Seven

634 14 0
                                    

🖤
SimplyyyyBad

Ang simula ng pagpapanggap
-anonymous

[Vivian's POV]

Lumabas ako sa shower at agad nagbihis ng kung anuman ang makuha ko sa cabinet. Wala akong panahon para maging concern sa itsura ko. Kailangan ko nang simulan ang plano ko. 


Binuksan ko ang pinto at nakita kong muli ang mga tuxido men. Nasasanay na ako na lagi silang nakikita. Laging neat and clean in tux, uniform siguro nila ito sa pagbabantay. Hindi ko na lang pinapansin ang mga baril na hawak-hawak nila para hindi manghina ang loob ko. I need to be a tough woman. I need to be brave para maligtas ko ang kapatid ko sa mga kamay ng mga hangal na ito.



"Bilisan mo Mrs. Vivian, ayaw ni boss ng pinaghihintay." Sabi ng isang lalaki na may makapal na labi. Marami itong tato sa kamay at halatang malakas ito at hindi patatalo sa basagan ng ulo. Ang isa naman ay mukhang isang martial artist, matikas ang tindig at tahimik lamang sa labas ng pinto.



"Sa-saan?" Tanong ko.
"Sumunod ka lang kay Temoan." Sagot nito. So Temoan pala ang pangalan ng lalaking matangkad na parang isang martial artist. Walang imik at nauna na itong lumakad at sumunod naman ako. 



Mga ilang minuto din kaming naglakad. May isang fountain malapit sa isang garden tea house na nilalakaran namin. Tumigil si Temoan sa pinto ng garden tea house -saka binuksan ito para saaken. Nangangalat ang mga mata ko, maraming tuxido men sa paligid kaya maliit ang chance na makapuslit ako dito. Hindi ko parin alam kung saan nakatago ang kapatid ko.Ito ang una kong dapat alamin.



"Maupo ka." Utos ng isang lalaki. Nakatalikod ito pero boses pa lang alam ko na kung sino ito.


Umikot ako sa maliit na puting round table at umupo sa harapan niya.



Naka-black polo siya at may suot na mamahaling relo. Wala itong suot na kung anupa mang mga alahas. Walang kwentas gaya ng mga gangster. Wala rin itong tattoo sa mga kamay. Naalala ko din na wala itong tattoo sa dibdib, pero hindi ko nakita ang buo niyang katawan dahil bahagyang madilim ang silid ng gabing iyon ng makasama ko siya.

"Anong iniisip mo?" Galit na tanong nito ng mahalatang nakatingin ako sa kanya. 
Hindi na naman ako nakasagot.



"Iniisip mo ba na perfect na sana ang lahat kung ako si Randy?" Pang-aasar nito na parang may hinanakit ang boses ng mabanggit ang pangalang 'Randy'. Galit ba ito sa kakambal nito? Humihigpit ang kamao ng lalaki ng mabanggit nito ang pangalan ng kapatid.



Mas pinili ko na lamang na tumahimik. Hindi magandang gatungan pa ng mga kahoy ang apoy. Hindi ko makukuha ang tiwala niya kung ipapakita ko na natatakot ako sa kanya. Kailangan kong ipaniwala sa kaniya na dapat akong pagkatiwalaan.



May ibang maid na nag- asikaso sa amin. 



"Nasan si Ella?" Bigla kong natanong sa isang maid. Si Ella ang batang maid na kausap ko kagabi. Nagulat ang maid sa tanong  ko. Hindi niya sinasadya at umapaw ang tsaa ng nilalagyan niyang baso.



Namumula si Ranz sa galit ng makita ang nangyari. Sumenyas si Ranz sa isang tuxido man at kinuha ang maid. Kinaladkad ito ng lalaking may malaking katawan.



"Mr. R, sorry po hindi ko po talaga sinasadya. Sir-" Iyak ng maid habang hinihila palabas ng malakas na tuxido man.



Naaawa ako sa kanya, kasalanan ko ito- hindi ko na dapat tinanong kung nasaan si Ella.
"So kilala mo na pala ang mga maid ko dito." Tingim-bagang na sabi ni Ranz.



Saakin ka Ikakasal [Erotic] RANZWhere stories live. Discover now