napapansin pala niya ang mga hilig ko na binibigyan pala niya ng importansiya ang mga gusto ko. 

A for effort si ravena dito ah.

~KIEFER

Ang saya ko na napasaya ko si Mika. Kinabahan ako kanina nung nakita ko ang mukha niya. Nagworry ako na baka hindi niya magustuhan ang ginawa ko. Good thing na mukhang napasaya ko naman siya and that is what I intend to do, ang pasayahin lang siya.

Pagkatapos niya akong lapitan at pagkatapos niyang sabihin sa akin na napasaya ko siya sa ginawa ko, hinayaan ko na siyang bumalik sa pagtingin ulit sa mga libro. na kuntento na akong pagmasadan siya.

I took a seat malapit sa mga book shelves where she is at at tinitigan ko lang siya. Para talaga siyang bata na pumasok sa isang malaking candy store. Hindi mapakali kung anong libro ang unang hahawakan at babasahin. 

Lumapit siya sa akin at nag abot ng isang libro while she was holding another one. She chose na umupo sa harapan ko. I love to read, pero wala na yata akong mas gusto than to watch her read a book. Napaka inosente nang mukha niya habang nagbabasa. Ang sarap pagmasdan ni Mika. 

Hindi na namin namalayan ang oras until someone went to us. Sinabi na malapit na daw sila magsara and asked kung gusto ba namin na hiramin na lang ang libro. I was about to ask Mika kung ano ang gusto niya, but before I was able to speak, naunahan na niya ako.

"Hiramin na lang natin yung books ha. Para may reason pa tayo to come back." at ngumiti siya sa akin ng pagka tamis tamis.

"Sure. Whatever you want Miks."

She rolled her eyes at me at tumayo na sa upuan. Nilapitan niya ako at hinila sa kamay para makatayo na kame at makapunta sa librarian. 

Hindi niya binitawan ang kamay ko. 

We were holding hands habang papalapit sa librarian. We were asked for ids, at kahit nahirapan siya kunin ang wallet niya for identification, she did not let go of my hand. 

This is really my lucky night.

After finishing up with borrowing the book, lumabas na kami ng library at naglakad papunta sa parking. hands swaying, she looked at me. "Thanks for this Ravena. I'm really happy tonight."

"I'll make sure you are always happy Mika, with or without me. Always remember that."

~MIKA

I'm super high with what happened. Sobrang saya ko lang na I get to do what I love with the person I think I am falling in love with. 

Naku, napakabilis naman yata nito. Whatever, as I have said, I'll just go with the flow. I will not make things complicated. Kung ano ang mangyayari, ay mangyayari.

We were still holding hands when we reached his car. At this point, ayaw ko talagang bitawan ang kamay niya. Parang I feel secure kapag kasama ko siya, pero I feel loved when he is holding me. 

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon