Kabanata 21- Meet the bestfriend

24.1K 454 10
                                    


Hello! Vote at comment naman po. I want opinions kung ayos lang ba pinagagagawa ko. Haha. Thank you.
Zero comments pa rin po kasi ako. Huhu.


***


Nang nakauwi kami, dire-diretso akong bumaba ng sasakyan at walang lingon-likod na pumasok sa kuwarto ko. I feel so exhausted. Nanghihina akong bumagsak ng kama. Sayang ang araw na to para sa lesson na namiss ko pero naisip ko ring siguro may dahilan din kung bakit nangyari ang mga iyon kanina. Marahil ay para malinawan ang tungkol sa amin ni Thorin.


Kinuha ko ang phone ko at nabasa ang ilang messages na dumating pa kanina nung sinabi ko kila Carol na masama ang pakiramdam ko. Alalang-alala sila pareho kaya naisipan ko na ring tawagan si Carol. Sa oras na to ay alam kong break time pa.


Nakailang ring muna bago ko narinig ang boses ni Carol sa kabilang linya.


"Lorraine! Mabuti naman tumawag ka!"


"Sino yan? Si Lorraine?" Dinig kong boses iyon ni Sheen.


"Ay hindi si Procorpio. Lintik sinabi ko na ngang si Lorraine, itatanong pa." Natawa ako sa pagsusungit na iyon ni Carol. Si Sheen naman ngayon ang nabara.


"Hindi ko narinig! Magtatanong ba ako kung narinig ko? Shunga."


"Heh....! Oy, ano kumusta ka na? Ano bang nararamdaman mo?"


"Ahm... wala. S-sumakit yung puson ko. Monthly period. Hehe." Palusot ko. Napabuga ako ng hangin. Ang hirap magsinungaling.


"Really? Cramps daw." Aniya kay Sheen. "Okay ka na ngayon?"


"Ah..oo. I'm alright. So, what happened kanina?"


"Wala naman discussion lang. Hey wait... oo nga pala. Alam mo ba? Absent din si Sir Olivar ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit eh."


Binundol ng kaba ang dibdib ko. Holy cow. Oo nga pala magkasabay kaming wala. Alam kong narito rin sa bahay si Thorin at hindi na pumasok. Nakaramdam ako ng guilt ngunit bigla ko ring naisip ang mga pinag-usapan namin kanina. Somehow nabawasan na ang mga pangamba ko. Nawala na ang takot na namahay sa puso ko sa loob ng ilang araw.


"G-ganon ba?"


"Oo. Weird nga eh. Never pa daw umabsent yang si Mr. Olivar, ngayon lang. At ngayon ka lang din nawala. Whoa!"


"Bakit?" Nataranta ako. Kapansin-pansin pa talaga na sabay din kaming wala?! Grabe naman yan.


"Wala naman. Haha! Paranoid lang ako, iniisip kong nag-usap kayo pero napakaimposible naman yata. Pero girl ang malisyoso ng ibang classmate natin eh, baka daw magkasabay nga talaga kayo kasi may nakakita sa inyong dalawa kanina sa labas ng school. Mga baliw talaga yun! Paano ka naman sasama don eh galit ka doon? Di ba girl?"


Napangiwi ako. God. May nakakita? Oh my god bakit pa?!


My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon