S E I S

69 9 4
                                    

-

"Maam? Ano pong kailangan niyo?"

Nandito ako ngayon sa harap ng isang napakalaking establisyimento, tama ba itong address na binigay ni Trevor? O baka pinagtripan lang ako 'non. Biruin mo iyon? 'Di naman ako nakapagtapos pero nakapasok ako sa kumpanya, hindi lang basta kumpanya, malagong kumpanya. Nabaling ang tingin ko sa tuktok.

' Lim's Reál Estate'

Naka ilang lunok ako bago ko Binalingan ng tingin ang guard.

"Newly hired po ako dito sa kompanya."

Agad naman akong tinanguan ng guard at binigyan ng daan upang makapasok sa loob. Bumungad sa akin ang isang magarang lobby, maraming food carts ang narito. Ito siguro ang nagsisilbing kainan ng mga nagtatrabaho rito. Lalo tuloy ako na excite.

Napatingin ako doon sa maraming kumpulan at doon ko nakita ang ibat ibang uniporme. Hindi ako pamilyar sa gan'to dahil first time ko pa lamang nakapasok sa ganitong kumpanya.

Nakisabay ako sa mga babaeng papasok sa elavator, tiningnan ko ang papel ko ang address na binigay sa akin ni Trevor, doon ko nakitang pang dalawampu't limang palapag ang pupuntahan ko, agad kong pinindot ang button sa operator.

Pumwesto ako sa pinakalikod upang hindi mapansin ng mga babaeng kasabay ko, nanliit kasi ako dahil sa mga ayos nila, halata sa kanilang alagang alaga ang mga katawan, ang ayos ng mga uniporme. Ako kasi naka faded jeans at t-shirt Lang ang suot ko eh. Tapos ang gulo pa ng ayos ng buhok ko.

'Bee, alam mo bang single pa si Boss?'

'Weh? May chance pa' ko'

'improktika akin kaya si boss!'

'ang gwapo talaga ni Boss ano, macho pa'

'ang yummy nga eh'

Medyo nailang ako sa pinag uusapan nila, sinong Boss ba tinutukoy nila? Napaka fafa naman yata?

Lumabas yung mga babae sa 15th floor Kaya ako nalang naiwan sa loob.

Pagkadating sa 25th floor, agad bumungad saakin ang isang hallway. Napansin kong may isang glassdoor doon sa dulo. Siguro ito na yung office niya?

Pagkapasok na Pagkapasok ko sa office niya, bumulaga na sa akin ang amoy ni Trevor. Naglibot ako ng tingin, napakaraming antiques, yung iba naman golds, tapos yung mga gamit na ka organized. Napatingin ako sa glass window at doon ko nakita ang buong siyudad.

Agad ko dinaluhan ang malaking bintana,ipinakat ko ang dalawang palad ko sa glass window at tiningnan ang view napakaganda! Nakita ko mula rito ang coffee shop ni Boss Rema dati. Yung mga jeepney, mga tiyanggian, at madami pang iba!

Hindi ko maiwasang mapangiti ng malapad sa aking nakikita. Ever since of my entire life, ngayon lang ako nakakita ng gan'to, Tamo? Napa english pa 'ko.

"Enjoying the view huh?" napaigtad nalang ako ng madinig ang baritonong boses sa likod ko, pag kaharap ko ay nakita ko si Trevor na naka Corporate suite. Bagay na bagay ito sa kanya. Para siyang young billionaire.

Doon ko na realized ang kabastusang ginawa ko.

"Ahh! Sorry, sorry talaga, nakalimutan kong kumatok naku sorry"

Nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi niya. Weyt lang, ika kadena ko muna panty ko, baka malaglag. Char.

Pero seryoso, sa simpleng ngiti niya nagyayanig buong kalamnan ko, like may sparks kumbaga?

Eh? Ano ba 'Tong pinagsasabi ko?

"Stop apologizing, have you ate your meal?"
Napatango nalang ako bilang sagot.

THE BREADWINNERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora