A R T I C L E 3 - S E C T I O N 8

153 5 1
                                    

"W-WHY are you here?" nauutal kong tanong sa kanya.

Anim na taon na mula nang huli ko siyang makita nang personal habang umiiyak sa ulanan. Who would've thought na ganito ang sunod naming pagkikita?

"You should take a seat first," malamig niyang saad pagkatapos ay tinanguan ang bakanteng upuan sa kanyang harapan.

Pero imbes na sumunod ay humakbang ako paatras.

Mabilis kong naalala ang mga paghingi ng paumanhin ng ilang mga abogadong na-assign rin sa'kin. They apologized for not being able to keep fighting, sobrang daming death threats ang natatanggap nila at maging ang mga pamilya nila ay nadadamay.

I can't let him be my attorney.

He'll only be afflicted with this mess. At ayoko iyon para sa kanya.

Not my Jasper.

"No. I don't need you. Umalis ka na." Nagmamadali kong saad bago ako tumalikod at kinatok ang pintuan para tawagin ang nagbabantay.

Gusto ko nang lumayo dito.

Gusto ko nang lumayo sa kanya.

"Please take me out, tapos na po—" Agad akong napalingon nang haklitin niya ang braso ko paharap sa kanya.

"What's wrong with you?" kunot noo niyang tanong pero umiling lang ako kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha.

"You can't do this, Jasper." Naramdaman kong binitawan niya ang braso ko matapos kong bigkasin ang pangalan niya.

"You still remember me," nakapamulsa na niyang saad.

"You can go now. Pasensya na sa abala," I told him without meeting his eyes.

"Lauren . . ." Mas bumilis ang pag-agos ng luha ko nang marinig ang pamilyar na babala sa boses niya. Lagi niyang ginagamit iyon dati kapag pinagbabawalan niya na akong kumain ng sobra o kung sobrang kulit ko na.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

I needed to get out of here. Fast.

"Tapos na po kaming mag-usap!" tawag ko sa bantay sa labas kaya naman agad na bumukas ang pintuan at sinalubong ako ng nagtatakang tingin ng bantay na naghatid sa akin kanina.

"Ren—"

"Maraming salamat, Attorney. Tara na po," nakayukong putol ko sa akmang pagpigil ni Jasper.

Wala na siyang nagawa pa nang akayin na ako ng officer palayo.

"Ang bilis niyo namang mag-usap ng abogado mo," puna ng officer.

"Hindi ko po siya abogado." Nakita ko ang nagtatakang tinging itinapon ng officer sa'kin pero hindi na siya nagtanong pa.

Hindi pwede.

"Lauren, ang bilis mo namang nakabalik?" gulat na bungad ni Nanay Koli pagkabalik ko sa selda namin.

Tumutulo ang luha akong tumakbo at yumakap sa kanya. I heard our cellmate, Tasha groaned and snorted with what I did but I was scared enough not be bothered with her today. Hate me all you want, wala naman na yatang patutunguhan ang buhay kong ito.

"Anong problema, hija? Hindi ba kayo nagkasundo ng bagong abogado mo?" nag-aalalang tanong ni Nanay Koli habang marahang hinahaplos ang likuran ko.

"Nay . . . bakit po ang malas-malas ko?" umiiyak kong tanong sa kanya.

"Sa dinami-dami ng abogado sa mundo bakit po siya pa?"

"Hindi ko maintindihan, hija. Anong problema?" sabay kaming na-upo ni Nanay sa kama niya habang pilit niyang pinupunasan ang mga luhang bumabasa sa pisngi ko.

"Ano pa ba? Nag-iinarte na naman ang artista! Walang camera dito, Ignacio! Tigilan mo kami sa kaartehan mo!" sigaw ni Tasha mula sa upperdeck na katabi ng kama namin ni Nanay.

Marahan lang siyang pinagsabihan ni Nanay Koli bago muling humarap sa akin ang matanda.

Apat kaming magkakasama dito sa selda, ako, si Nanay Koli, si Tasha at si Ate Rosa. Nanay Koli's the oldest among us, she was already fifty and was convicted of murder, she killed her husband who beat their son to death. Si Tasha naman kaedaran ko lang ata, parehong on-going sa korte ang kaso naming dalawa. She hates talking about it kaya hindi ko na pinilit itanong pa at mukhang mainit rin ang ulo nito sa akin. Si Ate Rosa naman dating driver ng pedicab sa kanila, tapos may tinulungan lang daw siyang babaeng balak halayin ng anak ng mayor nila, ayun, siya pa ang napagbintangang pumatay doon sa babae.

Ganoon naman talaga ata, basta mahina ka wala kang laban sa mga taong may pangalan.

"Lauren?" tawag pansin ni Nanay Koli kaya nag-iwas ako ng tingin kay Tasha na bumalik na lang sa librong binabasa niya.

"Anong nangyari? Anong sabi ng bago mong abogado?" Umiling ako sa tanong niya.

"I can't let that guy be my lawyer, Nanay. Madadamay lang siya. Ayokong madamay siya," naluluha kong amin sa kanya.

"Ang arte! Dati umiiyak kasi walang abogado ngayon naman iiyak-iyak ka diyan kasi meron na? Ano ba talagang gusto mo?!" iritadong sigaw ni Tasha mula sa taas.

"Tasha!" suway ni Ate Rosa at Nanay Koli sa kanya.

Bumangon si Tasha mula sa pagkakahiga at bumaba bago naglakad papunta sa harapan ko. Nagulat kaming tatlo nang marahas niyang punasan ang mga pisngi kong basang-basa ng luha.

"Stop being weak, Lauren. Walang magagawa iyang pag-iyak-iyak mo." Natigilan ako sa sinabi niya.

"I saw you faced thousands of scandals before. Lahat iyon hinarap mo. Lahat 'yon kinaya mo. Ano pa bang itong wala kang ginawang masama?" Nakatitig lang ako kay Tasha habang nagsasalita siya.

She was never the type to care.

Sa totoo lang ay makasarili ito at lagi akong pinag-iinitan. Kaya ngayong sinasabi niya ang lahat ng 'to, pakiramdam ko ay ibang tao ang kaharap ko.

"Rinig ko ang abogado mismo ang kumuha ng kaso mo. Kinuha niya 'yan, ibig sabihin alam niya kung anong pinapasok niya. Sa reaksyon mo ngayon ay sigurado akong kakilala mo siya?" tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Then, that's good. Mas mailalaban ng tama ang kaso mo. Kilala mo ang mga Quintos, Lauren. Alam mo kung paano gumalaw ang pamilyang 'yon. Ngayong may taong dumating na handa kang ilaban, ngayon ka pa susuko?" direkta lang ang tingin niya sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon.

"Sa ating apat, Lauren. Ikaw ang may pinakamalaking tsansang makalabas sa impyernong 'to. Don't let the opportunity ran away,"

"Tama si Tasha, Lauren. 'Wag mo hayaang magaya ka sa'kin," malungkot na payo rin ni Ate Rosa.

"Pero sinabihan ko na siyang hindi ko siya kailangan," naluluha kong sagot. Agad naman akong napa-aray nang bigla akong kutusan ni Tasha.

"Tasha!" suway nina Nanay Koli sa kanya.

"Sabi nang 'wag kang mahina! Babalik 'yon, Lauren. Sinasabi ko sayo, babalik ang abogadong iyon." At hindi nga nag-kamali si Tasha.

"Ignacio, may dalaw ka!" tawag ng bantay sa akin tatlong araw nang huli naming pagkikita ni Jasper.

Sandali ko lang na tinapunan ng tingin ang mga kasamahan na nagsitanguan sa akin bago ako tuluyang lumabas at sumama na sa officer. Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin pagkapasok ko sa visiting area. Mabilis lang na nagtanguan sina Jasper at ang officer bago ito lumabas at iniwan kaming dalawa.

"I hope you won't run away this time?" tanong niya pagkaupo ko sa kanyang harapan. Sandali akong tumungo at hinugot ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako bago ako nag-angat ng tingin para salubungin ang mga mata niya.

"Get me out of here, Jasper. Please," pakiusap ko sa kanya.

Sandali lang niya akong tinitigan bago siya tumango ng sunod-sunod at marahang ipinatong ang nakasiklop na mga kamay sa lamesa.

"Then tell me everything, mula simula hanggang sa paano ka napunta dito."

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Where stories live. Discover now