TIS#04

131 28 14
                                    


Ano kaya yong nagawa ko noʼng araw na ʼyon? Hindi 'ko na masyadong matandaan. Hinawakan 'ko ang ulo ʼko sa sobrang sakit, puñyawa naman.

“Ano nangyari?” Tanong ko sa kanila. Ang naalala ko kasama ko si Kleia habang si Freia naman ay kasama si Lianne sa loob ng cafeteria. Tapos nakita ko yong lalaki na bubugbugin dapat. Tama ba ang pagkaka-alala ʼko? Teka...

“Ano lang ba ʼyong naalala mo?” Tanong ni Rin sa akin napapikit ako habang inaalala. Bakit ba kasi hindi ko maalala? Nakakainis talaga.

“Huwag mo nang ipilit kung hindi mo maalala. Basta, kalimutan mo na lang ʼyon.” Sabi naman ni Freia, napatingin kami sa kaniya. Tiningnan niya si Rin at nagtinginan sila na para bang nag-uusap sila gamit ang mata.

Tumambay kami sa bahay namim at tinawagan na lang namin si Kleia para kunwari kasama namin siya. Minessage ni Freia sina Seth pero busy daw kaya hindi sila nakasali.
Nagkuwentuhan lang kami sa random stuff, tapos bumaba kami nang tawagin kami para kumain.

“Mave, mag-hi ka nga sa mga kaibigan ko.” Sabi 'ko kay Kuya inirapan niya ako habang naglalakad papunta sa upuan niya. Kanina pa tahimik si Freia pero normal lang naman ʼyon kapag sinusumpong siya pero kinakabahan pa rin ako. Siniko ako ni Rin at nginitian ako.


“Wag mo na intindihin si Freia.” Tumango ako gano'n ang madalas sabihin ni Ali sa akin kapag nag-aalala ako kay Freia. Panigurado sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa akin kaya ganiyan siya.


“Nandito ʼyong kapatid, o. Maging good boy ka nga!” Sabi naman ni Klyn habang tinuturo ang laptop ʼko napailing si Maven.



“Freia, mukha ka ng katulong na may anak dahil sa itsura mo.” Si Maven nanatili ang tingin ʼko kay Freia at nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya. Tinaas niya ang gitnang daliri niya.

“Stress kasi ako, palibhasa ikaw hindi ka naman nag-aaral nang mabuti.” Sabi ni Freia napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang pag-kirot ng puso ko. Shutangina, ano na naman ba problema?

“Nag-aaral ako nang mabuti, ʼno, kaya nga honor student ako, tss.” Sabi ni Maven palipat-lipat ang tingin 'ko sa dalawa dahil mukhang nagkakainitan na naman sila. Medyo pikon kasi si Freia, ayaw niya pa naman sa tao na iniinis siya.


“Ay oo nga pala nakalimutan ʼkong matalino ka pala. Matalino na gwapo pa pero hindi ka naman bet nang bet mo.” Sabi ni Freia kaya naman sumimangot si Kuya Mave. Kung hindi ʼko lang kilala ʼtong si Maven hindi ʼko malalaman na kahit cold siya ay may pagkachildish din.

“Tama na ʼyan, baka kayo pa ang magkatuluyan..”

“Kuya Klyn naman! Kadiri, mag-pinsan kami niyan.” Sabi ni Freia habang pumangit ang ekspresyon ng mukha niya. Siraulo talaga tong mga to. Haha


“Dili ka man sure.” Pang-aasar pa ni Kuya Klyn sa kaniya kaya naman napairap lang si Freia habang si Mave naman ay napailing lang.

“Hala, baka malaman nʼyo na lang na hindi pala talaga kayo mag pinsan tapos kayo ang magkakatuluyan! Sabi nga nila the more you hate, the more you love..” Sabi ni Rin habang ngumunguya.


The Incomplete Sun (Destiny Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon