Chapter 21 - Day 3 Chaelisa talk

278 6 0
                                    

Jennie pov

Andito kami ngayon sa beach sinusulit na namin yung last day namin dito sa resort nila lisa dahil bukas babalik na kami sa manila.

Nakaupo kami ngayon dito sa mga relax chair habang nakasilong sa beach umbrella pinapanuod kasi namin sila lisa dahil naglalaro sila ng valley ball magkakampi si jisoo at loui samantalang si byul at seulgi naman ang magkateam.

"Grabe hanggang ngayon ang sakit pa din ng ulo ko." Pagrereklamo ni chaeng habang nakasandal sa relax chair at nakahawak sa ulo niya

"Panong di sasakit yung ulo mo ang dami mo nainum kagabi." Panenermon naman sakaniya ni irene, ang dami kasing alak na pinakuha nila byul kahapon kaya ayan.

"Nakipag sabayan ba naman ng pag inum kila seulgi at byul di ayan pare parehas kayong lasing kagabi." Dagdag pa ni solar

"Wag niyo na sermonan, at ikaw ok lang uminum pero next time magtira ka naman ng pang uwi buti nalang nakaya kang buhatin ni jisoo kagabi." Sabi ko naman sakaniya

"Akala ko ba wag akong sermonan wifey eh mas malala kapa kila irene at solar manermon, saka nagpasalamat nako kay jisoo kanina." Sabi naman niya

"Ang sinasabi ko lang magingat ka next time pano kung di mo kami kasama or kaya si jisoo pano ka uuwi eh di napahamak kana." Dagdag ko pa samin apat sila ni solar talaga ang malakas uminum or mas tamang sabihin na party girl yung mahilig gumimik sa mga bar, kami kasi ni irene mas gusto naming na nasa bahay lang hindi gaya nilang dalawa na parang ikamamatay nila ang hindi gumimik.

"Ou na." Maikling sagot nalang niya sabay simangot na akala mo senesermonan ng mga ate niya kaya nagtawanan kami haiy nako park chaeyoung.

"Oh bakit nakasimangot si chaeng?" Pagtatanong nila lisa tapos na pala sila maglaro.

"Hang over masakit daw ulo niya." Sabi ko naman kay lisa na umupo sa tabi ko.

"Ako nga din may hang over pa." Sabi naman ni byul habang nakaupo sa tabi ni solar.

"Aray para saan naman yun love?" Pagrereklamo ni byul habang hinihimas yung ulo niya bunatukan kasi siya ni solar kaya nagtawanan kami.

"Isa kapa magrereklamo ka sino ba kasing may sabing ubusin niyo yung alak kagabi? Parang di kayo nakakatikim ng alak" Panenermon sakaniya ni solar.

"Oh ikaw magrereklamo ka din?" Pagtatanong ni irene kay seulgi kaya natawa kami.

"Wala naman akong sinasabi bae." Sagot naman ni seulgi.

"Nako pasalamat kayong dalawa matino pa si lisa at jisoo kagabi kung hindi dito namin kayo pinatulog kagabi." Sabi naman ni irene.

"Teka nga asan nga pala si jisoo bakit bigla siyang nawala." Pagtatanong ni lisa.

"Ou nga kanina andito siya bigla nalang nawala." Sabi ko naman kanina lang nakita ko katabi siya ni chaeng.

Nilingap lingap namin si jisoo at paglingon ko sa may villa nakita ko siyang palabas may dala dala siyang inumin papalapit samin.

"Ayan na pala siya, chu saan ka ba galing at ano yang hawak mo." Sabi ni byul

"Sa loob kumuha ko ng inumin." Sagot naman ni jisoo

"Wow ang bait mo naman chu thankyou ha uhaw na din ako." Sabi ni seulgi at lumapit ito kay jisoo.

"Teka hindi naman para sayo to." Sagot ni jisoo.

"Para kanino ba yan." Pagtatanong ni seulgi

"Para kay chaeng to sa hang over niya tumabi ka nga jan pakuha ka kay irene kung gusto mo." Sabi niya kay seulgi at lumapit kay chaeng

We Bumped To Our Destiny G!PWhere stories live. Discover now