Chapter 6 : No, Sir!

4.8K 147 8
                                    

## Chapter 6 : No, Sir! ##

>Vince's POV<

Humanda talaga sa akin yang baklang yan!!!!! Babalatan ko sya ng buhay!!! Kapag ako talaga napuno sa kanya baka hindi na siya sikatan pa ng araw!!!

Ok lang sa akin ang magpush-up. Kung tutuusin madali lang iyon dahil nagwowork-out ako. Ang hindi ko matanggap ay yung hindi ko naman talaga kasalanan pero ako ang nagdusa.

At buti sana kung ibang tao. Matatanggap ko pa. Pero dahil dun sa baklang iyon napapush-up pa ako ng dis-oras.

At hindi man lang sya humingi ng sorry o nagtanong man lang kung ok ako sa nangyari. Siguro tuwang-tuwa pa yun na nakita akong pinarusahan.

Naku makakuha lang talaga ako ng tyempo na mag-isa sya. Bubugbugin ko sya.

[School]

"Pre, grabe ka kahapon, ang ingay mo kasi e. Yan tuloy naparusahan ka. HAHAHAHAHAHA" Kagaya ng inaasahan ko, aasarin lang ako nitong si Mark pagpasok ko. At hindi ako nagkamali.

Nagbilog pa ng mga upuan namin sa classroom na parang may bonfire sa gitna. Mga lokong ito gustong-gustong pagusapan ang pagkapahiya ko kahapon sa training day.

"Oo, Pre, hindi kami magkandamayaw sa pagpigil ng tawa namin. Buti napigil namin kundi sabay-sabay tayong naparusahan." Isa pa tong si Marvin. Hays. Kaibigan e.

"Si Paul kausap mo bago ka pag-push-upin di ba?" At pinasok pa nila si bakla sa usapan.

"Oo, ang kapal ng mukha ng baklang yon."

"Hahaha natalo ka ng bakla, pre. Nakakahiya. HAHAHAHAHAHA." Konti na lang pagbabatukan ko na tong mga ito.

Habang nagtatawanan ang mga kumag biglang dumating si Paul. Hindi makatingin ng deretso sa akin. Halatang guilty sa ginawa nya.

"Ayan na pala ang katapat mo, Vince." Hindi talaga titigil ang mga loko.

Nakita kong ngumiti si bakla. Walang hiya.

"Hoy, akala mo nakalimutan ko na ginawa mo?"

"Wala akong ginawa sayo. Kasalanan mo yun. Tatanga-tanga ka kasi. Nahuli ka tuloy." Aba sumasagot pa tong baklang to.

Eto namang mga kaibigan ko nangaasar pa. Kampi pa ata sila dito kay bakla.

Bago pa man ako nakasagot dumating na ang prof namin. Epal. Mainit na nga ulo ko math pa next subject namin.

Hay buhay.



>Paul's POV<

Buti na lang dumating si Sir bago pa man kami mag-away ulit ni Vince busangot.

"Good Morning, Class." Buti pa si Sir laging masaya. Laging nakangiti. Hindi katulad ni Vince na laging nakabusangot.

"Ok, naalala nyo ba ang quiz nyo sa akin last week? I have the results in my hand."

Well, hindi naman ako kinakabahan. Alam ko namang maayos kong sinagutan ang quiz namin e.

"I would like to inform you all na yung test na iyon ay assessment exam. Meaning to say na experimental exam sya. Tiningnan ko dito kung sino sa inyo ang kayang-kaya na ang math at kung sino ang kailangan pa ng tulong."

Wow, ngayon ko lang nalaman itong assessment exam na to. Pero hindi ko na naman kailangan magpaturo sa math. May alam naman kasi ako dito. Siguro isa ako sa magtuturo. (engk yabang.)

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon