TIS#01

196 30 54
                                    

Disclaimer: This chapter is so stressful:))

---------------------------------------------------------

TIS#01 - Trauma





“Pinatay mo siya.” Rinig ʼkong sabi ng babae na nasa labas ng pinto. Buti na lang ay matibay ang lock nitong pinto, mas matibay pa ata ito kaysa sa puso ʼko.


“Nasaan na ang tapang mo ngayon? O, ʼdi ba sabi sa inyo, e. Nagtatapang-tapangan lang ʼyan pero ʼyong totoo mas mahina pa ʼyan sa daga.” Rinig ʼkong sabi ng isa pang babae habang hinahampas ang pinto kaya naman mas lalo ʼkong diniinan ang pagtakip sa tainga ʼko. Hindi gaano ka-ganda ang reputasyon ʼko sa school pero mas malala ngayon dahil ako ang sinisi nila sa pagkamatay ni Aella—ang kaibigan ʼko. Kaibigan ko si Aella... Kaya paano nila naisip na kaya ʼkong ipapatay ang sarili ʼkong kaibigan!


“Lumabas ka na!” Ayoko nga. Kinagat ʼko ang labi ʼko nang may nag-buhos sa akin ng tubig. Inangat ʼko ang ulo ʼko para tingnan ang nag-tapon noʼn sa akin, at nakita ʼko si Leah na nakapatong ang kamay sa itaas ng harang ng cubicle.


Nakangiti ito sa akin, nanlaki ang aking mata nang itinaas niya ang hawak niyang balde na balak niya atang ihagis sa akin. Pinikit ʼko ang mata ʼko na ikinatawa niya kaya naman minulat ʼko ang mata ʼko, at nakita ʼko na wala na siya roon. 



“Goodluck! ʼWag ka mag-alala, sasabihin na lang namin kay Maʼam na masakit ang tiyan mo.” Sabi ni Leah sabay tawa at narinig ʼko ang yapak ng paa nila. Narinig ʼko pa ang malakas na pagsarado nila sa pinto. Shit, baka isarado nila ako rito! 


Inopen ʼko ang pinto at sumilip ako sa labas. Wala na sila, dahan-dahan akong nag-lakad dahil sobrang dulas dito. Maraming rebeldeng estudyante rito pero dahil sa strikto ang pamamalakad dito ay wala silang palag pero kahit ganoʼn ay hindi mapuputol ang mga sungay nila.


Maraming bully dito sa school na ito kahit nga teacher ay bully din kaya marami ang nagdodrop-out na estudyante at sa oras na nag-transfer ka ng ibang school ay automatic na pangit ang records mo rito sa school na ʼto kaya iisipin nila na ang estudyante ang may mali. Hindi naman ganito kalala ang school na ʼto dati, e. Pero bigla na lang naging ganto ang pamamalakad nila Ali sa school. Nabalitaan ʼko pa nga na may mga estudyante rito na nag-do-droga o kaya naman member ng isang illegal organization. 



Sobrang tahimik.


Naglakad ako paakyat sa room ʼko at kada hakbang ʼko ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ʼko. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ʼko, mamatay ako rito sa loob ng school. Gustong-gusto ʼko nang umalis dito pero ang problema ay malapit na matapos ang sem, ayaw ʼkong masayang ang mga pinaghirapan ʼko. 

“Nandito na ʼyong anak ng demonyo!" Rinig ʼkong sabi ng isang lalaki at kasabay noʼn ay may humila sa buhok ʼko kaya naman napahawak ako sa buhok ʼko.


“Ano kaya pa?” Sabi nito napapikit ako ng mata ʼko. Kahit hindi ʼko kilala ay galit sa akin, lagi nila akong pinagtutulungan dahil galit sila kay Daddy. Pero hindi naman ako si Daddy, e. 


“Sinabi ʼko naman sa ʼyo dapat magdrop-out ka na. Ayaw mo noʼn? Hindi ka na mahihirapan.” Si Keana ang kaagaw ʼko sa pagiging valedictorian. Gustong-gusto niya akong pinapahirapan dahil gusto niyang mawala ako para siya ang maging valedictorian.


“N-Nasa hagdan t-tayo.. Baka... malaglag tayo.” Halos manginig na ang boses ʼko napahawak ako sa railings nang mahigpit dahil sa takot na baka malaglag ako. 


The Incomplete Sun (Destiny Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon