X

4.1K 100 16
                                    

~MIKA

"i like this... I like us right this moment... This feels like home..."

I can't believe kung tama ba ang narinig ko. Hindi ko alam kung titingnan ko ba siya at kakausapin. I was thinking not to, because honestly, hindi ko alam kung ano ang tamang response sa sinabi niya.

I was weighing kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. I closed my eyes for a bit, savoring this very moment. Hindi ko alam kung kaya ko na bang isugal ang puso ko. Parang napakabilis naman nitong mga nangyayari. Hindi ko alam kung handa na ba akong masaktan.

I looked at him, stared at his eyes. Pinipilit kong basahin kung ano ang nararamdaman niya. Seryoso ba itong taong 'to sa mga binitawan niyang salita o sinabi niya lang kasi masaya siya sa mga oras na ito?

"Ikaw talaga Ravena, palabiro ka. Kainin na natin itong bitbit mo. Nagutom ako bigla. hahaha"

Nakita kong nakatingin sa akin si Ravena. Maybe he was contemplating on what to say.

"I don't joke Mika. I never joke about things like this."

He is serious. I can tell... or can I really? Hindi ko pa nga siya kilala masyado e. Luminga linga ako sa paligid ko. Buying some time as I really do not know what to say. 

This is a first. Yung wala akong masabi.

"You know what Ravena, hindi ka dapat nagbibitaw ng mga salita kapag masaya ka, lalo at hindi mo na pwedeng bawiin."

I took a donut out of the box in the table. Took a little bite at pinatong ko na ulit sa platito na hindi ko napansin na bitbit din pala niya pagpasok. I was hoping na hindi na i-bring up ni Ravena ang sinabi niya kanina. 

I stood up. Iniisip kong lumabas sandali ng library para kumuha ng tubig dahil napansin kong walang bitbit si Ravena. Gusto ko ding lumabas saglit para makapag isip and honestly para makawala sa pagkakataon na feeling ko ay pine-pressure ako. 

I suddenly got stressed. I am so not used to this. Hindi ako sanay na sinasabihan ng mga ganitong bagay. 

Ako ang nagpapakagat sa mga lalake. Not the other way around. Naisip ko bigla kung ganito din ba ang nararamdaman ng mga lalaki that I flirt with.

I doubt it. 

"Kuha lang ako ng water ha. May gusto ka ba? You want soda?"

"Water na lang din please Mika. Thanks."

I still did not look at him habang tinatanong if he needs anything. Natatakot siguro ako sa kung ano ang pwede kong makita sa mga mata niya. Might I see the same look I give when I try to flirt with a guy? 

Kinuha ko sa ilang hakbang ang palabas ng library. Dali dali akong lumabas. I closed the door quietly at napasandal ako saglit sa pinto.

"What is this? This is too early. Super super early."

I headed to the kitchen. Took a pitcher out of one of the hanging cabinets. Naglabas din ako ng tray at dalawang baso. 

I was at the dispenser getting some water at iniisip ko kung bibigyan ko ba talaga ito ng chance. 

From what I know and believe, ako yung tipo nang babae na madaling mag-decide. I know what I want and I know how to get what I want. You ask me a question, I can give you an answer in less than a minute. That is why this is pretty surprising to me. Hindi ako ito. I can't understand kung bakit hirap na hirap ako intindihin at tanggapin ang mga sinabi ni Ravena.

Stay With MeWhere stories live. Discover now