Part 14

1.6K 35 0
                                    

Di ko namalayan na isang lingo na rin pala ang lumipas. Sobra focus kasi kami sa training nung nakaraan gawa ng championship na. Buti nalang nasungkit naming ang Game 1. Biruin mo Conference MVP pa si ate chel. Nakamove on na talaga siya. Masaya na rin ako. Di man kami gaanong nag uusap ngayon dahil wala rin talagang oras pero nagagawa naman mag usap ng mga mata namin. Minsan nagkakatinginan lang kami sa loob ng court. Ganun lang. Minsan kasi kung mag iisip ka pa ng kahit ano, e baka maging bench girl na naman ako. Isang game nalang para maging champion kami ulit. At dun dapat ako magfocus at bawal madistract.

Parang nagugutom ata ako. Asan na ba susi ko, makalabas nalang at makakain. Bigla nalang akong me narinig na nagtatawanan sa di kalayuan.

“Yuck, ayaw ko nga nyan eh” sabi ng isa. Parang kilala ko ang mga boses na yun. Gusto ko sanang bumalik sa pinanggalingan ko kaso mukhang namataan na ako ng isa sa kanila.

“Oy Jovs, tara dito o. Eto paborito mo.” Sabi ni aly sabay kaway sa akin.

Kung pwede sanang tumakbo palabas e gagawin ko na lalo na ang kasama pala ni aly ay si ate chel. Baka isipin niya na di pa rin ako nakakamove on. “Ano bayan?’ sabi ko habang papalapit sa kanila.

“Di ba paborito mo to? Carrot muffin.” Sagot ni aly habang inaabot sa akin.

Umupo ako sa harapan nila. Nakangiti lang si ate chel. Mukhang okey na nga siya.

“Iyo nalang to. Si ate chel kasi sakin pinapakain dala ni Chris” dugtong ni aly.

Si Chris na pala ang nagbibigay sa kanya ng paborito ko. “No, thanks. Nagsawa na ako jan eh.” Agad kong sinabi. Lihim akong tumingin ke ate chel kaso una pala siyang nakatingin sa akin. Parang gusto nya akong kalmutin sa mga titig nya.

“Ha? E bakit sabi ni ate chel e paborito mo to?” tanong nya

“Dati yon. Hindi na ngayon.” Mariing tangi ko.

“Akin na nga.” Sabi ni ate chel sabay kuha ke aly ng carton ng muffin. Mukha atang napikon sa sinabi ko.

“Bakit ikaw, ayaw mo ring kumain?” agad na tanong ko ke ate chel para mabawasan lang ung awkward moment na ito.

Bigla nyang tinigil ang pagbabalot ng muffin at tumingin sa akin. “Di ko na rin kasi sya gusto eh.” Sabi nito sabay kibit ng balikat.

Natawa ako sa narinig ko. Gumaganti ba siya? Di ko maiwasang tumawa ng malakas sa sinabi nya. Natawa na rin siya at bigla pa kong tinapik sa balikat dahil di rin nya mapigilang matawa.

“Anong nakakatawa?” singit ni aly. “Pinagtatawanan nyo ba ako? Para naman akong frame dito kayo lang ang nagkakaintindihan.” Daing ni aly.

Lalo tuloy kaming natawa ni ate chel sa naging reaksyon ni aly. Ngayon ko lang ulit nakasama si ate chel ng ganito. Na parang wala lang nangyari. Nagkakaintindihan kami kahit mga mata lang namin ang nag uusap.

“Eto naman, hindi ikaw no.” bawi ni ate chel. “Tara treat ko kayo sa labas.” Aya nito.

“Dapat lang” agad na sabi ni aly.”Treat mo kami dahil Conference MVP ka!” dugtong nito.

“Tara, dun tayo sa…” bigla naman akong tinabig ni aly.

“Ay ako ang masusunod kung san tayo kakain. Di ko type ang taste mo.” Singit ni aly.

Natawa nalang si ate chel habang pinagmamasdan kaming nag uunahan ni aly na makalabas ng pinto.

Di ko matatawaran ang araw na to. Kasama ko siya kahit magkaibigan na lang kami. Masaya kahit wala ng second chance na maging kami. Sa TV lang naman nangyayari yon. Minsan pag pinalampas ang pagkakataon, mahirap ng balikan pa. Nagkasakitan na kami kaya tama na yon.

 Napapagitnaan namin ni aly si ate chel habang naglalakad patungong parking lot. Ng di sinasadyang madikit ang kamay ko sa kamay ni ate chel. Di ko ginawang alisin yun, at bigla ko nalang siyang hinawakan. Di naman din siya nagpumiglas. Napatingin siya sa kin at pinisil nalang nito ang palad ko habang naglalakad kami.

“Yung car mo ba te chel, san nakapark?” tanong ni aly.

“Yung car mo nalang. Tamad akong magdrive at ako na nga manlilibre, gagawin mo pa akong driver.” Agad na sagot ni ate chel.

“E di yung ke jovs nalang” sambit nito.

“Haiz, gusto mo bang magtulak?” sabi ko ke aly.

“Hahahaha. Basta ako ayokong mapagod ha.” Singit ni ate chel na napatingin sa akin. Natawa na rin ako.

“Bakit ba ang malas ko sa araw na to. Kainis.” Sigaw ni aly.

“Ikaw naman” sabi ni ate chel sabay akbay sa ming dalawa ni aly. Bigla nalang itong naglambitin sa balikat namin.

“Ayyy, te chel o ang bigat mo” daing ni aly sabay karipas ng takbo.

Natatawa nalang ako sa nangyayari sa min ngayon. Para kaming mga bata.

“Jovs, isakay mo ako sa likod mo.” Sabi nito sabay hawak sa likod ko.

“Ate mabigat ka kaya” daing ko.

“Sige na. Bibigyan kita ng hersheys…..kisses.” biro nito na pilit pinapatigil ako sa paglalakad habang nakahawak sa balikan ko.

“Haizz. Kisses ka jan” ngiti ko. Sana kiss sa labi nalang kesa chocolates.

“O eto na o.” sabi nito sabay kiss sa pisngi ko. “Bayad ka na kaya wag na angal ha” dugtong nito.

Wala na akong magawa at hinayaan ko na siyang makasakay sa likod ko. Nakupo ang bigat din talaga nya.

“O, picture picture!” ngiti ni aly habang hawak ang phone nya para kuhaan kami.”Wow, capture the moment ang peg.”

Makailang hakbang nalang malapit na kami sa sasakyan ni aly. Bumaba na rin si ate chel sa pagkakasakay sa likod ko. Namanhid ata buong likod ko sa bigat niya. Nang bigla ko nalang naramdaman na niyakap niya ako sa me beywang. Gustuhin ko mang humarap ng mayakap din sya ng mahigpit kaso mas okey na to baka maudlot pa.

Ilang segundo pa. Pinikit ko ang mata ko habang hawak ko ang mga kamay nyang nakayakap pa rin sa me beywang. Wag na sanang matapos ang araw na ito. Saksi ang mga sasakyan at mga puno kung gaano namin pinapahalagahan ang isa’t isa. At mananatili na magkaibigan nalang talaga kami.

 “Oy Tara na. Gutom na ako.” Sigaw ni aly na nakalapit na sa sasakyan nya.

Inalis na rin ni ate chel ang pagkakayakap nya. Lumingon ako para ako naman sana ang makayakap sa kanya. Kaso parang me mga luha sa gilid ng mata ni ate chel. Di na sya tumingin sa akin na nakayukong naglakad patungo sa sasakyan. Bakit bigla nalang naninikip ang dibdib ko. Parang gusto na ring pumatak ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

“O ano ba Jovs bagal mo” daing ni aly.

Nagmadali na akong lumapit sa kanila at sumakay sa likuran ng sasakyan.

“Eto oh. Ang galing ko talagang kumuha” sabi ni aly sabay pinakita sa akin ang picture sa phone nya.

Yung picture na kinuha nya kanina na nakasakay sa likod ko si ate chel. Ang saya nga ng picture. Nakuha rin pala ni aly yung magkayakap kami ni ate chel. Pilit kong zinoom ito para mafocus sa mga mukha namin. Bakas nga sa mukha ni ate chel ang lungkot habang nakayakap sa likod ko.

“Patingin nga” sabi ni ate chel sablay hablot sa phone na hawak ko.

Tahimik lang si ate chel habang pinagmamasdan ang picture namin.

“O akin ng phone ko at baka idelete mo pa yan” sabi ni aly. “Tyak na maloloka fans nyo pag pinost ko yan sa FB. Hahahaha” tawa ni aly sabay kuha ng phone nya sa kamay ni ate chel.

“Deleted na.” mahinahong sabi ni ate chel.

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon