A R T I C L E 3 - S E C T I O N 5

183 3 2
                                    

HINDI ko mapigilang mamangha pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay. Maganda naman na talaga sa labas pa lang pero pagkapasok ko ay halos maluha ako habang inililibot ang tingin sa paligid.

The house that he built for us was screaming my presence. Lahat ng furniture and appliances sa loob ay pasok na pasok sa style na gusto ko.

"Jasper . . ." tawag ko sa kanya bago tumalikod at hinarap siya habang naluluha. Ngumiti siya sa'kin at malapad na ibinuka ang mga braso niya.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa maletang dala bago sumugod sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. I immediately felt him return the embrace.

"Do you like it?" bulong niya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Tumango ako sabay mas hinigpitan ang pagyakap sa kanya.

He chuckled a bit before I felt him kissed the top of my head.

Ngayon ang araw na naglilipat na kami ng gamit dito sa bahay namin.

Gosh! Hindi parin ako makapaniwalang bahay nga namin 'to.

"Kadramahan talaga ng babaitang 'to!" paninira ng moment ng atribida kong tiyahin.

"Inggit ka lang kasi wala kang jowa!" pang-aasar ko sa kanya bago bumitaw mula sa pagkakayakap kay Jasper.

"Lauren?" agad akong tumakbo paakyat sa may second floor para puntahan si Mama Jasmine.

"Yes po?" tanong ko pagkapasok ko sa kwarto ko.

Hindi naman porket bahay namin 'to ay magkasama na kami ni Jasper sa isang kwarto. Magkahiwalay kami ng kwarto, 'yon lang talaga ang demand ng parents niya at ni Tita Katya. Wala daw silang problema kung magkasama kaming dalawa sa iisang bahay since may tiwala naman daw sila sa amin, but still, we had to go through hours of lectures about how to control teenage hormones and so. 

Jasper's dad even joked na kung hindi na talaga kayang magpigil ay siguraduhin na lang na may kapote. Ayun, nabatukan ni Mama ng wala sa oras.

"Komportable ka ba kung ganito ang position ng bed mo? Or should we have it moved?" tiningnan ko ang pagkaka-ayos ng buong kwarto.

Nakasandal sa may pader ang headboard ng queen size na kama. May dalawang naka-frame na picture namin ni Jasper sa may taas noon. Mayroon ding mini table sa magkabilang gilid ng kama, isa para sa lampshade, at isang may medyo may kalakihang flower vase. Sobrang aliw na aliw ako habang inililibot ang tingin sa kwartong halos mapuno ng gray, baby pink at white na mga gamit.

"Ma . . . ang ganda talaga dito. Mga magkano gastos ni Jasper?" tanong ko kay Mama habang nakahiga sa kama. Sandali siyang tumigil sa pagkakalkal ng maleta ko at hinarap ako.

"That doesn't matter. Ang importante nagustuhan mo at komportable kayo," nakangiti niyang sabi bago bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Nanatili lang akong nakahilata sa kama at nakikipagtitigan sa kisame. I keep on wondering how my life turned to this. Sobrang layo nitong buhay ko sa buhay namin ni Tita Katya noon.

Kahit sobrang daming tsismis na kumakalat sa amin na gold digger ako, na kinukunsinti ni Tita Katya ang kalandian ko, at marami pang mga kwentong gawa nina Aling Tering and friends. Hindi na lang namin pinapansin kasi wala naman silang alam kung ano talaga ang totoo. Puro tsismis lang naman ang alam nila. Hindi nila alam kung gaano ako kasaya. Hindi nila alam kung paano nabago ng pamilyang 'to ang mga pananaw ko sa buhay.

Si Tita Katya, kahit ganoon lang 'yon, mahal ako no'n. Hindi ako pinabayaan kahit na sobrang bata niya pa noong naiwan ako sa kanya. Hindi na nga ata makakapag-asawa ang isang 'yon dahil halos lahat ng jino-jowa ay ako ang trip. Na-trauma na rin ata noong muntik na akong ma-rape noong huli niyang kinakasama, hanggang jowa na lang siya at wala nang tinetake-out sa bahay.

"Ma . . ." tawag ko kahit na nakatingin pa rin ako sa kisame.

"Hmm?" sagot niya habang maayos na sinasalansan ang mga damit ko sa puting drawer.

"Thank you po," pasasalamat ko bago ako tumayo sa kama at lumapit sa may likuran niya para yakapin siya.

Natawa naman siya at binaba ang ilang pirasong damit na hawak. Bago marahang hinaplos ang mga braso kong nakayakap sa kanya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Ang sweet naman ng baby girl ko . . ." 

"Ma, salamat po talaga kasi dumating kayo sa buhay namin ni Tita," naluluha kong bulong sa kanya.

Hinayaan lang ako ni Mama na umiyak sa balikat niya habang patuloy pa rin niyang hinahaplos ang braso ko. Tahimik lang siya habang ginagawa iyon, wala siyang sinasabing kahit ano, pero somehow, I felt comforted. Pakiramdam ko protektado ako sa lahat ng makakapanakit sa'kin.

"Kami nga ang dapat magpasalamat sa'yo. Thank you for making Jasper happy," sabi niya habang hawak ang magkabila kong pisngi matapos punasan ang mga luha sa pisngi ko. Nginitian niya ako habang iniipit sa likuran ng tenga ang buhok na nagkalat sa mukha ko.

"This is a new chapter of your lives. Hindi na kayo mga bata at sigurado akong marami kayong problemang haharapin. Hindi ko man hinihiling pero alam kong ilang beses rin kayong magkakasakitan, but I hope the both of you would remain strong. Fight for your love, fight for each other, kahit pa sarili na ninyo ang kalaban ninyo." Sandaling tumigil si Mama sa pagsasalita at tinitigan lang ang mukha ko.

"Lauren, this world is a cruel place to live in. Hindi dahil masaya tayo ngayon, ganoon pa rin bukas. What we have now, pwedeng bigla na lang mawala bukas. Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay, pero ito ang tandaan mo anak, love never disappears. It fades, yes. But still, it remains. Nababawasan lang, nag-iiba lang pero nandito pa rin," she said while pointing at my chest.

"When the time comes na sobrang hirap na, na sobrang bigat na at sobrang sakit na. Just remember the love that keeps you together. Kung dumating man ang panahon na parang gusto mo nang bumitaw, tandaan mo muna kung bakit ka nag-stay. Bakit ka tumagal? Kasi anak, you won't go that far, just to be that far. Pain would never end. Just like love, it fades, it might melt away, but it never ends. Babalik at babalikan tayo ng sakit kasi 'yan lang ang nagpapaalala sa'tin kung paano ang pakiramdam maging masaya." Ngumiti ako kay Mama nang maintindihan ko ang sinasabi niya.

Naintindihan ko naman.

Pero hindi ko naman alam na sobrang hirap pa lang gawin, not until I was here facing Jasper with bloodshot and tired eyes directed at me.

"Ang sabi mo walang susuko?" tanong niya kasabay nang pagtakas ng luhang kanina niya pa pinipigilan.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Where stories live. Discover now