Messenger
Calliel Angeline Saavedra
October 31, 9:43 PM
Mommy Dearest 💙:
Nak, may tanong ako sayo pala 😊
Cailey 🎀:
ano po 'yun, mommy?
Mommy Dearest 💙:
Boyfriend mo ba iyong naghatid sayo pauwi kanina?
Cailey 🎀:
hala, hindi po 🥲
bakit po?
Mommy Dearest 💙:
Hindi ka ba nagtataka, nak? Paano ka napunta sa kwarto mo kanina? Eh, hindi naman kita kayang buhatin at wala namang bubuhat sayo dahil di pa nauwi ang Daddy mo
Hindi ka rin mabubuhat ng kapatid mo kasi mas malaki ka
Cailey 🎀:
binuhat po ako ni siobhan?
[👍 1]Mommy Dearest 💙:
Oo, nak 🤣
Simula sa labas hanggang sa second floor sa kwarto mo
[😭 1]Hindi ka na niya ginising baka raw maabala ka pa sa pagtulog, eh alam niyang masama pakiramdam mo. Nakuha niya pa nga magtanggal ng sapatos habang buhat ka niya, baka daw madumihan bahay natin
Nung hinatid ka, umalis na siya. Tapos bumalik din, bumili lang pala siya ng gamot mo na prescribed ng nurse ng clinic niyo
Cailey 🎀:
hahaha, totoo po ba?
Mommy Dearest 💙:
Oo nga, nak. Kaya nga natanong kita kung boyfriend mo na eh. Hindi naman kami magagalit ni Daddy mo kung may boyfriend ka na
Alam mo naman ang limitations mo pagdating sa mga ganiyan eh. Sabihin mo lang sa amin, walang problema ha
[❤️ 1]Cailey 🎀:
crush ko lang po siya, mommy :(
Mommy Dearest 💙:
Umamin ka, malay mo gusto ka rin
Cailey 🎀:
hala, hindi po ako type nun 😔
Mommy Dearest 💙:
Paano mo nasabi? Ikaw ba siya?
[😭 1]Hindi ka nun ihahatid ng ganitong oras, nak. Hindi iyon mag-eeffort na bilhan ka ng gamot kahit pagod siya. Halatang may gusto rin sayo yun, ramdam ko. It's the little things that matters
YOU ARE READING
Courtside Chemistry
Teen FictionUNDER MAJOR REVISIONS An Epistolary 🏀📰 | Sports Romance On their campus, Cailey Saavedra has established herself as a sports journalist, while Siobhan is a well-known basketball player for the Blue Hounds Warriors team. They often cross paths at...