Chapter 47 : Cafe Blues

1.6K 72 20
                                    


##Chapter 47 : Cafe Blues##


>Paul's POV<

One of the best things about being in a relationship is that you get to know the person more. It gives you a chance to gradually peel off the layers of their lives. Bawat araw may natututunan akong bago kay Vince. Katulad na lang ngayon. I learned that he's obsessed with coffee.

Wednesday ang free day namin sa school and we see to it na magagamit namin ito productively. Nung tinanong ko kung saan kami pwede mag-aral, sabi ni Vince sa Starbucks Coffee Shop daw malapit sa mall. I obliged kahit hindi ako mahilig sa coffee.

Isa rin natutunan ko sa pagkakaroon ng relationship; you need to compromise. Hindi lang kapakanan mo ang iniisip mo, kapakanan nyo nang dalawa.

Nagkasundo kami na doon na lang magkita. Even though may kotse si Vince, I insisted na wag nya tong gamitin palagi. Sayang sa gas! Tsaka alam kong pagagalitan sya ng pinsan nyang si Ezra kasi advocate yun ng pagtitipid.

Pagpasok ko sa Starbucks, nakita ko na agad sya sa may gilid. He reserved a medium size table for us. Dalawa lang rin naman kasi kami. "Hi. Sorry ngayon lang ako."

Medyo na-late ako dahil aaminin ko, nag-effort pa kong ayusin ang sarili ko. Because I want to look good for Vince. Oh diba ang landi ko?

Another thing na natutuna ko; kailangan lagi kang maganda sa harap ng boyfriend mo. Joke!

"OK lang." Sinara nya yung binabasa nyang libro. "Kaso nauna na kong umorder." Nakita ko sa table yung cup na binili nya. "Do you want me to order for you?"

"Huwag! Ako na lang." Ang kapal naman ng mukha ko kung uutusan ko pa si Vince. At malamang sa malamang sya magbabayad kaya pinigilan ko na sya.

Binaba ko ang gamit ko sa katapat na upuan at pumunta na sa counter. Kinakabahan ako, syempre. First time kong bibili sa Starbucks. At first time kong iinom ng kape.

Totoo. First time kong iinom ng kape.

Walang customer sa counter kaya binati na ako agad ng barista sa cash register.

"Good morning! I'm Kim." Halos kaedad ko lang tong baristang to. "You must be new here. What's your drink for today?"

"Ughhh..." Tinignan ko ang mga drinks sa taas. Hindi ko talaga maintindihan yung iba. Steamed milk lang ata ang gets ko.

"First time?" Buti na lang tinanong ni Kim.

"Oo e. Sorry ha."

She smiled. "Glad to help!" Nilingon nya rin yung menu sa likod nya. "Hmmm mahilig ka ba sa kape or hindi?"

"Un nga e. Hindi ako mahilig sa kape."

She nodded. "Oh, good to know. Baka gusto mong itry yung new featured beverage namin na Banana Split Frappuccino." Tinuro nya yung maliit na advertisement board sa tapat ng cash register.

Mukha namang masarap. "Anong flavor nito?" Nako, Paul! Flavor talaga? Halatang shake sa kanto lang binibili mo!

"Banana and strawberry ang dominant flavors and may waffle chips sa ibabaw."

"Sige yun na lang." Mahilig naman ako sa banana at strawberry so go na.

May pinindot sya sa cash register then tinanong nya ko, "Venti na natin?"

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon