Part 5

1.9K 42 0
                                    

"Muffin" bulong ko habang nakayakap sa kanya. "Wag na tayong sumunod sa kanila, dito nlang tayo para masolo naman kita."

"Carrot, ano ba? Kanina ka pa ha. Di ko na mabilang. Masolo ka jan, e sayong sayo na nga ako" sagot ni chel na gustong makawala sa yakap ko. "Mamyang gabi sa condo ka umuwi ha", dugtong nito. "Tara na".

"Tara na, jovs" sigaw ng babae na di kalayuan sa akin. "Jovs ano ba? Gumising ka na nga jan. Me aqua training pa tayo. Nakakarami ka na ng sermon ke coach. Bumangon ka na kung ayaw mo pang madagdagan pa", dagdag nito.

Bigla nalang ako naalimpungatan sa sigaw ng kasama ko. Si Jesse palang roomate ko ang walang kakemeng keme mangising. Haiz, panaginip lang pala. Mukhang totoo na kasi eh. Ayun na yun oh. Kami na finally. Haiz bakit kelangan ko pa kasing magising.

Pagkapalit ko ng pangligo, diretso na ako sa pool. Medyo me kalayuan din ang pool sa lodging na tinutuluyan namin pag me training. As usual, andun na silang lahat. Buti nalang wala si coach.

Sa hindi kalayuan, natanaw ko na si ate chel na mukhang seryoso sa paglangoy. Panaginip nga lang ba ang lahat ng yun? Ni hindi ko na rin kasi mabilang kung makailambeses ko na syang napanaginipan. Haiz jovs gumising ka na sa katotohanan.

Takbo dun, langoy dito, sisid pa. Paulit ulit naming ginawa sa loob ng dalawang oras. Nakakaubos ng lakas at nakakagutom.

"O mga berks, break na at tayo'y kumain", sigaw ng isa naming kasamahan na me dala dalang tinapay at palaman.

Sa pagkakataong Ito, ngayon lang ako nakalapit sa kanya.

"Muffin", ngiti ni ate chel sa akin.

Bigla akong natigilan at napanganga, "Ha?". Totoo ba ang narinig ko? Tinawag nya akong muffin?

Ngiting dyosa pa rin ng sambitin nya, "Oo, muffin. Gusto ko ng muffin. Daan tayo sa shop sa me kanto mamya ha. Me carrot muffin dun", dugtong nya.

Amoy pa lang nito, gugustuhin mo ng malasahan agad. Lalo na yung bagong lutong kakukuha palang sa oven. Na kahit ilan pa ang matikman mo, siguradong di ka magsasawang ulit ulitin.

"Here's your order, ma'am" sabi ng waiter pagkalapag ng freshly baked carrot muffin.

"Hay my favorite" sambit ni ate chel na bakas sa mukha nya ang pagkasabik na matikman ito. Di ko maiwasang mag isip kung kelan nya naging paborito ang carrot muffin. Sa pagkakaalam ko, paborito ko ang carrot muffin at hindi nga nya magawang gustuhin ito.

"O, ayaw mo bang kumain?" tanong nya. "Sabi ko naman sa yo na masarap ito, di ba? Have a bite" aya nya sabay subo sa akin."Di ba masarap?" ngiti nya.

Di pa rin mapinta sa mukha ko kung ano ba talaga ang kasalukuyang ngyayari ngayon. Nananaginip pa rin ba ako? Me amnesia ba ako? O sadyang bangag lang talaga ako kasi tulog ako ng tulog.

"Pupunta ka ba sa PVF meeting mamya? Di ata ako makakapunta, daan si Chris mamya at me lakad kami" kwento ni ate chel. At dinugtungan pa nya ng kwento puro tungkol ke Chris. Di naman nya halatang wala akong ganang makinig kasi ngiti, tango at "Oo nga ate chel" ang lagi kong sagot. Wala na bang iba? Andito ako kasama siya pero kung sino sino naman ang kinikwento nya. Pero kaya kong umupo lang at buong araw siyang titigan. Hindi ako magsasawa basta kasama lang kita. Haiz kelan ka ba magiging akin?

"Jovs? Ok ka lang?" tanong ni ate chel habang tinatapik ako sa balikat. Mukhang napakalayo na kasi ng nilakbay ng isip ko at hindi ko narinig ang sinabi nya.

"Ha? E oo ate chel. Tama" mariing sagot ko kahit di ko gaanong naintindihan.

"Jovs nakakainis ka na. Kala mo ha. Sabi ko, kanina ka pa ate ng ate jan. Puro ka ate chel. Nagawa mo pa akong galangin matapos mo kong angkinin", daing nito sabay irap.

Ano daw???

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon