Kabanata 41- Palusot.com

18.2K 296 1
                                    


Another UD...
Ayan nakatatlo na ako. Haha. See you next update.

Enjoy! <(=^_~=)>


♥♥♥♡♡♡


***

"Katapusan na ba?" Tanging naibulong ko sa sarili ko.

"Dapat ho hindi kayo nag-iiwan ng gamit maam." Ngali-ngali kong masigawan ang assistant ng doktora na ito. Ano ba?! Damn. Pahamak! So ano na ngayon? Buko na kami ni Thorin ng anim na ito na kami ang magkasama rito. Sabunutan ko kaya ang kalbo na to?!

"Hindi akin yan." Madiin kong sabi. Pinandidilatan ang pasaway na assistant. Si Thorin naman parang wala lang samantalang nakita niya na rin ang anim na nagmamasid sa amin, nagbubulungan kapag hinihingi ng pagkakataon. Ugh. Why he is not a reacting? Samantalang ako ito, hindi na yata alam ang gagawin. The hell talaga!

"Hindi ba sa inyo ito?"

"Hindi nga." Pagdidiin ko muli.

"Yeah. Hindi sa kaniya iyan. Baka sa isang patient. Nakita ko siyang lumabas doon. Habulin mo na." Ani Thorin.

"Ah ganon ba? Pasenya na ho." Mabilis itong tumakbo palabas para mahabol ang may-ari ng paper bag.

Kainis! Nang dahil sa napagkamalan lang akong may-ari, napipintong mabuko pa kung anong meron kami ni Thorin. Just how I'm lucky di ba? Heck! Sarap sipain papuntang Venus. Maiba naman, wag lang laging pluto.

Manghang lumapit ang anim. Si Veronica kakaiba ang tingin, si Wella naman just unbelieving, at ang apat nagtitinginan lang.

"You are together Lorraine? Magkasama kayo ni sir?" Interrogating na tanong ni Veronica.

Napasinghap ako. "A-ano. H-hindi ah. Nagpapatawa ka ba?" Kunwaring natawa ako. Ang peke ko!

"Oo kasama ko siya, actually." Seryosong sabi ni Thorin.

Napawi bigla ang ngiti ko at natabingi ang bibig ko. Ay palpak! Nabuko na nga!

"Talaga? Bakit hindi niyo sinabi sa amin kanina?" Tanong ni Wella.

Sumang-ayon ang lima. Tss. Ewan ko ba pero nababahala na naman ako. Ang buong akala ko makakahinga na ako ng maluwag nang tumalikod na sila. Ugh. Hindi pa pala.

"Do I need to say to you, students? Hindi kayo nagtanong. So hindi ko sinabi. That's simple. Enough questions. Nagkasama lang kami dahil kaibigan ko ang doktora na kumonsulta sa kaniya. Now, go. Papasok pa kayo mamaya hindi ba?"

Ayan. Gumana ang pagiging prof. Sana kanina niya pa ginamit hindi ba? Tsk. Nagdiwang ang kalooban ko dahil doon, nalusutan niya.

Napahiya ang apat at napayuko. Narinig ko pang bumulong ang isa sa katabi niya. "Ang sungit." Sumang-ayon naman ang binulungan. Ay naku ewan ko sa inyo, pafeeling close kasi kayo eh kilala niyo naman kung sino ang kausap niyo.

"Sige po sir. Pasensya na po. " ani Veronica.

Ganoon din si Wella at ang iba pa. Sabay sabay na silang lumayas para bisitahin ang dapat bisitahin. Oo lumayas talaga, okay kaya yon. Mas maganda pakinggan.

***

"Kaibigan mo nga ba talaga ang doktora na iyon?" Tanong ko pagkarating sa kaniyang sasakyan. Kakaalis lang namin sa hospital nang magtanong ako.

Nilingon niya ako. "Naniwala ka?"

"Tss...so hindi totoo?"

Tumango siya habang nangingiti. "Oo.. nakita mong nginitian ko ang doktora mo?"

My Ruthless Professor(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon