Part 20

1.3K 36 0
                                    

Chel’s pov

“Last one.” Sigaw ng photographer. “Okay. Perfect. Thank you chel”. Dugtong nito

Nakangiti kong nilapitan ang photographer para matingnan ang mga kuha nito. Bigla akong me namataan sa di kalayuan.

Teka….Si Jovs yun ah. At si aly? Anong ginagawa nila dito?

“Hi Babe” bati ni Chris ng lumapit sa akin. At bakit ang dami ata nila at me bulaklak pa ang drama.

“Chel, me gusto sana akong sabihin” sabi ni Chris.”Alam kong hindi pa tayo matagal na magkasama pero sobrang minahal na kita…Chel…”dugtong nito sabay luhod.”Chel, will you marry me?”

HuwaaaaaaTTTT???? Ano bang pumasok sa ulo ni Chris at ginawa nya ito. Alam naman nyang wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Kaloka naman oh tapos dito pa. Naku!...

“Say yes…Say yes!” sabi ng karamihan.

OMG…. Pag tinangihan ko to, kawawa naman. Kainis naman tong lokong ito at tinotoo.

“Chel…” ulit na sabi ni Chris na mukhang ngmamakaawa na dahil sa dami ng ngchecheer sa kanya.

“Ate Chel!” sigaw ng babae na kumaripas ng takbo palapit sa akin.” Ate, kanina pa kita hinihintay!...Tinatawagan kita, di ka naman sumasagot. Tara kelangan na nating makauwi, me emergency. Tara na!” dugtong nito at bigla akong hinatak para makalayo ke Chris.

“Teka nga lang, Aly” sabi ko. “Anong emergency?” tanong ko.

“Aahh… Emergency sa bahay!” sabi nito habang pinandidilatan na ako. Ano bang drama na naman ito. Nakakaloka na. Kusa naman kay lakas ni Aly para mahatak ako palayo ke Chris.

“Chel…Wait” Sigaw ni Chris.

“Ate, wag ka ng lumingon.” Bulong ni aly habang hawak hawak ako ng madaanan naming si Jovs.

“Jovs tara na.” sabi ni aly at hinatak na rin siya nito palabas ng silid.

Nang makalayo kami at makarating sa parking lot. Lahat kami ay naghahabol ng hininga. Para kaming mga presong nakatakas sa kulungan.

“Teka nga lang, Aly. Ano bang drama ito at me emergency ka pang nalalaman jan?” agad na tanong ko ke aly.

“Hahaha. Emergency..Yung emergency light nyo sa bahay nasira.Hehehehe” Biro nito at biglang bumaling ke Jovs.

“Hay naku…Ewan ko ba sa yo Jovs. Ang slow mo talaga!” tawa ni aly. “Buti nalang mabilis akong nakaisip ng paraan. Kaya kayong dalawa me utang sa akin”

“Anong utang ka jan?” daing ni Jovs. “Sinabi ko bang gawin mo yun?”dugtong nito.

“Ano? Ginawan na nga kita ng pabor ikaw pa ang galit?” agad na sagot ni aly.

“Sana hinayaan mo nalang.” Mariing sabi ni Jovs.

Hindi ko maiwasan masaktan sa narinig ko. Talaga bang nagpaparaya na siya?

“Talaga bang?....Hahayaan mong mangyari…” sabi ko ng bigla akong natigilan dahil di ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin na pilit din pinipigilan ang nararamdaman nya.

“Jovs ano ka ba? Itatangi mo na naman?” daing ni aly.

“Sobrang sakit na... Pwede bang tama na.” sabi ni Jovs sabay talikod sa amin at naglakad palayo.

Tama ka..Sobrang sakit na nga…At hindi ko rin maintindihan kung mahal mo nga ako....

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon